Alintana

“Masarap ba talaga ang bawal?”

Ilatag na ‘to..

Tirik na tirik ang araw ng tanghaling iyon. Umuwi muna ako ng aking tinutuluyan para magpahinga dahil antok na antok ako ng araw na yun ewan ko ba kung ano dumapo sa katawan ko at sinumpong ako ng antok at katamaran ng araw na yun. Bago ako tuluyang umuwi sumilip muna ako sa katabing kompyuteran na pagmamay ari ng aking naging kaibigan sa lugar na yun na pangalanan na lang nating ‘buboy’. Pagsilip ko ng pinto ang nakaupo sa ‘upuan ni buboy’ eh isang paslit na nagpapalevel ng karakter niya sa kanyang kinahuhumalingang online game. Nagtaka ako kasi puno ang kanyang kompyuteran at hinayaan niya lang yung paslit ang magbantay eh halos hindi na kumukurap yung paslit sa kanyang pagkakatitig sa monitor. Hindi pa ako natatagalan ng biglang dumating ang nanay ni buboy na galit na galit. “Putang ina mo Buboy!” ang bungad na pambati ng ina sa kanyang anak na sa mga oras palang iyon eh andun din at di ko lang napansin dahil natutulog sa ilalim ng kurtina. Napansin ko na antok na antok ang kanyang mata at namumula. Parang kahit ilan ng mura ang inabot niya sa nanay niya eh hindi pa napasok sa sistema niya ang nangyayari sa paligid niya dahil sa sobrang pagkaantok niya sa mga oras na yun. At dahil bago pa lang ako sa lugar na yun nabigla ako sa mga narinig ko (sinu ba naman di mabibigla kasi minura ng ina ang sarili niya nakalimutan niya yata na siya ang ina ng minumura niya. Hahaha!!). Yung mga ‘adik’ sa loob ng kompyuteran eh parang sanay na sanay na sa mga ganung eksena at parang sila pa ang naiirita dahil sa ingay ng ina ni buboy hindi sila makapulot ng mga ‘rare items’. (May ganun?!). “Kaya walang kinikita tong kompyuteran gawa mong hayup ka! Putang ina mo talaga!” ang pagpapatuloy pa rin ng ina ni buboy. Dahil ayaw kong magmukhang usisero mas pinili ko na lang na lumabas dahil makikinig ko din naman mga sasabihin pa ng ina ni buboy dahil bukas naman ang pinto.(Hoy! Curious lang ako hindi tsismoso!! Magkaiba un!)

Kinagabihan bibili sana ako ng pang-ulam sa carinderia bigla kong nakasalubong si Buboy. At dahil siguro napahiya siya sa nangyari kanina bigla siyang nagyaya na “Pare inum tayo mamaya sagot ko..” . Nag-alintana pa rin ako sa dahilan ng panlilibre niya naisip ko na baka madamay lang ako sa gulo nilang mag-ina, mahirap na. Tapos narinig ko pa sa tabi-tabi na matagal ng gumagamit si buboy sa lugar na yun. Hindi ako makapaniwala kasi sobrang bait niya na tao, nung bago pa lang ako sa lugar nila pinakilala niya na agad ako sa mga taong pwede kong matakbuhan sa oras ng pangangailangan at kagipitan. Natatandaan ko pa nga na binibiro niya yung mga tambay sa lugar namin na wag akong gagalawin dahil pag ginalaw nila ako malalagot sila at sinabihan niya ako na para di ako galawin sa lugar eh sabihin ko lang ang pangalang ‘Bubuy’ at siguradong irerespeto na daw ako at di gagalawin. Kaya nagging malapit kong kaibigan si Bubuy naging magkasangga kami sa gubat na aming nilalakaran, di ako natakokt maglakad sa lugar ng mga siga dahil alam ko hindi ako papabayaan ni buboy. Pero ang dating tingin ko sa kanya at respeto ay biglang nabalutan ng takot, pangamba at duda dahil sa nalaman ko na madilim na sikreto at nakaraan niya. At siguro dahil sa nakita niya at nabasa sa mga mata ko na ayaw ko ang kanyang inaalok eh hindi niya na ako pinilit at gumawa na lang siya ng dahilan para hindi mapahiya. Naghiwalay kami na hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pag-iwas sa kanya meron ‘guilt’ sa puso ko pero sa tingin ko un ang tamang gawin sa mga panahong yun.

Isang gabi nakausap ko ang tinuturing ni Buboy na ‘Ama-amahan’. Napagalaman ko na silang dalawa pala dati eh magkasabay pa na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot pero matagal na daw nilang itinigil un mga 2 taon na silang dalawa na di gumagamit. Ang dahilan ng ‘Ama’ kaya siya gumagamit ay ‘out of curiosity’ lang at gusto lang subukan hanggang sa mapadalas na daw at hanap hanapin na ng katawan niya ang gamot. Si Buboy naman ay naghahanap ng pamilya na makakaintindi sa kanya at natagpuan niya daw siguro sa mga kasamahan niya sa pag gamit ng ‘bato’. May kapatid si buboy na biniyayayaan ng katalinuhan kaya malayo na ang narating. Kaya naman madalas maikumpara si buboy sa kanyang kuya. Aminado naman daw si buboy na mahina ang ulo niya kaya dinadaan niya sa pagtulong tulong sa mga gawaing bahay at pag tao tao sa carinderia ng magulang niya. Yung kompyuteran pala ay pag mamay-ari ng kuya niya at pinababantayan lang sa kanya. Nasabi daw sa kanya ni buboy na nasasawa na daw siya sa araw-araw pagbabantayin siya ng hindi naman niya pagmamay-ari. Kaya kinausap daw ni buboy ang magulang niya na gusto niya na mag-aral muli. “Ano 25 ka na tska mo pa naisipan mag-aral?! Sasayangin mo lang perang pantuition at yung babaunin mo na pinaghirapan namin dito at ng kuya mo siguradong sa ‘bisyo’ mo lang mapupunta”.

Mga salitang nakapagpabalik sa dating buboy..

Lahat ng gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay kriminal. Basura, salot at pabigat lang sa mundo ang mga ganung klase nang tao dapat sa kanila ay patayin na o bitayin tutal masyado ng masikip sa mundo. Ano pa man ang dahilan nila sa paggamit at pagtikim ng isang bawal eh masama pa rin ito. Walang nakakalusot sa mata ng lipunan at lalo na sa mata ng Diyos.

Ako si emoboyblue isa akong ‘ADIK’.. Isa akong mapanghusga sa kapwa ko. Hindi ako naniniwala sa ‘rehabilitation’ at ‘pardon’ na tinatawag. Sinu ba ang dapat hatulan ng hustisya? Ang gumagamit o nanggagamit? Ang Hinuhusgahan o Nanghuhusga?

Tama ang title ng bagong album ng ‘Radioactive Sago Project’ – “Tang ina mo! Ang daming nagugutom sa mundo fashionista ka p rin?!”

Kaya mo bang magbilang ng tatlo?

Isa..

dalawa..

tatlo..

Isang bata ang namamatay ng dilat sa gutom…

Sana tuwing mapapabilang tayo ng tatlo maalala natin na may namamatay na bata sa mundo gawa ng gutom at kawalan ng ‘basic needs’. Kung siguro matibay lang ang pundasyon ng bawat miyembro ng pamilya mababawasan ang tumitikim ng bawal. Konti ang makakaranas ng ‘broken family’. Kukonti ang nagugutom at walang trabaho. Sama sama tayo na baguhin ang mundo sa munti nating makakaya…

Tara na simulan natin sa sarili..

Advertisements

17 Comments

  1. pol0106 said,

    July 1, 2008 at 2:09 pm

    galing mo naman ser. . yan ba yung adik na kinikwento mo dati? dpat patayin ang ugat para di na kumalat pa. .

  2. kengkay said,

    July 1, 2008 at 8:11 pm

    kakalungkot pero madaming buboy sa tabi tabi, pero alam mo, ako positive thinker ako e. sa totoo lang, sigurado ko, kapag may mga nakausap yang mga yan na matino na katulad natin (ehem) magkakaroon ng panahon na titino rin sila. kung mabait tayo sa sarili natin, magiging mabait din tayo sa kapwa natin.

  3. ifoundme said,

    July 2, 2008 at 1:14 am

    ganyan din ako dati. galit sa gumagamit at tumutulak. pero hindi ko iniisip na kriminal ang mga gumagamit kasi there are things na hinahanap nila pero hindi nila matagpuan. let’s say, for example, understanding. it takes a lot to understand a person and lalong it takes a lot of patience to understand them too. natalo lang talaga sila sa kanilang weaknesses.

    it is true na pabigat sila sa mundo pero God is forgiving. i don’t think He will just base it on one instance… hindi lang sa pagdecide mo ng paggamit ng bawal na droga kungdi sa tanong na BAKIT at PAANO mo ginawa yan. kaya nga dapat may Diyos kasi kung wala, siguro lahat tayo direcho na lang ng impyerno.

    kung magbabasa ka ng Bible, life on earth will get worse. there is a certain time that it will be okay but it will only get worse. pero how do we deal with it? we need to pray and sabi mo nga, start from ourselves. ganun lang talaga yun. cliche as it is, if we want to change the world, we have to start with ourselves.

  4. ayyzzz said,

    July 2, 2008 at 8:45 am

    “second chances”

    naniniwala ako dyan. lahat ng taong nagkakamali. naliligaw ng landas.may panahon pang magbago, yon ay kung pipiliin nilang magbago at magsimulang uli.

    hemmm..nakakatouch naman tong entry na to.” Sama sama tayo na baguhin ang mundo sa munti nating makakaya…Tara na simulan natin sa sarili..” by emoboyblue. hehe 🙂

    gusto ko rin yang Radioactive Sago Project’na yan – “Tang ina mo! Ang daming nagugutom sa mundo fashionista ka p rin?!”

    bwahahaha. 😀 may pariringan lang ako 😆

    haha

  5. mhar said,

    July 2, 2008 at 2:58 pm

    haaay…naalala ko tuloy yong book ni bob ong macarthur tungkol sa drug addict at lipunan. anyway, thats life.napadaan lang.

  6. Aling Baby said,

    July 3, 2008 at 9:42 am

    haayyzz, nakakalungkot talaga ang mga ganyang kwento. yung ibang kakilala ko na gumagamit nyan, dala ng problema kaya nila yan nagagawa. indi pa rin enuf rison para ibaon mo ang sarili sa ganyang klase ng bisyo. galit din ako sa mga nagtutulak, marami silang buhay na sinisira dpat nga sa kanila ay mawala na sa mundo (brutal ba?) pero naniniwala pa rin ako sa mga pagkakataon na binibigay satin para ayusin ang mga buhay natin. sana wag nila sayangin ang mga sarili nila sa mga bagay na ito.

    bumibisita. 🙂

  7. lalaine said,

    July 4, 2008 at 9:17 am

    tara! umpisahan natin sa ating mga sarili….

    sa mga taong gumagamit o gumamit ng bawal na gamot… naniniwala ako na may pagasa pa sila… alam kong may rason kung bakit nila ginawa at nagawa yun… tulungan na lang natin sila na makaahon sa pagkakalubog nila…

  8. nanay belen said,

    July 5, 2008 at 12:35 am

    hayyy.. yan ang kinakatakutan ko noon sa mga anak ko kaya noong iniluwal ko na sila ay nagresign na ako sa job ko kahit na malaki ang suweldo, At nagtindera na lang ako dto sa bahay at hands on alaga ako sa kanila habang nagtitindaMarami ang nagtatanong, kapitbahay , kasama dati sa trabho at ibang kilala.bakit ako magresign ,madami naman maupahan na yaya. Mga kaptid ko galit sa akin at sinayang ko daw ang pera na ginastos ng nanay ko(patay na tatay ko}. Tsinitsimis ako ng mga iba kong kapitbahay dahil pinag-aaral ko mga anak ko sila sa Christian Sch. na medyo mataas ang tuetion.Walang makaintindi sa akin , pinagtawanan ako at pati mga anak ko kinuquestion na di ko hinahayaan maglaro sa lansangan.Naghirap ,tiis pero awa ng Diyos wala silang bisyo at hindi kagaya yung mga nanlalait sa akin noon, laging nasa inoman at adik mga anak at laging problemado. Ako naman ay nanahimik at pa-blog blog na lang hehehe.

  9. roan mendoza said,

    July 5, 2008 at 7:30 pm

    Sino nga ba ang mga gumagamit ng sinasabing ipinagbabawal na gamot, street drugs, madami terms, madami klase… pero ano nga ba kahihitnan nito? Sino-sino at kung bakit? Napakarami tanong ngunit sa pag oobserba sa lipunan ating ginagalawan at pagmunimuni ng bawat pangyayari at pakikipag usap sa mga tao na may kilala eto ang aking nalaman. Mga tao na may matindi emosyonal na poblema ang may malaki bilang na pagkalulon sa ipinagbabawal na gamot… gumamagamit sila para takasan ang poblema, sometimes they try to self-medicate para sa kanilang kalungkutan, pagod at di masayang pamilya, malimit din at marami sa kadahilanang broken family! Tama ka dun!
    Isa pang dahilan e ang sinasabing peer pressure, kesyo pag di ka gumamit di ka in… hindi ka join! Mga thrill-seekers, just curios, ang iba dahil ang mga friends eh user kaya gaya-gaya… ang mga magulang ay napakalaki ng naka atang na responsibilidad upang ang kanilang mga anak ay makatapos, lumaki na may takot sa Diyos at maging mabuti tao… hindi ung vise versa na Adik! Hayok! Sa droga… dapat alam nila ang 3 W’s in raising their kids….
    1. WHERE they are at all times
    2. WHAT they are doing
    3. WHO they are with
    kung ang magulang ba ay pinapatnubayan nila ang kanilang anak ng may pagmamahal e di sana hindi umabot sa madilim na sitwasyon…
    mahairap mag komento sa blog na eto… kase napakarami ng ibat ibang pangyayari…. balita sa diyaryo at tv na kasindak sindak tungkol sa mga tao na Adik… katulad ng malimit sa headlines… mapaninding balahibo na “sariling ama ni rape ang anak di pa nakontento chop-chop pa katawan” … hayop di ba? katakot di ba? napakadami na nila … may sikat at artista, may mahirap, may kaya… ibat-ibang mga mukha… pero iisa lang yan… bulsa lang ang pinagkaiba ! pwede magbago ang iba pero ang iba naman wala na sa kanilang sistema ang salitang kabutihan at magbago. kaya ingat na lang tayo di ba ? mahirap na! magdasal na lang na sana mabawasan na ang mga ganito tao sa mundo. para ang mga tao ay maging masaya at walang takot na makapag libang at maging normal ang lipunan ginagalawan…

  10. rio said,

    July 8, 2008 at 2:55 am

    emo, kailangan ko pa bang mag comment?? hehehe..
    isumbong natin kay tulfo o kaya kay mayor lim yang mga yan? hehehe=)

  11. frozen girl said,

    July 11, 2008 at 6:29 am

    nice blog… great topic

  12. frozengirl24 said,

    July 11, 2008 at 6:44 am

    napakagaling naman ng mga blogs mo napadaan lang ako . ang saya madami nag kokoment sau. susubaybayan ko bawat yugto ng mga blog mo.

  13. July 13, 2008 at 10:28 am

    DRUGS SALOT TALAGA. Marami nang buhay ang nasira dahil lamang sa halimaw na iyan.

  14. kamotenista said,

    July 15, 2008 at 7:27 am

    iba’t ibang reason ng tao bakit sila gumagamit ng droga…maaring hindi maintihan ang karamihan sa kanila pero they still deserve a chance …. great story!

  15. frozengirl24 said,

    July 17, 2008 at 9:44 am

    wala ka pa po ba bgo blog

  16. frozengirl24 said,

    July 17, 2008 at 12:52 pm

    thanks po! kaw ang kauna -unahang nag comment sa blog ko. thanks

  17. eyna said,

    August 23, 2008 at 10:01 am

    may kamag-anak akong nalulon sa droga. nagsimula nung mag college. kasi sa paligid palang ng campus at sa loob mismo ang mga impluwensya / nagtutulak. kung bakit sya nawalan ng lakas ng loob at nagpaimpluwensya di ko alam. pero i’m glad na hindi huli ang lahat at natulungan namin sya. clean na sya ngaun. we are always given chances. it’s up to us to see them at the right place and time and its up to us if we will go ahead and grab them. 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: