Kanlungan II

Pasensiya na sa lahat ng humiling ng larawan ni “Perfect 10 Ideal Man” ngunit hindi ko mapapahintulatan na sapawan na naman ako ng napakagwapong nilalang na yan dahil buong buhay ko na lang lagi na lang akong sinasapawan ng !@#$^ yan!!! Hahaha!! Pero may blog siya yun lang ang mabibigay ko sa inyo pero kung sinu siya.. respeto na lang!!! ūüôā

Ilatag na ‘to!!!

  • ¬†<,> Mukhang nalaki tiyan natin ah?!’

¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬†¬† <,,>¬†oo nga eh sarap magluto kasi ni misis, kaya eto bundat’.

           <,> Kaw rin ah mukhang nalaki tiyan..

Isang maikling usap namin ng iyong butihing asawa na sumampal sa buo kong pagkatao. Mga linyang hindi intensiyon na makasakit pero daig pang sinabihan ako na¬†“Ang sarap pala pare ng may¬†nakahandang pagkain pag-uwi mo tapos excited ka pang umuwi kasi makikita mo yung mukha nang asawa mo. Alam mo un?!”¬†Parang nang-iinggit na ang sarap patayin!! Wahahaha!! Pero Salamat sa ‘wake up call’ na hindi na kelangan sabihin¬†pa sa ipinapakita niyo lang na masaya kayo at nagmamahalan daig niyo pang sinasampal ako sa magkabilang pisngi. hehehe.. Para sa dalawang taong pinagtibay ng panahon at ginawang sentro ang DIYOS sa kanilang pagmamahalan.. Isang bati at isang masigabong palakpakan sa kaibigan ko na to at sa kanyang butihing asawa. Mabuhay ang bagong kasal!!!

 

  • Naglakbay ako¬†pabalik sa¬†‘narrow street of paris’ at sa pagbabalik kong iyon hindi ko akalain na sa dami dami kong pwedeng makasalubong eh ikaw pa ang makakasalubong ko kasi malapit kang kaibigan ng ‘nakaraan’ ko at hanggang maari eh ayaw ko may magpapaalala sa akin¬†ng nakaraan ko, pero napagtanto ko na hindi dapat idamay ang pagiging magkaibigan niyo sa pakikipagkapwa-tao ko sayo at nang sinubukan kong kausapin ka nagulat ako sa iyong pagkatao. Sa Likod ng napakaamong itsura eh nagtatago ang isang ‘lalim’. Isang lalim na¬†hindi mo mabubuksan hanggat hindi mo bubuksan ang bawat pahina para basahin. Isa kang aklat na sa una¬†nakakatamad basahin pero¬†bawat pihit mo ng pahina¬†hindi ka na¬†mapapabitiw sa pagbabasa.¬†Parang ang iyong¬†puso na malapit ng mag pitong taon na tumitibok pa rin ng tulad ng unang pagtibok nito. Pitong bagsak po para sa pitong taong pagmamahalan. Gusto ko magpasalamat sayo dahil ikaw ang isa sa pumipilit at sumusubaybay¬†sa aking mga isusulat¬† dito dahil sabi mo nga naniniwala ka sa akin na¬†‘talentado’ ako (talentado po hindi tarantado!!!.. Wahaha!!).¬†Ikaw ang tunay na artista talaga dahil kaya mong ipahayag ang sarili mo sa entablado man¬†o pagbibigay ng kuro-kuro sa bawat usapin. Sana ay magkatotoo yung panaginip ko na gumawa tayo ng isang ‘indie film’ na ako ang sumulat at isa ka sa mga umarte sa low-budgeted na pelikula ng taong iyon. At sa muli SALAMAT…

 

  • Ituring natin ang dalawang ito na ‘Bato’. Unahin ko nang lunukin ang unang bato.. (DIng ang bato!!) hehehe.. Bato tlga ang kanyang palayaw.. English naman ano tingin niyo sa kanya cheap!!! hehehe.. Isa siyang bato dahil sa dami ng relasyon na kanyang pinagdaanan ewan ko na lang kung hindi pa maging bato ang puso niya.. Wahahaha!! joke!!¬†Bato man siya maituturing eh napakalambot naman nang kanyang puso halos yata lahat ng tao sa aming probinsya eh kilala niya ewan ko nga ba kung bakit parang napakapopular niya at kahit san kami lumingon eh babatiin siya, minsan nga ayaw ko ng makasama siya kasi feeling ko hindi ako popular at high profile tulad niya nadagdagan lalo tuloy ung insecurities ko.. kaw kasi!!! Pero salamat talaga sa pakikinig sa mga kwentong pag-ibig ko dati at mga tulong na iyong ginawa( may ginawa ka ba? bakit basted pa rin ako??!! Wahahaha!!). Salamat sa pagiging bato mo na taga pukpok sa ulo ko tuwing katangahan na ginagawa ko at pakiramdam ko wala na ako silbi.¬†Nawa ay hindi ka magsawang¬†batuhin ako. Hintayin ko ang bawat bato mo.. ūüôā

Ang pangalawang bato eh napaka dalang.. Para siyang isang ‘rare’ na bato minsan mo lang siya makikita at makakasama pero pag nakasama mo naman ang daming umaaligid para humirit ng kanya kanyang banat na¬†‘swabe moves at swabe lines’. DI ba mga ‘TEAM III”? hehehe.. At dahil sa mala ‘DEVON AOKI’ niya na ganda eh isa lang ang masasabi ko sa team III.. Ang lalaki niyong mga ASA!!! Wahaha.. Dahil hindi alam ng karamihan na loyal (ows?!) siya sa kanyang minmahal kahit pa nauna ang ‘M sa R’.. hihi.. Salamat sa pagtataas mo ng aking tiwala sa sarili lagi mo na lang akong sinasabihan ng makakapagpataas sa aking sarili kahit alam ko naman na sinasabi mo lang un dahil kaibigan kita.. hehe.. Dahil curious ka di ba malaman kung ano itsura ko pag may ka¬†‘HHWW’ sa malls. Mukhang malapit mo na yung makita.. Yun ang good news.. ANg bad news miyembro ako ng ‘Team III’.. Kaya ASA!!! Wahahaha!!!¬†

  • Isang gabi isang¬†text ang aking natanggap hindi ko akalain na¬†mapapadaan dito at mapapatawa ko ang isang ‘repa’ sa aking pagsusulat lamang. Isang malaking karangalan para sa akin na mapadaan ka dito at magkapanahon na magbasa sa mga madradramang sulating di-pormal na nilikha ng aking malikot na imahinasyon.¬†Natatandaan ko pa nung nasa 3rd year high skul tayo ng magsimula tayong magbanda dahil pareho tayo ng pinapakinggan na mga awitin at nagpasya tayong magbuo ng sarili nating banda.¬†Wala man sa tono ang ating mga gitara at pagkanta e hindi matatawaran ang pinagsamahan nating dalawa sa kalokohan, kabastusan at kadramahan. “The Dull”¬† ang itinawag sa musika ng apat na tao na pinagsama-sama para makabuo ng hindi kagandahang musika pero¬†kayang paantigin at haplusin ang puso ng bawat makakarinig nito.¬†Ipinagmamalaki kita pare hindi dahil sa pagkanta mo( Dahil alam mong hindi ka kagalingang kumanta!!!) pero yung kagustuhan mo na makatugtug tayong apat sa harap ng madaming tao kahit marami silang masasabi sa ating pagtugtug eh hindi ka natakot at naging masaya ka pa kasi nagawa nating makatugtug sa harap nila wala ka pakialam sa sasabihin nila ang mahalaga sayo ay ang maitugtug natin ang musika ng¬†“The Dull”. Natatandaan mo ba pare yung college days na ang dami mo problema? Hindi mo alam kung ano ang dapat gawin? Tapos hinaluan pa ng kulay pag-ibig? Tapos para kang tanga na bigla na lang iiyak pagkatapos ng inuman at uuwi ng hindi nagpapaalam?..¬†Hindi mo man sabihin ‘repa’ kilala na rin kita. Ikaw yung madalas na¬†nasa kubeta lagi dahil¬†‘gross!!!‘. Wahaha!!!¬†Nahati¬†man ang samahan¬†sa dalawang grupo pero tuwing magkakasama sama naman ang mga ito para magplastikan ang bawat isa eh,¬†masayang masaya ka makita¬†at makausap ang mga¬†taong hindi mo madalas makita ng walang halong kaplastikan(6am na ilabas na natin ang tunay na tayo. Wahahaha!!!).¬†Goodluck sa bagong¬†kabanata na nilalakbay mo ngayon alam kong madami kang tanong sa sarili mo at di mo pa alam ang kasagutan sa ngayon. Madami man ang humuhusga sayo sa ginawa mong malaking desisyon sa buhay pag-ibig mo eh hindi rin kita masusuportahan!!! Dahil mismong ako naguluhan sa iyong eksplansyon ang pagkakaintindi ko lang eh ‘ Ang gwapo mo tapos!!!’… Para sa mga gwapo tulad ni Repa!! Itaas mo!!! ūüôā¬†

 

 

  

Advertisements

8 Comments

  1. ifoundme said,

    June 13, 2008 at 9:54 am

    curious lang kami kay perfect 10 kung ano hitsura nya… to naman… mabilis magtampo. ayoko ng perfect 10. maraming kaagaw yan… well… ang swerte ng mga friends mo. you really made space for them. i hope they treat you well too.

  2. mixglorioso said,

    June 15, 2008 at 10:53 am

    @ifound me, kamukya siya ni Michael Glorioso, este, Michael Scoffield… yan ang hitsura ni “Perfect 10” bwahahaha!

    @emoboy, Pare, magkaibigan ba tayo? magkabarkada ba tayo? close ba talaga tayo? kasi hindi ko mahulaan ang isinulat mo ngayon, si repa lang ang kilala ko, siguro nga sabit lang ako sa barkada… isang loner… na tatandang nag-iisa… at binata… huhuhuhu…

  3. ifoundme said,

    June 17, 2008 at 12:27 am

    @ mix – ganun?? wow!! di ako kokontra pero di nga ba perfect 100 nga si michale glorioso? aaay…. si michael scoffield nga yun….

    @ emoboy – teka, teka, teka… wala bang blog friends sa mga nasulat dyan? parang blind items kasi eh.

  4. pol0106 said,

    June 17, 2008 at 4:16 pm

    kilala ko c perfect 10. .. makadiyos yun. . kaso loner na din katulad ni mix. . mahina sa mga kaibigan. . mga favor di na kayang ibigay ng barkada. . tatanda cguro yun ng perfect 10 parin!! hahaha

  5. peach07 said,

    June 19, 2008 at 9:10 am

    di ko nahulaan yung 2 sa blind items mo, kala ko makaka perfect score na ko eh ūüôā may kasunod pa yan dba?…

    pero ang aabangan ko sa lahat eh yung post mo na may ka ‘HHWWPSSP’ ka sa malls. ūüôā goodluck. stay happy.

  6. vanny said,

    June 20, 2008 at 6:14 pm

    sino si perfect 10?? as i perfect 10 ba yan?? ūüėÄ

    blog hoppin po

  7. chai said,

    August 12, 2008 at 7:35 am

    pa xlinks naman po.. tnx.. enjoi aq sa pgbabasa ng mga blogs mo po.. keep it up!!

  8. imnotatrash said,

    January 25, 2009 at 3:59 pm

    Men, napaka sensational ni perfect 10. sino ba yan?.. ūüôā ililink kita ūüôā keep it up


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: