Payaso

“Kilala niyo na ba talaga ako?? Tatawanan niyo ba ang isang payaso..??”

Summer ng taong 2003 kakatapos ko lang ng 2nd year college nun. Ok naman ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko masasabi ko na masaya ako sa itinatakbo ng buhay ko.  Ang mga kaibigan ko ay may kanya-kanyang lakad na gustong gawin  para sulitin ang dalawang buwan na bakasyon nila. Ako naman ay hindi makapag enjoy dahil ginawang ‘quarterm’ ang skul namin ibig sabihin apat na semester sa isang taon, nung freshman naman ako hindi ganun bigla na lang nagbago ang sistema dahil sa binili ang iskwelahan namin ng !@#$% mayayaman na yan at ginawang guinea pig kaming mga estudyante na walang kamalay malay sa magaganap na pagbabago( joke lang!! Baka mamaya masalvage ako.. haha!!). Nakakapag-aral lang ako sa paaralan namin dahil sa may ‘EDUCATIONAL PLAN’ ako. Enrollment na ulit.. Sakto!! Pumutok sa mga TV at diyaryo na nalulugi na daw ang mga Educational Plan companies at kabilang na dun ang kumpanya kung saan ‘beneficiaries’ ako at ang kapatid ko. Pinuntahan ko agad ang kumpanya… Ang daming tao sa labas puro magulang at estudyante na nakapila na hinaharangan ng mga guwardiya at parang ‘broken record’ dahil iisa ang sinasabi “Hindi po totoong nalulugi ang kumpanya nag uupgrade lang kami ng sistema para mapadali at maayos ang serbisyo namin..”. (Ano tingin mo sa amin stupid!!!)..

Nagsimula na ang pasukan puro pangako na lang sa kumpanya ang natangap ng aming pamilya. Hangang sa hindi na ako nakapag enroll dahil umaasa lang naman kami sa letseng ‘educational plan’ na yan. Dahil nasa maynila ako at kasama ko ang mga barkada ko na nakatira sa isang apartment sa maynila. Kelangan ko magkatrabaho para sa pagkain at pangbayad sa apartment na nirerentahan namin. Nagdadalawang-isip ako noon kung uuwi na lang ako sa probinsya para maghintay ng pangako ng ‘educational plan company’ o mag stay ako sa maynila. Dahil kapwa estudyante ko ang mga kasama ko sa bahay at pag nawala ako lalaki renta nila magigipit at mapipilitan silang umalis sa kumportable na naming tinutuluyan. Nag desisyon akong
magtrabaho na lang tutal kikita naman ako at hindi pa sila mahihirapan sa buwanang pagbabayad ng renta.

Nag-apply ako sa itago na lang natin sa pangalang ‘McDonalds’. Walking distance lang sa apartment namin katapat niya ay ang isang catholic school at sa tabi ay isang palengke. Sa awa ng Diyos natangap naman ako at pinagsisimula na agad. Pagkatapos kong maasikaso ang lahat ng ‘requirments’ na kelangan ay pinagsimula na agad ako. Tuwing 5am-1pm ang ibinigay sa akin na sked. Dahil katapat nga siya ng isang pribadong catholic school araw-araw ko nasasaksihan ang paghatid at pagsundo ng mga yaya pero mas masaya ako pag nakakita ng magulang na personal na hinahatid at binibilhan ng almusal( syempre McDo breakfast dapat.. hehe!!) ang kanilang anak bago sila pumasok sa opisina. May naging suki kami na customer, mag-asawa sila mukhang mayaman naka ‘corporate attire’ lagi sila pag naghahatid sa unica hija nila, tapos nakasasakyan sila pag hinahatid anak nila at binibilhan ng breakfast ng Mcdo( parang sponsor e noh?!) bago pumasok. Tuwing pagkahatid nila sa anak nila sabay silang nag-aalmusal at nagkwekwentuhan tapos makaraan ang mga 15minuto aalis na sila at didiretso na sa trabaho. Nakakatuwa kasi kahit mayaman na sila at mukhang busy sa trabaho may time pa rin sila ihatid anak nila at may oras pa rin silang mag-asawa para mag-almusal, ngumiti at magtinginan sa mata. Ang sarap nilang tingnan parang ang daming papasok sa isip mo pag nakita mo sila, sila ang naging dahilan kaya naniwala ako sa ‘happy ending’ sila ang naging dahilan kung bakit ginaganahan akong pumasok sa trabaho kahit pagod na ako at nagsasawa sa paulit-ulit na ginagawa ko sa araw-araw na ginawa ng diyos..

Sabado noon, malapit na mag 1pm at malapit na ako mag-out sabi sa akin ng ‘manager’ ko pwede ka ba mag extend? Kahit hanggang 3pm lang.. May party kasi tayo mamayang 2pm-3pm kulang tayo sa crew.. Bigyan nlng kita ng extra meal mamaya. (At dahil nakakinig ako ng “free meal”). Ok lang Sir wala naman akong gagawin mamaya ang dali-dali kong isinagot.. hehehe!! At pagsapit ng 2pm sabi ng manager ko mag handa ka na sa party.. Bigla iniabot sa akin ang isang ube na mala halimaw ang itsura.. Sabi ko ‘sir ano to?.. Sabi niya ‘Isuot mo mamaya.. tapos sumayaw ka ng otso-otso (kasi un ang uso that time). Napamura ako!! sa loob-loob ko akala ko naman e mag-aabot lang ako ng pagkain sa mga bata tapos papasayawin mo pa ako ng otso-otso!! Dahil natulala ako sa sinabi ng manager ko nagsalita si “Birdie” sabi niya ‘maghubad ka na at isuot mo tong ‘trash liner’ para hindi mabasa yung loob kasi gagamitin pa yan mamaya sa kasunod na party. Wala akong nagawa kundi maghubad ng uniform ko, binutasan ko ng 3 ang trash liner ng maipasok ko ang ulo at 2 kamay ko, ayan parang basurahan na ako. hehe!! Tinaggal ko kasunod ang sapatos ko at pinalitan ng lampas tuhod na Kulay ube na boots(1st time kong mag boots.. hehe). Pinaluhod ako ni birdie at itaas ko daw ang kamay ko.. At whoaaa!!! Ang galing!!! Ang laking Ube!!! at totoo nga ang kasabihang sa isang iglap ang daming pwedeng mangyari kasi naging Ube ako sa isang iglap.. hahaha!!! At naglakad na kaming 2 ni birdie papuntang 2nd floor kasi doon gaganapin ang ‘party’.. Ang daming sumisigaw na Grimace!! Dito naman!! At narealize ko na  ako pala si Grimace, kasi dati hindi ko alam na grimace pala pangalan niya.. haha!! Bawat hakbang ko feeling ko ang gwapo ko na daming nagtitilian at sumisigaw ng grimace d2 naman!! Tapos ang daming nagpapapicture at take note nakayakap pa sila sa akin habang nakangiting nagpapakuha ng larawan kasama ako. Sa bawat ‘say cheese’ ng kumukuha ng camera ngumingiti din ako ng di nga lang halata. Sa Tuwing iindak ako ang dami kong napapangiting matatanda at napapasayaw na mga bata..

Isang taon kong nakalimutan kung sino ako.. Nakalimutan ko lahat ng problema sa buhay ko at mga nangyaring kamalasan sa pag-aaral ko. Hindi ko ikakahiya na ako ay naging isang mascot na kulay ube!! Dahil ang sarap magpasaya ng kapwa..

“Ikaw nakapagpasaya ka na ba?? Masaya ka ba??…”

Advertisements

16 Comments

  1. ifoundme said,

    May 13, 2008 at 1:01 pm

    ayoko sa payaso pero okay na si grimace. hehehe! nung high school kami biktima yang mga mascot mascot na yan samin. pano kasi may isang sisgaw ng grimaaaaacccccccceeeee!!!! tapos yung isa hahampasin sa puwet si grimace. wala lang. trip lang. sabi mo nga mean girls, di ba? hehehe! pero sa totoo lang, crush kasi namin yung andyan sa loob. anak ata sya nun ng nagfranchise ng mcdo at trip na trip nya magmascot mascotan… syempre tinake advantage din namin yung pagmascot mascotan nya… nagpapapicture kami na embrace namin sya. achus! if i know, kinikilig din yun samin. honga pala, biktima rin namin si jollibee nung march. nagpapicture samin na nakabeautiful eyes… na iimagine mo ba syang nagbebeautiful eyes? LOL!

  2. nanay belen said,

    May 13, 2008 at 2:40 pm

    hay naku, tawa ako ng tawa sa blog mo. pati anak ko nakikitawa na rin. bakit ngayon ko lang binasa to, sana kahapon pa.
    Una naawa ako sa iyo-naimagine ko taga mapua ka.
    pangalawa- biktima ka ng CAP
    Pangatlo-tawa ako ng tawa sa pagkakwento mong naging payaso ka. Hanga na rin ako sa determination mo’ng mabuhay dito sa maynila sa sarili mo’ng sicap. nag aaral ka pa ba ngayon? o tapos kana?

  3. Mix said,

    May 13, 2008 at 4:00 pm

    Hahaha! Sa wakas…. medyo maikling post…

    Ikaw ang mascot ng buhay ko pare! ikaw lang! i love you! mwah! hahaahaa!

  4. karmi said,

    May 13, 2008 at 5:03 pm

    nakapagpasaya na ba ako? ewan ko lang, madalas kasi korny ung jokes ko.. ^_^ hehehe..

    tc!

  5. rio said,

    May 14, 2008 at 5:30 am

    grimace??….alam mo hanggang ngayon, iniisip ko pa din kung ano ang nirerepresent ng mascot na yan e…meron na ba silang ube sundae??
    crush ko si jollibee kaya lagi kong kinikiss yung mascot na yun…

    buti ka pa may educational plan…ako, wala! mahirap lang kami e..

  6. peach07 said,

    May 14, 2008 at 12:05 pm

    naalala ko na kung kanino ko narinig yang nagmascot ka sa mcdo, si raquel nagkwento sken nun. ang cute mo nga daw nun eh. tapos parang bitin na sayo yung costume kasi ang laki mo. hehe. uuuyyy. namimis mo anu. 🙂

  7. MisyeL said,

    May 14, 2008 at 3:31 pm

    Kakatuwa naman malaman na sa loob ng mainit na mascot na yan eh may isang tao na masayang nagpapaligaya ng ibang tao. Ako di ko alam kung kung nakapagpasaya ba ako or nagpapasaya ng iba, hmm siguro, sana.

  8. jeniffer said,

    May 16, 2008 at 1:18 pm

    madalas ako magpasaya ng tao.. kasi makita pa lang nila ako, tumatawa na sila. Hindi sa superganda ko. Malakas lang talaga ang apil. Pero ang pinaka magandang bagay kasi ang maging masaya ang mga taong sa paligid mo.. nice post bro.. 🙂

  9. ifoundme said,

    May 16, 2008 at 3:37 pm

    emo, pasample nga ng otso otso mo… hehehe!

  10. pol0106 said,

    May 18, 2008 at 7:44 am

    sa likod ng masayang larawan ang hapdi ng nararamdaman!! init kaya mag mascot!!hehe. . isa kang tunay na payaso sa buhay ng nakapaligid sayo. hindi man makita ang kagandahan ng pakatao pero malinis at tapat ang naipakita mo! mabuhay ka emo. . isa kang halimbawa ng mga taong hindi marunong tumingin sa pang loob na kaanyuan. . sa madaling salita babaero ka!! hehe. .

  11. Geisha said,

    May 19, 2008 at 2:03 pm

    i love you pare 😆 heheh nakisawsaw! galing mong magsulat 😀

  12. einn0c said,

    May 20, 2008 at 7:30 am

    first salamat sa pagdalaw sa aking blog bagamat matagal na ang panahong iyon.Ngayon lang ako nadalaw sa iyong site sa dahilang ngayong lang uli ako nagbalik sa mundo ng blogging.
    second salamat sa pag link.nalink na rin kita
    third salamat sa post. May isang tao akong naalala na kapareho ng iyong karanasan.Subalit kabaligtaran sau, naawa raw sya sa kanyang sarili habang pinagmamasadan ang mga taong nag-eenjoy habang sya ay pawis na pawis sa loob ng mascot.
    hinahangaan kita.Hingahangaan ko ang iyong pananaw sa buhay.

  13. roan said,

    May 20, 2008 at 12:39 pm

    ang iba tao mapang husga … puro labas na anyo ang tinitingnan… kung maganda hinahangaan… kung pangit pinupulaan … ang iba hindi nauunawaan ang ibig sabihin ng katagang PAGKATAO ! mahirap at napasakit sa pakiramdam na pagtawanan at kutyain, hindi po ba? ang magpasaya kahit na pakiramdam mo sa una ng liliit ka at maliit ang tingin sa iyo ng iba! balewala sa iba … di ba? basta makapagpasaya! masarap sa pakiramdam na may nakikita ka na ang kapwa mo napaligaya mo sa kabila ng lahat … kahit sa tingin ng iba ganito ka? ganun ka? di nga nila kita ang mukha mo… di nila nasilayan na sa kabila ng napakainit na mascot costume mo andun ang mga mata at labi mo na nakangiti dahil makipag bigay saya ka sa iba. .. kahanga hanga ang pananaw mo sa buhay …. kahanga hanga ka talaga!

  14. eyna said,

    May 21, 2008 at 9:05 pm

    nung bata pa ko mabait ako sa mga mascots kasi alam ko tao ung nasa loob, kasi kita sa bibig ng mascot ung mukha. dati gusto ko magmascot o basta naka costume. kasi pag suot mo un, libre ka magibang anyo at kalimutan ang iyong sarili.

    masarap magpasaya kasi pag masaya ang iba, o nakapaghatid ka ng tuwa sasaya ka na din at malilimutan ang iyong kalungkutan o problema. sabi nga ng commercial ng mastercard — its priceless 🙂

    nice blog! ang galing mo sumulat. bow ako sa iyo. 🙂

  15. bhang said,

    June 11, 2008 at 3:12 am

    first time ko mabasa ang blog mo and sobra akong natuwa. Madalang lang kasi ako mag basa ng tagalog na blog. Hanga ako sa galing mo magsulat.I’ll add you up in mine.I remember GRIMACE nung graduation day ng pamangkin ko nung nag kiddie service crew cya. Sobra akong natuwa sa sa mascot na un and talagang pinilit ko makipagbuno sa mga kids mapagbigyan lang ung pamangkin ko sa request nya na makapagpapicture na nakayakap si GRIMACE sa kanya. Hanggang sa muling pagdalaw…
    .

  16. psi said,

    June 23, 2010 at 3:15 pm

    nkkatuwa nmn po..npatawa mo nnman ako.. :))
    mrame kpo tlagang napapasaya..
    salamat grimace.. 🙂


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: