Tampipi

“Sa lahat ng nagpaantig, nagpasaya at nagbigay kulay sa dalawamput tatlong taon ng buhay ko, para sayo ang bawat titik ng isusulat ko sa pahinang ‘to..”

Taong 1991, nanonood ako ng paborito kong palabas na ‘shaider; nagpalit anyo na si alexis mula tao nagi na siyang pulis pangkalawakan. Masayang masaya na ako at hinihiling ko na sana yung robot naman ang pang ‘finish him’ ni shaider kasi lagi na lang yung baril na gamit lang ng kamay niya ang madalas niyang pang ‘finish him’ at nagkatotoo ang hiniling ko sa itaas naging robot nga yung ‘spaceship’ ni shaider, nang biglang magbukas ang pinto ng malakas at nagsisigawan si mommy at si papa. Hindi ko pinansin kasi mas importante sa akin ang pagiging robot ng spaceship ni shaider kesa sa nangyayari sa paligid ko sa mga oras na iyon. Tinira na ng robot ni shaider ang kalaban at ‘BOOM!’ patay ang kalaban.. Kasabay ng pagtira ng mga laser at baril ni shaider ang pagbato ni mommy ng mga kaserola at gamit ni papa sa pintuan namin habang umiiyak at sumisigaw nang ‘lumayas ka’. Nagbingibingihan na lang ako ng mga gabing iyon. Niyakap ko na lang ang kapatid kong babae na sa mga sandaling iyon ay isang taong gulang pa lamang at wala pang kaalam alam sa naghihintay na dapat niyang tanggaping katotohanan sa paglaki niya.

Nagtrabaho si mommy ginagawa niyang araw ang gabi para lang matustusan ang pangangailangan naming magkapatid. Dahil walang ibang matatakbuhan pinakiusapan ng mommy ko ang “Lola” ko na sa bahay na lang namin tumira at alagaan muna kami kasi hindi niya kami maasikaso gawa ng madami siyang trabaho at may mga seminar na pinupuntahan sa ibat-ibang lugar. Sa madaling sabi ang mommy ko ang parang naging ama at sumusuporta sa amin at ang lola ko na naman ang naging nanay naming magkapatid siya ang nag-aayos ng gamit ko pagpasok, siya nagluluto  at nagsusundo sa akin paglabas ko at habang nasa skwelahan ako e siya ang nag-aalaga sa kapatid ko na musmos pa lamang. 

“Family day na bukas dalhin niyo ang mama at papa niyo ng makita nila ang pinaghirapan at pinaghandaan nating kanta na ‘welcome to the family'” sabi ng aking guro na itago na lang natin sa panglang Ms. Par. Pagkalabas ko sinabi ko sa lola ko ang sinabi ng aking guro tapos pumunta na ako sa kama ko para pilitin at kumbinsihin ang sarili ko na panaginip lang lahat ng nakinig ko sa araw na iyon at hindi pa bukas ko kakantahin ang nakakaiyak na kantang ‘WELCOME TO THE FAMILY” with matching actions pa at straight from the heart. Pagkamulat ng mata ko parang gusto kong ipikit na lang ulit at ayaw ko ng masilayan ang darating na araw pero hindi ko magawa napilitin akong pumasok pa rin at hintayin mag 4pm para magsimula na ang ‘family day’. Sumapit ang 4pm may nagtanong sa akin na kaklase ko sabi niya, dadating ang mama mo? sabi ko oo dadating yun maya-maya lang. Ang papa mo dadating din? sabi ko oo dadating yun kasama ng mommy ko( ‘yun ang unang pagsisinungaling na ginawa ko sa buong buhay ko). At nagsimula na ang program nasa kalagitnaan na kami ng pagkanta ng dumating si mommy at kasama ang ninong ko sa binyag.. Pagkatapos ng family day sabi sa akin nung kaklase kong nagtanong ‘oo nga dumating ang mama at papa mo’, ‘sabi ko naman sayo dadating e!!

Isang gabi may kumatok sa gate namin. Takot na takot kami kasi baka kung sinu e tatlo lang kami ng lola, kapatid kong babae at nagiisa pa naman akong lalaki pero grade 5 pa lang ako at hindi pa tuli sa mga panahong iyon. Anong magiging laban ko sa isang tuli na at matandang may armas pag nagkataon.

Sumigaw ako: ‘Sinu yan?!’

Sumagot din: ‘Papa mo ‘to’!’

Sabi ko kay lola na may halong galak at saya. Lola si papa pala!! Hindi gumalaw at umimik ang lola ko tapos ang kapatid ko nakayapos na nakayapos sa lola ka at takot na takot. Natuto ako ng ‘Read between the lines’..

Sumigaw ulit ang nasa labas: Papa mo to!! Gusto ko lang makita kayo at kakausapin ko mommy mo para mabuo na ulit tayo.

Gustong gusto ko yakapin ang papa ko at naalala ko nung bata pa ako na isinasama ako ng papa ko sa mga basketball games niya kasi basketball player siya dati. Tapos pag sumigaw ako ng dunk tlgang i-dunk niya at masayang masaya kami kakain pagkatapos ng game sa “Whimpy’s” ng burger. Pero nang makita ko ang reaksiyon at takot sa mga mata ng lola ko at ng kapatid kong babae. Sa di maipaliwang na dahilan sumigaw ako ng..

“Umalis ka na!! Wala dito si mommy at wala ka nang babalikan..”

At dahil sa narinig niya mula sa panganay niyang anak at inaasahan na siguro ako makakaintindi sa kanya, tumigil na siya ng pagkatok at pagtawag sa aming magkapatid ng marinig niya mula sa akin ang mga nabitiwan kong salita. Yun ang huling pag-uusap namin bilang mag-ama.

 

“I don’t live in either my past or my future. I’m interested only in the present. If you can concentrate always on the present, you’ll be a happy man. Life will be a party for you, a grand festival, because life is the moment we’re living now..”

                                                              -Paolo coelho, The Alchemist-

Advertisements

20 Comments

  1. ifoundme said,

    May 20, 2008 at 3:37 pm

    are you quoting paolo coelho to remind you to focus in the present kasi naalala mo ang past or is that a way for you to tell us that you have forgotten everything? malamang it’s the first one kasi naisulat mo nga ang nakaraan mo. one thing good about life is that you can redeem yourself by correcting the mistakes of the past. parang history di ba? it’s being retold so that the principles and lessons learned will be upheld. medyo touchy tong topic na to… ayoko man sabihin to pero you can still talk to him, you know…. sometimes the past has its way of catching up with the present. di rin masama mag-isip about the future. so maybe… maybe… (just basing in this entry) maybe you can still patch things up with your papa… peace tayo ha? hehehe!

    tara! kain tayo ng ice cream sa luneta… hahahahah! tanong mo kay mix kung bakit ganyan. hahahah!

  2. peach07 said,

    May 20, 2008 at 5:10 pm

    alam mo masaya ako/kame para sayo. kasi kahit na meron kang not-so-good experience eh u turned out to be a loving & responsible person. Ang swerte ng family mo at magiging family mo 🙂 well, sana lang po wag ka na malulungkot. alam ko nahirapan ka isulat ang entry na eto at halos muntik mo ng hindi matapos. haay. enough of that, let’s live in the present. dahil…hakuna matata! 🙂

  3. mixglorioso said,

    May 20, 2008 at 6:13 pm

    Pare, paalis na ako mamaya papunta sa lupang pangako, ngunit hindi ko maiwasang maantig sa iyong kwento. May mga bagay na mahirap kalimutan sa ating buhay, ito ang nagsisilbing “milestone” or “turning point” na biglang babago sa ating buhay. Ang mga bagay na masakit ay mas madaling tandaan kaysa sa mga bagay na masaya sapagkat sa mga tagpong tulad nito, tayo ay namumulat sa katotohanan ng buhay, at natututo na huwag nang magkamaling muli.

    Once again, napabilib mo ako sa post mo. Iba ang nagsusulat ng galing sa puso. Iba pag ang damdamin na ang nagsusulat at hindi na ang utak. Saludo nanaman ako sayo sir. Goli Mar!

  4. pol0106 said,

    May 21, 2008 at 5:21 am

    maghiganti ka !! wag mong patawarin!! katukin mo din sa bahay at sumigaw na di na mabubuo to!! hehehe. . iba ka ser talaga. . tunay na emo. . napakadrama at napakalakas na nilalang para pagdaanan nag ganyan mga bagay!! ikaw ang tunay na macho sa tropa. lkaw ang tunay na bida. . wala kang katulad carlo!! taas ang dalwang kamay ko sayo!!

  5. kengkay said,

    May 21, 2008 at 8:34 am

    naging maaga ang pagiging tunay na lalaki mo kahit na hindi ka pa tuli 😀 pero alam mo bang naging hero ka sa mga mata ng mga taong kasama mo sa bahay nung mga araw na iyon at sempre, hero na rin kita. am adding ur link.

  6. jeniffer said,

    May 21, 2008 at 12:57 pm

    OMG that’s tragic for me.. pero di mo ba namimiss kahit minsan papa mo? pero tama sila just liive now in ur present.. not in ur past.. 😛

  7. eyna said,

    May 21, 2008 at 9:15 pm

    gusto ko magsulat dito…kaso di ko alam sasabihin ko.
    nung una tumatawa ako habang binabasa ko si shaider kasi fan ako ni shaider nuon…tas bigla akong nalungkot at unti unting sumara ang aking bibig sa pagtawa.

    pero tulad ng tanong ni jeniffer … may times ba na minsan gusto mo kausapin papa mo? naalala ko ung pinsan ko. hiwalay kasi parents nya mula ng bata pa siya. tas ngaun nasa tate na sya kasama mom nya n kafatids n half brothers n step father, tas pumasok sya sa marines. nung mag 21 sya…nagdecide sya umuwi ng pinas para i meet ang biological papa niya at makipagusap sa kanya man to man. di ko alam anu napagusapan nila at anu kinahinatnan. but i guess he needed it for closure.

  8. roan said,

    May 22, 2008 at 2:31 am

    ano nga ba ang ibig sabihin ng tampipi? madami kahulugan, malalim at hirap arukin. alam ko na masakit na pag kailangan mo sya wala … wala … imbisobol kung tawagin. may pagkakataon na kailangan mo magsinungaling para maikubli ang tunay na damdamin! pero maraming nagsasabi na kalimutan mo na ang nakaraan at harapin mo ang bukas. di naman sa isang iglap at kisap mata makakalimutan mo na ang lahat ng hapdi at pasakit ng kahapon. sa isang banda at sa aking pananaw pag ang tao nasasaktan at ginawaan ng kasalanan subukin limutin ang ginawa nito at magpatawad, masarap sa pakiramdam ang mabunutan ng tinik ang pusong sugutan sa hapdi ng kahapon.

  9. roan said,

    May 22, 2008 at 2:49 am

    ahm… ano ba ang sasabihin ko … nakangiti ako… natatawa sa pagbabasa ,,,, subalit sa una lang pala ang komedya. =)

    Napabilib mo ako … hindi mo hinayaan na ang masakit na pagsubok na dala ng iyong nakaraan ang lumunod at magpabagsak sa iyong pagkatao. hindi mo dinagdagan ng isa pang problema ang iyong problema. sa halip Nagpakatatag ka para sa iyong mahal sa buhay at sa iyong sarili.

  10. nanay belen said,

    May 22, 2008 at 3:31 am

    hmm…kaya mo yan emoboyblue. intindihin mo na lang sila. minsan hindi natin hawak ang buhay natin, kahit ayaw natin mangyari at ginagawa ang lahat na makaya natin para maayos ang lahat pero hindi pa rin mangyari ang gusto natin. Pray ka na lang lagi para hindi mangyari sa mga maging anak mo.

  11. rio said,

    May 22, 2008 at 4:40 am

    nakakalungkot isipin na ang mga munting musmos ang nagsasakripisyo sa mga ganitong set up ng isang pamilya…pero bilib ako sa iyo dahil lumaki kang maayos at matapang na tao..hindi ka nagpaapekto sa nangyari sa iyong pamilya..hindi biro ang pinagdaan mo, hindi din biro ang mga binitawan mong salita laban sa iyong ama..kung ano man ang pagkukulang sa inyo ng inyong ama sana ay mapatawad nyo na din sya…dahil baliktarin man ang mundo..sya pa din ang iyong ama..saludo ako sa iyong katatagan,kaibigan=)

    favorite ko din si shaider nung bata ako at nakikisayaw din ako kapag tumutugtog na ang kantang shige shige lama..uma…hehehe..hindi ko alam ang lyrics kaya sounds like nalang..at tsaka yung theme song na..turot tu tut..shai-i-da…..hindi ko na alam yung sususnod e..hehe=)

    basta be strong!!

  12. mixglorioso said,

    May 22, 2008 at 10:43 am

    Hanggang sa huling sandali na nilanghap ko ang hangin at pulusyon sa pilipinas, ikaw ang katext ko sir. Maraming salamat sa pagpapalakas ng loob ko, kahit alam kong hindi ka pa tuli (tuli ka na nga ba?) ay palagi kang nandyan. Ingat palagi at nawa’y magkita ulit tayo next year! Larawan ka ng isang tunay na Lucenahin! Iba ang “hubog” mo sir! Buong-buo!

  13. lalaine said,

    May 22, 2008 at 4:12 pm

    Shaider!!!

    waaaaahhh…. nu ba yan… ngaun lang ako napadpad sa lugar na to.. kakalungkot pa una kong nabasa.

    pero bilib ako sa tapang na pinakita mo. mahirap para sa isang grade5 na banggitin ang mga salitang binitawan mo noon. =)

    iaad na din pala kita sa links ko ;).. salamat sa pagdalaw sa blog ko.

  14. Geisha said,

    May 22, 2008 at 9:11 pm

    hanggang ngayon overwhelmed pa rin ako sa mga stories mo… 🙂 very well written.. galing mo talaga! hindi ko kaya ang mga pinagsusulat mo..

  15. eloiski said,

    May 23, 2008 at 1:42 am

    how sad naman po. pero naging isang tunay na lalaki ka sa mga ginawa mo. Yaon nga lamang nakakalungkot isipin na kayong mga anak ang nagsusuffer. Pero atleast hindi ka naman mukhang apektado dahil naging matino ka naman sigurong bata. weehee!

  16. Merl said,

    May 23, 2008 at 3:43 am

    Hey there! Interesting blog entries you’ve got here. Contents show the true writer in you. 🙂

    I’ve just added your site to my blogroll. Double thanks for adding mine.. 🙂

  17. einn0c said,

    May 23, 2008 at 4:25 am

    Very sensitive topic. Di ko alam kung ano sasabihin para maging sensible man lang itong comment ko.
    i hope despite all what happened you still learn to forgive. I know it takes time.But it’s when you learn to let go that things become lighter and brighter.
    😉

  18. dhez said,

    May 24, 2008 at 7:36 am

    kakabisita lang.. i know that song too. alam mo hindi mo rin masasabi ang panahon, maybe magiging okay din kayo.. time will heal wounds db? keep blogging, nice entries.. i’ll add you up. 😉

  19. barquera said,

    June 5, 2008 at 7:15 am

    kung pede nga lang bang piliin ang mga magulang siguro hindi tayo makakaranas ng ganito. Sabi nila may dahilan kung bakit may mga trahedyang dumarating sa ating buhay. Pero di ko pa din mahanap ang kasagutan. Sana nga mag hilom ang sugat. Sana dumating ang oras na mapatawad mo ang iyong ama.,

  20. psi said,

    June 23, 2010 at 3:03 pm

    npabilib moko s tapang at lakas ng loob mo..na khit n ky shaider ang atensyon mo ng mga oras n yun, naging mtatag k llo n pra s younger sister mo…

    tama nga po n lhat ng bagay n ngyyari saten eh my kadahilanan…
    yun nga lang,minsan,mhirap itong maipaliwanag at maintindihan…

    at sana po, maging gabay mo yan s pagharap mo s iyong future..

    salamat friend, binigyan moko opportunity to read ur blogs…
    Godbless always po..


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: