Kanlungan

“Sa mga kaibigan ko na kinalimutan ko noong panahon na masaya ako pero nung lugmok lugmok na ako eh hindi nawala sa tabihan ko para hawakan ang kamay ko sa kumunoy na ginawa ko para sa sarili ko..”

Ilatag na ‘to!!!

  • Kaklase ko na siya nung grade 5 pa lang ako. Asar na asar ako sa taong to kasi lagi ko siya kaklase tapos lagi siya ang “Most Diligent Student”. Hindi tuloy ako nakatikim ng pagiging “Most DIligent Student”!!!. Noong nasa 2nd year high skul kami hindi ko makakalimutan yung ginawa ko siyang piggy bank nagbibigay ako ng P20/day para makaipon at ng sa ganun e matupad yung pinaplano kong ‘date’ sa crush ko sa mga panahong iyon(Alam mo kung bakit ko naisipan na gawin kang alkansya? Hindi ha!! Mali ang iniisip mo!! Meron lang me alkansya that time na kulay flesh ayun naisip kita!! Joke!!). Naging Escort niya ako sa isang okasyon noong nasa kolehiyo pa siya kasi naman miyembro siya ng ‘No bf since birth’.. hehe.. Nadaya pa kami nung gabing iyon dahil kami dapat ang tatanghalin na ‘Mr. and Ms.’ Nang gabing iyon pero sa hindi maipaliwanag na dahilan at tulad ng nangyayari sa mga awards night e nadadaya ang tunay na nanalo.. hehe!! May special powers siya kasi isang tingin niya lang sa babae na makakasalubong namin alam niya kung type ko o hindi yung babaeng yun, bat ganun?!! Ang daya!! hehe.. Hindi ko matangap na mas madami siya alam sa akin pag dating sa isports kasi babae siya pero pag showbiz ang usapan maghanda ka alam ko lahat ng latest chika at kung sinu ang mga buntis sa mga teen stars ngayon. hehehe!! Pero seryoso salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo, sa mga utang na hiniram ko para makapasok lang sa paaralan, sa mga na delay ko na pagbabayad sa utang, sa mga pakikinig sa mga paulit ulit kong kwento at sa 13 taon na pagkakaibigan. Salamat!!!
  • SINU ANG MAY SABI MAKAKATING LABI DI DI DI NAMAN TOTOO!!! Yan ang kanyang linya sa mga nagsasabing babaero siya.. hehehe!! SIya ang ‘Bestman’ ko. Pag sinabi niyang “akin ka” magiging sa kanya ka talaga ganun siya katinik kaya ingat kayo.. hehe!!! Kaya nga nung minsan na maglaro kami ng basketball at sinabi niya na ‘akin ka’ e natakot ako kasi baka nga matuluyan ako na mapa sa kanya.. waaa!! Mala congressman siya kung gumawa at sa huli aaminin niya din ang kanyang ginawa dahil hindi kaya ng kanyang konsensya, ows?! O hindi pa kaya ngayon ng bulsa pag malaki na ang kita na lang .. Joke!! parang congressman lang.. HaHaHa!!! Pinalitan niya na ang Nov.30 na dapat ay kay ANDRES BONIFACIO ginawa niyang ‘GUEVARA DAY’ ganun siya kalakas at pati ang history ng Pilipinas e kaya niyang baguhin. Isa siya sa dahilan kung bakit tumagal ng anim na taon ang una kong relasyon, ewan ko ba sa taong yan at mas malaki pa ang tiwala nung ‘girlfriend’ ko dati sa kanya kesa sa akin. Salamat sa pagtuturo mo sa akin ng kamunduhan noong magkasama pa tayo sa iisang kwarto at hindi pagtulong nung kinakailangan kita para maayos pa ang anim na taon!! Salamat ha!! hahaha!! Pero seryoso salamat sa lahat ng nagawa mo dati sa mga ginawa mong pagtatakip at pagpupuno ng pagkukulang ko dati. Sa mga Kwento na iyong binahagi.. Sa mga debate na pinagtatalunan natin minsan dahil sa ibat-ibang opinion natin at sa walang hanggang pagkakaibigan. Ikaw pa rin ang bestman sa magiging kasal ko kahit sinu pa ang iharap ko sa altar.. Pare pag wala ako naharap pwede bang ikaw na lang?! :-))
  • Para siyang isang gulay na ‘pechay’ minsan sinasabi niya na magigi siyang mag-isa pag tanda kasi pwede naman kainin ang ‘pechay’ ng basta gulay lang at bigyan na lang ng sustansiya ang kapamilya niyang gulay tapos pag nagawa niya na ang parte niya bilang isang ‘pechay’ bigla na lang siyang maglalaho sa mundo, masaya na daw siya na ganun lang naging silbi niya sa mundo, pero pag isinama mo naman sa nilaga nakakalimutan niya pagiging ‘pechay’ niya at tuwang tuwa makita ang mga sangkap na kasama niya habang nasa isang mainit na kaserola at sabay sabay na pinapakuluan, pinapalambot at hinahalo. Tandaan mo ‘pechay’ na madami ka silbi at huwag mo ikulong ang sarili mo sa alam mo lang na gamit mo kasi pagpunta mo ng korea pwede ka nilang gawin isang ‘kimchi’!! hehehe!! Pero seryoso yan.. Hindi ko makakalimutan yung tuwing ika-siyam ng gabi na nasa isang sulok lang tayo at nagpapakalasing sa buhay tapos ginagawa nating pulutan yung mga wala sa inuman na yun.. HaHaHa!! Namimiss ko yung buong araw lang tayong magkatext kahit non-sense na ang ating pinag-uusapan para lang hindi masayang yung unlimited text natin noon. Pero kelangan nating maging ‘mature’ na kasi hindi na tayo nabata at alam naman natin na magkakanya kanya din tayo at magkakaroon ng sariling pamilya balang araw pero masaya ako nagkaroon ako ng isang ‘pechay’ sa buhay ko. Ang gulay na hindi ko makakalimutan kailanman.
  • Konting di pagkakaintindihan ang muntikan ng mauwi sa isang madugong suntukan. ‘Hawakan mo nga sa tenga kung matapang ka’ ang sabi ng katabi ko na lalong nagpainit sa tensyon ng gabing iyon.. Dahil nasa iisang barkada kami nagkikita pa rin kami pero plastikan lang na kamustahan ang nagaganap. Nang maghilom na ang sugat at pareho na kaming may bayag para kausapin at ayusin ang di pagkakaunawaan hindi namin akalain na mas higit pa sa inaakala namin ang mangyayari sa aming dalawa( naging kami!!!) Wahaha!!!. Pero seryoso pare kahit na hindi naging maganda ang impresyon natin sa isat-isa noon masaya ako at hindi ko aakalain na magkakausap tayo at magiging malapit tulad ng kung ano meron tayo ngayon. Salamat sa lahat ng naitulong mo di lang sa akin kundi sa barkada natin para maging masaya at hindi makakalimutan ang bawat tagpo natin bago ka lumipad sa lupang pinangako. Nawa ay mahanap mo dyan ang kasagutan sa lahat ng tanong na nasa isipan mo ngayon. Hindi ko makakalimutan ang pinanood nating palabas na “TULAD NG DATI” Isa yun sa napakaimportanteng ‘indie film’ na napanood ko na humaplos sa aking pagkatao. Mabuhay ka kaibigan!!!
  • Napakaperpektong tao nitong kasunod kong ikwekwento malamang kahit BLOG ko to magiging kanya na to pag inilagay ko pa ang larawan niya dito, kaya pasensiya na sa mga hihiling ng larawan niya konting respeto na lang dahil ‘BlOG’ ko naman to at hayaan niyo na ako naman ang maging bida dito hehehe!! “Perfect 10”, “IDEAL MAN”, “MR. DREAMBOY”, “PANGARAP KONG JACKPOT”, ” WOWOWEE”, “KAPWA KO, MAHAL KO” “PINOY POP SUPERSTAR” ganyan malamang ang masasabi na lang ng mga babae pag nakita niyo sa personal ang taong to, at kung lalaki ka naman mapapatanong ka na lang ng “BAKIT LORD?!” “NATUTULOG BA ANG DIYOS?!” tapos mapapadasal ka pa ng “3’O CLOCK PRAYER” ganun ang naramdaman ko nung maging kaibigan ko ang taong to. Kung medyo alanganin ka naman isa lang malamang ang masasabi mo ” UNITED AMERICAN TIKI TIKI”.. HAHAHA!! Pero mapunta naman sa seryoso salamat pare sa mga mga kwento mo at mga banat na nakakatawa. Nasabi sa akin ni repa minsan gusto mo talaga ako maging malapit na kaibigan kasi may nakikita kang kakaiba sa akin?! (Aba pigilan mo yan pare!! Sayang ka!! haha!!) Nawa ay maging masaya ka sa lahat ng ginagawa mo ngayon, nawa ay matagpuan mo na ang matagal mo ng hinahanap na kaligayahan at katahimikan. Huwag kang matakot sa darating na mga pagsubok, magdasal ka lang sa kanya at itaas mo ang kamay mo dahil pagmulat mo andun ako sa tabi mo para hawakan ang iyong mga kamay..
  • Si ‘Sir Yabang’ kung siya ay tawagin. Siya ang pinuno ng aming samahan na kung tawagin ay “Team III” sa hindi namin maipaliwanag na dahilan eh kung bakit siya ang naging lider nang aming ‘underground’ na samahan eh siya ang laging huli sa mga lakad at may sariling diskarte sa mga desisyon kelangan gawin. Makaraan ang isang taon nang pagiging lider nagulat ako ng makita ko ang malaki niyang pagbabago hindi na siya late lagi tulad ng reklamo ng lahat ng miyembro, siya pa ang laging una sa mga tagpuan at handang handa siya sa lahat ng kelangan ng grupo niya at mas sumarap pa lalo ang kanyang niluluto at malamang dahil binubudburan niya nang isang kilong pagmamahal sa nakaputing babae. Hehehe!! Kung may blog lang etong si ‘SIR YABANG’ malamang ang dami nitong kwento na ating susubaybayan kasi mas makulay ang kanyang buhay kesa sa atin sa karamihan dito. Halos pareho kami nang nangyari sa nakaraan na ayaw na naming mangyari sa hinaharap. Kaya inaasahan ko mula sa akin at mula sayo na huwag mong hayaan mangyari sa magiging anak natin ang mga naranasan na natin nung bata kasi alam natin kung gaano kasakit ang mawalan at madagdagan ng hindi natin kagustuhan..

Itutuloy…

Advertisements

16 Comments

  1. kulot said,

    May 28, 2008 at 6:06 am

    nice one, add me up on your blogroll.

  2. eloiski said,

    May 28, 2008 at 6:53 am

    wahahaha! ang tindi naman ni besprend.
    talagang laging andyan sa tabi mo sa kalokohan man o sa katinuan ng utak mo. wapak!

  3. Lesley said,

    May 28, 2008 at 7:58 am

    Ha? Ako ba yun? Hehehe…At ako pa ang may kasalanan ngayon na dahil sakin hindi ka naging ‘Most Diligent’. Hehehe. Di ko naman sinadya yun no! So ibig sabihin pala malaki ang galit mo sakin noon? Hahaha. Adik! But anyways salamat din sa lahat, di mo lang alam marami rin akong natututunan sayo. 13 years na ba yun? Wow ang tagal na pala…*take care ;)*

  4. Nash said,

    May 28, 2008 at 12:57 pm

    mabuhay ang PECHAY! hahahaha

  5. pol0106 said,

    May 28, 2008 at 7:41 pm

    ang bangis naman ser ng post mo!! mga blind item ba yan?! hehe. . curious lang ako sa perfect 10 na yun ah. . mukang gwaping ata yun. . post mo nga kung talagang perfect yun!! hehe. . at si ser yabang ng leader ng team 3? hmmmm. . . hehehe. . magaling naman talaga yun ah. .kaya nahubog ang team 3 dahil sa kanya lalo na pag naligaw na!! hehehe . .

  6. bluep said,

    May 29, 2008 at 1:01 am

    pare off topic.. invite lang sna kita.

    I went here through Mix. I heard that you are from Quezon province. If you are I would like to invite you to join us in our pioneering effort to form a group of Quezon bloggers in the blogosphere. There is no existing group yet. so we decided to give it a try. This is also to build a solid community for all bloggers from quezon province.

    hope you would join us.

    here is the link.

    http://bluepanjeet.net/pipol/kabataq-kapisanan-ng-mga-blagistang-taga-quezon/

    we would be happy if you’ll become one of the group’s pioneer members.

    thank you so much and God Bless

    – bluepanjeet

  7. rio said,

    May 29, 2008 at 4:40 am

    napaka swerte mo emoboy at may mga ganyang kang maituturing na kaibigan..
    hmm…can i meet perfect 10?? na curious ako e..lols

  8. kengkay said,

    May 29, 2008 at 7:59 am

    si dr rio may napili agad, hahaha. sa sunod ba may pictures na kasama to?

  9. ifoundme said,

    May 29, 2008 at 10:01 am

    emo, pwede ka bang gawing bespren? hehehe! sino si ideal man? ipakita mo!!!!

  10. nanay belen said,

    May 30, 2008 at 5:30 am

    napaka-kulay talaga ang buhay mo emoboy. hahaha! grabe

  11. MisyeL said,

    May 30, 2008 at 7:03 pm

    may blog ba si mr perfect 10? share naman dyan! hahahaa! ang galing ng pagkakaibigan niyo, aabangan ko yung kasunod nito. πŸ™‚

  12. kengkay said,

    May 30, 2008 at 7:05 pm

    o asan na itutuloy? πŸ˜€

  13. barquera said,

    June 5, 2008 at 7:23 am

    ang dami bespren ah… na miss ko tuloy ang mga bespren ko. nung panahon nag eexplore pa ako πŸ˜‰

  14. eyna said,

    June 5, 2008 at 3:01 pm

    pana-panahon ang pagkakataon
    maibabalik ba ang kahapon …

    panalo ang title mo πŸ™‚

    sila talaga ang dahilan kung bakit nagiging makulay ang buhay ng isang tao — kaibigan :))

    uh (pasinple) …patingin naman picture nung…perfect 10

  15. mixglorioso said,

    June 15, 2008 at 10:45 am

    Si “perfect 10” ay isa ring blogger… hahaha! ano tol ilalantad ko na ba ang pagkatao ng “god’s gift to woman” na yan? sisirain na ba natin ang buhay niyan? hahahaha! pare… next time magsusuntukan tayo, totohanin natin, kung hindi eh babanatan kita ng torrid na halik! at pag hindi ako nakapagpigil ay baka “turbuhin” kita… if you know what I mean… hahaha!

    Salamat sa ating pagkakaibigan na talaga namang pinatibay ng panahon at ng pagsubok. Salamat pare sapagkat palagi kang nandiyan sa tabi ko upang palakasin ang loob ko at payuhan ako sa mga panahon na ako’y naging marupok. Nawa’y hindi na tayo kailanman humantong sa suntukan, isang pangyayaring nagpapasalamat naman ako at hindi natuloy.

    Ako naman ang mang-iintriga… (amputa para tayong mga bakla sa blogosphere amputa! hahaha!)

    Sana ay maging masaya ka na at sana’y natagpuan mo na ang babaeng bubuo sa iyong pagkalalaki (bwahaha!) sana ay siya na ang maging “last” mo sa mahabang listahan ng mga babaeng iyong minahal, at sana ay siya na ang babaeng ihaharap mo sa altar, at kami naman ay iimbitahin mo sa inyong kasalan upang malantakan namin nina “Sir Yabang” at “Congressman” hahaha!

    Ingat palagi bords…

  16. mixglorioso said,

    June 15, 2008 at 10:46 am

    kulang pala yung comment ko… upang malantakan namin ang lechon… hahaha!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: