Aurora Borealis

“Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka. Isa lang ang hiling ko: Ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit dapat ako bumawi..” -Bob Ong

Ilatag na ‘to..

Isang taon na ang nakaraan simula nang ako ay madapa at sa pagkakadapang yun halos di ko na alam kung makakaya ko pang tumayo at bumangon pang muli. OO nga at andiyan lagi ang Kaibigan, pamilya at ang Panginoon natin sa itaas para maging kanlungan natin tuwing magiging marupok tayo sa mga pagsubok na darating pero aminin man natin o hindi alam natin sa sarili natin kung ano ang kulang, kung ano ang nawala at kung ano ang hinahanap natin sa tuwing gabi na ipipikit natin ang ating mga mata.

Sinimulan kong hanapin ang sagot sa mga katanungan ko pero mas naging tanong lang ang lahat ng bagay ng maghanap ako ng kasagutan. Dahil sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon nagmahal ulit ako. Alam kong halos 3buwan pa lang ang nakakaraan noon ng maghiwalay kami ng landas ng aking nakaraan at sa tagal ng anim na taon marami sa inyo ang magtataas ng kilay at huhusgahan ako na ‘Rebound’ lang ang lahat ng nararamdaman ko. Iniisip ko yun tuwing gabi ang sasabihin ng mga tao laban sa akin pero tuwing gabi bawat paghiga ko sa matigas kong kama siya pa rin laman ng isipan ko at pag gising ko bukas ipaglalaban ko siya sa lahat ng huhusga sa pagmamahal ko para sa kanya. Pero kinaumagahan pagkagising ko di ako kasing tapang ng gabing iyon, isa akong ‘duwag’ na matatawag sa umaga at sa gabi kasing tapang ng karakter na si ‘balanar’.

Sa Isang karagatan sinabi ko ang nararamdaman ko sa babaeng aking tinutukoy. Tulad ng aking kinatatakutan isang malaking ‘Hindi’ ang aking natanggap galing sa kanya. Hindi ako makapaniwala dahil iyon ang unang ‘BASTED’ na aking tinamo sa buong buhay ko.

Inisip ko kung bakit ako nabasted dahil:

A. Dahil hindi ako kagwapuhan (tulad ni ideal man at perfect 10?)

B. Dahil sa tingin niya hindi ko kaya maibigay sa kanya ang mga gusto niya sa hinaharap?

C. Dahil natatakot siya na maikumpara ng mga tao ang pagmamahal ko sa kanya sa 6 na taon ko?

D. Dahil nag-aaral pa siya?

E. All of the above?

Dahil wala akong lakas ng loob para tanungin ang dahilan ng pagiging ‘basted’ ko. Araw-araw sa ginawa nang diyos naging gameshow ang buhay pag-ibig ko. Pero matatawag ko na ang aking sarili na tunay na lalaki dahil ngayong “23” na ako natikam ko ang batayan ng pagiging tunay na lalaki. Ang ‘mabasted’!!! (Di ka na nag-iisa sir kasama mo na ako.. Kelan kaya mababasted si congressman at perfect 10?)

Tinanggap ko ang pagiging basted ko kahit ano pa mang dahilan niya. Maging A,B,C,D at E pa man ito ang basted ay mananatiling basted pa rin. Kaya nagpatuloy ako sa buhay pinilit kong maging magkaibigan pa rin kami kahit masakit ang katotohanan pinilit kong walang magbago at maging ganon pa rin ang pundasyon namin bilang magkaibigan. Pero dahil nasa iisang samahan kami hindi maiiwasan ang tuksuhan at kahit di ko aminin eh kinikilig ako pag niloloko kami( Ang landi mo sir!). Isang gabi nagpunta kami sa bahay nila kasama ko ang kaibigan kong si Marcpogi para ayusin ang kompyuter nila (siya lang pala kasi di ako marunong mag-ayos ng kompyuter.. hehehe!!). Dahil hihintayin ko si Marcpogi pinaupo muna ako ng mama niya sa katapat niyang upuan para doon ako maghintay, nagpapababalat siya ng mga notebook na gagamitin ng mga kapatid niya pagpasok. Doon nanumbalik yung nararamdaman ko para sa kanya. Dahil sa unang pagkakataon nakita ko kung gaano siya kasimple pala.. Nakapangbahay lang siya habang nagpapabalat ng mga libro, sinu ba namang normal ang hindi mapapatulala sa kanya habang nagkwekwento siya ng mga nangyari sa kanyang buhay kung ang mismong tinuturing mong ‘buhay’ mo na ang nasa harapan mo. Tinanong ko ang sarili ko kung nananaginip lang ba ako nang gising? Siya na kaya yung asawa ko na nagpapabalat ng libro ng anak namin? Napapangiti ako ng walang kadahilanan baliw bang maituturing ang magmahal ng isang tao na kaibigan lang ang turing sayo?

Ilang ‘iwas’ na ang aking iniwasan. Ilang ‘pilit’ na rin ang aking pinilit. Ilang awa na akong nagmakaawa. Dahil sa likod ng isipan ko binubulangan ako ng puso ko na hintayin mo lang siya may mga bagay sa mundo na nakukuha sa sipag, tiyaga at paghihintay. Kaya Sinunod ko ang puso ko naghintay ako ng pagkakataon at swerte na mag-iba ang ihip ng hangin. Kinatagalan ako ang nahipan ng hangin hindi na ako makakakilos nalulunod na ako sa pagmamahal ko para sa kanya. Katangahan na yata matatawag ang maghintay ka ng hindi naman niya sinabi na maghintay ka. Tapos sa huli magagalit ka na naghintay ka eh wala naman siya sinabi na maghintay ka. Minsan talaga ‘physical attraction comes first’ kaya unang tingin pa lang sayo ng gusto mo ligawan alam niya na kung may pag-asa ka o wala. Sabihin na nating pwede ‘madevelop’ ang isang bagay. Ang isang Uod pag nagtagal nagiging isang paru-paru kinatagalan di ba? Un eh kung isa kang Uod. Ang hirap maghintay ng sagot kung umiiwas sa sagot yung babae. Buti na lang ako unang tanong ko pa lang isang malaking ‘HINDI’ na agad ang bumulagta sa harapan ko. (Nagpasalamat pa eh noh!! hahaha!!). Masakit talagang tanggapin ang katotohanan.. Minsan magagalit tayo sa hitsura natin bakit naging ganito lang hitsura natin o kaya sana naging mayaman na lang tayo para bilhin ang pagmamahal ng mahal natin (Binili eh noh!! hahaha!!). Sa lahat ng lalaking nabasted na nakakabasa nito magpasalamat pa rin tayo kung nabasted lang tayo dahil sa hitsura, pera o kurso lang na natapos natin dahil kung nabasted ka gawa ng ugali mo at sinayang mo ang isang bihirang ‘chance’ na binigay sayo ng babaeng iyong minamahal DAMMIT!! Dami dami humihingi ng chance sa mundo na pagbigyan, tapos ikaw tapon ka ng tapon! Hintayin mong magtag-ulan dahil lahat ng basurang tinapon mo ay siguradong babalik sa’yo..

Huwag nang ipilit ang isang piyesa pag hindi ito kasya. Sa halip maghanap ng piyesa nararapat sa sukat na dapat nitong kalagyan.

Sa totoong mundo walang “IDEAL”, “REAL” lang.

Ang isang puting Jacket ang naging simbolo na tinatanggap ko ang ‘inoofer’ niya na pagkakaibigan..

-Straitjacket feeling-

Advertisements

19 Comments

  1. peach07 said,

    June 22, 2008 at 9:55 am

    ay sus! kilalang kilala ko yun ah…hehe..pero tama ka, wag ipilit ang mga bagay na hindi pa pwde o hindi pwde. things happen for a reason, kasi kung hindi ka na ‘basted’, di hindi mo makikilala si special someone mo ngayon, dba? 🙂

  2. mixglorioso said,

    June 23, 2008 at 11:28 am

    Akala ko ay kung ano ang “matigas” tuwing hihiga ka, kama pala. hahaha! Hindi ko pa alam ang pakiramdam ng nabasted, wais kasi ako, pag alam kong medyo tagilid ako sa nililigawan ko eh ako na ang nauunang magsabi ng “thanks for being a friend” sabay halik sa noo. hahaha! Pakiramdam ko, konting pilit na lang eh makakaramdam na ako ng basted sa babaeng hinabol ko dito sa gitnang silangan… hahahaha! huwag naman sana!

    Kilala ko ang talaga namang napakabait at napakagandang babaeng iyan. Hindi kita masisisi kung nahulog ang loob mo sa kanya sapagkat bihira na ang ganyang babae sa mga panahon ngayon…

    Siguradong napakaswerte ng babaeng papakasalan mo…

    At palagi nating isigaw na “MY NEXT WILL BE MY LAST” Yan ang motto ng tunay na lalaki!

    Kung ako si “turbo man” ikaw naman si “Big Bird” sa kadahilanang “obvious” hahahaha!

  3. ayyzzz said,

    June 23, 2008 at 2:05 pm

    “Katangahan na yata matatawag ang maghintay ka ng hindi naman niya sinabi na maghintay ka.”

    Oo. Katangahan at isang malaking kahangalan ang maghintay ka ng hindi naman niya sinabi na maghintay ka. Subalit , datapwat, bagaman, at kung ano pa man, sa paghihintay mong yan mo lang mapapatunayang ikaw ay nagmamahal. (haha. di po ako ekspert. wag ka maniniwala saken. hahaha :D)

    harujusko…

    Lahat po e, may perfect timing. nyahaha..:)

    Salamat nga po pala sa pagbisita sa aking no wentang blog. 😆

  4. kengkay said,

    June 23, 2008 at 3:36 pm

    kung uukol, bubukol 🙂 pero minsan kailangan mo rin itulak para may bumulwak, simple lang — minsan kapag may tiyaga may nilaga. o ayan, halo halong kasabihan pero tunay sya kapag damdamin na ang pinag-uusapan.

  5. roan mendoza said,

    June 24, 2008 at 2:16 am

    ei parang hindi ata eto ung nauna blog na nai post mo ah. nadagdagan at nabawasan. 😉 at sa unang pagkakataon hindi ko mahulaan at hindi ko ata kilala ang babae na bumasted sau 😦 ang hinihintay mo malalim na komento eh sa susunod na lang ulit,,,

  6. roan mendoza said,

    June 24, 2008 at 2:51 am

    Nothing hurts more than realizing she meant everything to you, but you meant nothing to him! Friend lang di ba? Ouch!!! ;( love sad quotes “How can you be friends with someone if every time you look at them it makes you want them even more?”
    at mahirap din naman na diktahan ang puso at pigilan ang isip na wag mahalin ang taong mahal mo. lalo na kung ito pa rin ang tinitibok nito. masakit mabasted Ouch!! naman para naman alam ko kung paano at kung gaano kasakit ano? Never ko pa na experience un. di ko naman naranasan manligaw ng lalake! (Hahaha) (lol) =) pero sabi mo nga di ba ? wag na pilitin kung ayaw? Pero malay mo naman may second chance pa pala! Yung friend lang maging more than that pala… pero wag na lang kaya mas masakit umasa. Darating din yan kahit di hanapin, hantayin… ibibigay din yan ni Lord sa’yo…. At sabi nga sa comment sa’yo nakita mo na special someone mo ngayon ! Mararamdaman mo na lang na ay ! eto na pala sya! Hehe ! =) thank u Lord ! “

    “Love is fragile, needs love, care, concern and romance to sustain and blossom”

  7. nanay belen said,

    June 24, 2008 at 10:28 am

    bata ka pa naman e. marami pang panahon na makapaghanap ng hinahanap mong kagaya ni Aurora. Pagtapos na sya sa pag-aaral balikan mo sya. Who knows, baka sya din ang makakatuloyan mo.

  8. dhez said,

    June 24, 2008 at 10:40 am

    right timing din yan.. pero hindi rin natin masasabi ang panahon.. lahat ng nagyayari satin ang may reason.. kung saan talaga patungo ang agos doon tayo.. hindi pa yan ang ending.. maniwala ka. 😉

  9. lalaine said,

    June 25, 2008 at 1:13 pm

    Sa totoong mundo walang “IDEAL”, “REAL” lang.

    totoo yan… nde mo pwedeng ipilit ang isang bagay na gawin ng isang tao kung talagang ayaw nya…

    pero natuwa naman ako sau kase kahit na nakakuha ka ng “hindi” eh nde mo masyado dinibdib yun…. life must go on ka pa din… 😉

  10. rio said,

    June 26, 2008 at 10:39 am

    halu emo!….kababalik ko lang at ganito pa nabasa ko…
    hmm….nabasted ka pa sa lagay na yan? sus!!! maniwala ako? pinakawalan ka? di nga? hanap ka nalang ng iba..yung deserving din sa love mo=)
    pero wag mawalan ng pag asa…malay mo naman mas magiging ok aang relationship nyo ni aurora kung mag aantay pa kayo ng onting panahon..=)

  11. rachel said,

    June 26, 2008 at 10:55 am

    hello emoy.. salamat sa pagbisita.. emo ka pala talaga hehehe.. ang drama ng entry mo ha.. pero sa totoo naman e once in your life makakaranas ka talaga masaktan, mareject o baka nga d once kundi twice, trice or many times… cguro think of it as an experience and learn from it… besides kung hindi sya may dadating pa, and the best is yet to come.. believe me, been there hehehe…

  12. MisyeL said,

    June 26, 2008 at 1:22 pm

    Mahirap talagang magmahal ng pilit lang, mabuti nga sinabi nya agad sayo na wala talaga kesa naman umasa ka ng husto. May nakalaan talagang tao para sa atin, hindi man siya yung para sa’yo tiyak kong mas higit at sapat yung darating para sa iyo. Teka dumating na din ata siya diba? 🙂

  13. barquera said,

    June 27, 2008 at 8:17 am

    nabasted ka hindi dahil sa hindi talaga kayo para sa isa’t isa
    dararating ang para syo….
    😉

  14. pol0106 said,

    June 27, 2008 at 8:21 am

    mahina na ata ang radar ko at di ko magets ang kwento mo! hndi nasusukat ang pagkalalake at pagiging tunay na lalake kapag naranasan mo na ang mabasted. . sa pagdadala lng ng buhay naten at kung paano isabuhay ang sarili naten sa mundo. basted? pambata yan emo. . pero ang masaktan ng di mo inaasahan. . ibang usapan na yan. . life is short. . let it go. . the best thing who can apreciate the whole you. . . is you. . . ayt. . recognized! haha!

  15. rimewire said,

    June 29, 2008 at 12:36 am

    oh it is love

    hakhak

    kelngan mo lang mghanap ng elyens sa mars at liligaya ang buhay-layp mo

    hakhak

    anu kya un?

    nababalew na ko, ikaw?

    hakhak

    elyens ar kreysi

    XXXxx

  16. ifoundme said,

    June 30, 2008 at 12:01 am

    hmmmm….. i think i have to disagree with you. there is such a thing as ideal which is for real kasi nasa pananaw yan eh. you can always change your mind and make the “real” thing your “ideal” thing, di ba?

    as for basted…. hmmmm…. bakit nga ba masyado tayong seryoso ngayon ha? grrrr!!!! kasi ganito lang kasi yan, emo… bulong ko sayo… hihihihi! it’s always a risk. if you are willing to take the risk, then you have to be ready to accept the consequences. time goes with the consequences. if you think she’s worth wasting your time and effort, then, siguro walang problema ang maghintay kahit na hindi ka pinapahintay at kahit ano pa ang sasabihin ng ibang tao. bata ka pa. sabi mo nga “23” ka lang eh. (tamaan ng kidlat ang nagsisinungaling). i’m sure in due time the “ideal and/but real” girl for you will be handed to you by God without so much effort. kung hindi man, di ba may psp ka naman? bwahahaha! pero agree ako kay paul. i think i learned that in a hard way. it’s unfair to love another when you don’t wholly love yourself. it’s not about giving up on her or moving on without her pero know your worth. yun lang yun. you should be your own best friend.

    ba’t nga ba pinagsasabihan kita ng mga ganito? hmp!

  17. kamotenista said,

    June 30, 2008 at 5:54 am

    it’s always a risk….minsan mahirap intindihin pero yan ang chateau d ‘if ng buhay….

  18. Lesley said,

    June 30, 2008 at 9:59 am

    hehe ok lang yan. mahirap talagang ipilit ang mga bagay na hindi pwede. kahit siguro si ‘MP’ ay nabasted din naman nung kabataan nya kaya it’s normal…hehehe…

  19. imnotatrash said,

    January 25, 2009 at 4:05 pm

    mababasted din si perfect 10! walang perfect sa mundo. Hindi ka man 10 malay mo sa susunod malampasan mo pa si perfect 10. maging 20 ka pa.. 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: