Dapit Hapon

“Natutulog ba ang Diyos?”

Ilatag na ‘to

Ika-2 ng Hunyo ng taong 2006 nasa kahimbingan ako ng tulog ng biglang tumunog ang aking ‘cellphone’. Sinagot ko naman agad  pagkaraka. Isang umiiyak na boses ang aking nakinig galing sa kabilang linya. 

“Si papa wala na! Anong gagawin ko?! Di ko na lam gagawin ko..” 

“Ha? anong nangyari?! Asan ka ngayon pupuntahan kita!”

“Nasa bus ako ngayon! Di ko na alam gagawin ko pagnawala si papa!”

Isang iyak ang umalingawngaw sa linya ng telepono ko na bumasag sa buong pagkatao ko. Naging manhid ang buo kong katawan sa sakit ng naramdaman ko sa pag-iyak niya galing sa kabilang linya. Hindi ko siya kayang pakalmahin at patigilin sa pag-iyak kaya wala na rin akong nagawa kundi mapaluha na lang sa mga naririnig ko sa mga sandaling yun..

Makaraan ang limang oras na biyahe nakarating din ako ng kanilang bahay. Nakita ko na bukas ang gate nila at tahimik sa loob. Pumasok ako ng bahay at nakita ko ang ‘kabiyak’ na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan. Nung mga oras na yun iniisip ko kung tama ba tlga sabihin ko ang isang namatayan ng ‘condolence’.

“Magandang hapon po..”

Isang nangingilig na mga mata at isang tango ng ulo ang naging sagot sa aking pagbati.. 

Tinangka ko silipin ang katotohanan na pilit nilalabanan ng sarili ko na hindi totoo tong mga nangyayari at isang masamang panaginip lang ng biglang may yumakap sa likod ko at humahagulgol at nagwiwikang..

“Si papa wala na.. Si Papa wala na.. Si Papa wala na”

Kinurot ko ng palihim ang balat ko ng marinig ko yun. At ng malaman ko na hindi panaginip ang lahat. Hindi ko na napigilan at umiyak na ako. Nakatayo kami sa kawalan at natatakot sa magiging hinaharap. Minasdan ko ang buong paligid ko nakita ko ang pamilya niya na sobrang lapit sa akin na sobrang nasasaktan na sa pagkawala at di makapaniwala sa nangyari. Dahil sa sobrang nasasaktan na ako sa nakikita ko at alam ko mas magiging masaya yung mahal ko kung ako ang nakahiga ng tuwid kesa sa papa niya..

“Putang ina!! Ako ang ilagay mo sa kabaong at ibalik mo buhay kinuha mo!” Ang naging hamon ko sa Diyos..  

Galit, Poot at Paghihiganti ang nararamdaman ko na lang. Wala na akong pakialam kung masunog ako sa impiyerno o mapunta sa kawalan. Basta ang mahalaga sa akin tanggapin ng Diyos hamon ko sa kanya kung totoong nasa paligid lang siya, langit at bawat isa sa atin . Pero walang Diyos na sumasagot sa mga hamon ko. Naalala ko na lang yung lagi niyang suot na uniporme sa opisina, yung kung gaano siya kabuting ama at asawa sa asawa at mga anak niya, at yung nakakatawa na seryoso na iiyak siya sa simbahan pag may ikinasal sa isa sa tatlo niyang anak na babae. Napapangiti na lang ako na parang baliw na inaalala lahat ng alaala niya at naiiyak sa di maipaliwanag na dahilan.

“Pagod na siya kaya niya tayo iniwan..” Ang sabi ng Ina sa kanyang apat na anak.

Advertisements

30 Comments

  1. ifoundme said,

    July 17, 2008 at 3:01 pm

    nakakaiyak naman yan…

  2. ayyzzz said,

    July 17, 2008 at 4:25 pm

    awe….
    nakakalungkot naman..
    😦
    condolence po..

    naalala ko tuloy papa ko.. 😦
    if you need someone to talk to, em just here…

  3. nanaybelen said,

    July 17, 2008 at 10:23 pm

    nakakaiyak…

  4. yhen said,

    July 18, 2008 at 3:10 am

    hello po,

    nakikiramay po. God has a purpose and a reason for everything.

    just be thankful your father is with the Lord already.

    i like your blog, too.

  5. rio said,

    July 18, 2008 at 5:16 am

    wala akong karapatang magsabi nito pero baka naman kailangan na nyang talagang umalis sa mundong ibabaw dahil baka kailangan na sya ni PAPA Jesus sa langit..
    condolence…

  6. frozengirl24 said,

    July 18, 2008 at 5:52 am

    naku napasakit talaga ng mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung itong tao na eto ang buong buhay mo. naranasan ko na yung tipo ba na susunod2 na trahedya , trahedya na kinuha ni Lord sa akin na sunod – sunod nya na kinuha sa kin ang mga taong mahal ko… nahirapan ako tanggapin yun nung una! halos mabaliw ako, tulala at di ko alam kung paano ko sisimulan ang buhay ko. tapos yun may kasunod na naman pala . tapos na sunod ulit. pero inisip ko na lang na kung kapiling ko nga sila tapos hirap naman sila… mas gugustuhin ko na di ko sila makasama…. mas masaya sila kung kasama sila ni God. payayapa na sila at maginhawa

  7. pol0106 said,

    July 18, 2008 at 9:13 pm

    haba naman pare kaya tumawa nalang ako habang lumuluha. . .

  8. Maldito said,

    July 18, 2008 at 9:39 pm

    ganyan talaga ang buhay…may mawawala..may maiiwan….wag mong hamunin ng Dyos. may kanya kanyang oras tayo para magpaalam sa mundong ibabaw…

    kung pwde ko lang din nga kausapin ang Dyos,

    Gusto kong malaman, bakit niya kinuha Papa ko…

    ng biglaan…

    at iwan kami sa kawalan.

  9. angelbeshy12 said,

    July 19, 2008 at 7:58 am

    nice blog. u catch my attention as well as my heart … keep it up.

  10. kengkay said,

    July 19, 2008 at 11:15 am

    andito ako, nakikiiyak. mahirap tanggapin pero dapat… dahil siguradong kung nasan man si papa e mas nais niyang maging maligaya tayo sa piling ng mga naiwan niya.. take your time to grieve. meanwhile, here, hold my hands. hugs!

  11. geisha said,

    July 19, 2008 at 3:53 pm

    hindi ko alam gagawin ko kung mawala ang papa ko 😦

    ang hirap pag nawalan! di baleng ako ang mamatay wag lang mahal ko sa buhay!
    (oi may rhyme sya) heheh 😀

  12. mhar said,

    July 21, 2008 at 6:57 pm

    😥 nakakaiyak naman.

  13. lalaine said,

    July 22, 2008 at 6:03 pm

    nakakalungkot naman… ang alam ko lang eh… everything has its own reason sa mga pangyayari sa buhay natin… minsan mahirap lang talaga intindihin… pero dpat na ganun talaga mangyari…

    kaya mo yan 🙂

  14. frozengirl24 said,

    July 23, 2008 at 2:26 am

    im back

  15. July 23, 2008 at 9:26 am

    hmmm.. condolence po.. masasabi ko lang kung tinatanong mo kung bakit sya kinuha… lahat naman tayo doon ang punta.. nagkataon lang na may nauuna at nahuhuli.. pero wag ka mag alala everything that happen around us ay may purpose.. maybe to make you strong… basta dito lang po kami mga ka blog mo ..

  16. marcpogi said,

    July 23, 2008 at 9:41 am

    maybe next time you should write how the father lives his happy life here on earth rather than the days that made everyone cry.

    thats the way how you should remember people.

    alive and happy. although seeing him waving goodbye is so sad, i think you should wipe away your tears to see how he smiles at you with the other man beside him.

  17. Aling Baby said,

    July 23, 2008 at 10:13 am

    mahina rin ang loob ko pagdating sa ganyan. at sa mga taong nawalan, nakakapanghina talaga at marami nang naiisip. alam ko napakahirap pa sa ngayon ang tanggapin ang katotohanan. may mga rason kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay sa mundo. nakikiramay ako sa inyo emo.

  18. frozengirl24 said,

    July 24, 2008 at 3:40 am

    stay strong and may God bless u always

  19. roan mendoza said,

    July 28, 2008 at 7:52 am

    sobrang masakit talaga ! pagka yung mahal mo kinuha na ng Diyos sa’yo. pero mas masakit panoodin ang mahal mo sa buhay na nahihirapan na ang katawan pati ang kalooban, sa mga pagkakataon ganito mas kailangan na pinakikita natin sa kanila na kaya natin, handa natin tanggapin ang kanilang pagpanaw, napaka sakit pero dapata kinakaya, nagpapakatatag at harapin ang buhay. pisikal na anyo,katawan lang naman ang nawala, sa puso’t isp naman kasama pa rin natin sila.

  20. roan mendoza said,

    July 28, 2008 at 8:26 am

    Siguro naman! We all experience a great loss in our lives. Whether that loss is someone we love, a pet, or something very important to us. Di nga lang natin alam kung gaano katagal ang mahika na nasa ilalim tayo nito ng PAGLULUKSA! Kaya heto nga mga karaniwang pakiramdam ng tao nawawalan… mga emosyon na di maipaliwanag, parang may hinahanap, parang may kulang… mga emosyon at pakiramdam na malungkot kase wala na sila, takot, hindi handa sa pagkawala, natutulala, nalilito, feeling nadaya, galit, guilty sa nangyari. Minsan nga isinusumbat pa natin sa Diyos na bakit sya kinuha agad sa atin di ba? Pero sa mga nangyari dapat magkaroon tayo ng realisasyon na mas masakit panoodin kung nasa tabi mo nga siya pero hirap na! mas masakit yun ! para kang sinaksak sa sobrang sakit! Naranasan ko na! sa pagkakataon ganito … sana maging matapang ka harapin ang bukas… ngumiti ka at harapin ang umaga. Masaya na siya kung san man sya naroon… kaya habang andito tayo sa mundo, buhay at humihinga… I cherish na ang mga moments na masabi natin sa mga mahal natin sa buhay kung gaano sila kahalaga at ka importante sa buhay natin.

  21. winkii said,

    July 29, 2008 at 4:47 pm

    naalala ko na naman si big bro. drop by my blog to read my post about him.. ganun tlga ang buhay eh, kukunin tlga nu Lord ng sobrang unexpected. alam mo yun? at kung sino pang mababait, xa pang kinukuha. 😦 pero wla tayong magagawa, sa knya nagmula ang buhay natin eh..

  22. July 31, 2008 at 2:36 am

    just browsing bloggers here. but totally u catch my whole heart. napaka ganda ng mga blogs mo. totoo ka sa sarili mo at sa ibang tao.

  23. GeLi said,

    August 2, 2008 at 11:33 am

    i felt your story…
    it’s like while narrating the incident i could feel i was there as well… 😦

    Great blog…
    Your stories are well constructed and clear for your readers to fully understand.

    Good luck!

  24. chai said,

    August 14, 2008 at 5:12 am

    pa xlinks po.. chailuvs-chei.blogspot.com.. salamat.. pakidelete na po ung chai eadd po un..

  25. bhang said,

    September 3, 2008 at 4:10 am

    nakikiramay ako sau..

    death is natural and we can do nothing about it but to accept the reality that nobody is permanent in this world. Life has to move on.and i knw little by little you’ll get by..

    ‘hang sa muli.. tc!

  26. bhang said,

    September 6, 2008 at 8:42 am

    ei, an award for u here! http://blueaficionado.blogspot.com/

  27. kengkay said,

    December 22, 2008 at 9:31 pm

    kumusta ka na?

    sana maging maligaya ang inyong pasko, sigurado kong gugustuhin yan ng inyong yumaong ama.

  28. Light said,

    December 23, 2008 at 12:53 pm

    Hi there!

    I added you to my links. If you have time please link me too at http://ezinemax.com/ and please make the link title: Online Magazine Articles.

    Thank you and more power!

    –Light

  29. nicki said,

    April 20, 2009 at 6:58 am

    xet! uhuhu.. uhm everything has its own tym..ung sknya tpos n..tanggapin nlng nten lhat.. my purpose xa kya nya gnwa un..Ü

  30. jun said,

    May 7, 2009 at 3:14 am

    Hello, I am new to your page but I find it interesting. I will read more about it. Go go Blog jud bai..TC..

    ^ ^


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: