Bakit part 2??

Salamat nga pala dun sa nagbasa este sa napaclick lang ng link ko kasi kahit ako di ko babasahin ginawa ko sa sobrang haba. hehe!! Salamat nga pala kay ifoundme dahil isa siya sa mga pumipilit sa aking magsulat kahit alam ko ginagamit niya lang kaming mga ka-probinsya ng bf niya at kaya nagpapalakas siya sa amin. haha!! joke!! Nakakatuwa lang magsulat dito dahil ang babait pala ng nasa blog community!! Mabuhay lahat ng nagsusulat at mga ayaw na magkaron ng sugar coated life.

Simulan natin to sa isang pagbati ng isang ‘Happy Anniversary!!’. Isang taon na ang nagdaan may nagbago na ba sa akin? Mali pala tanong ko sa sarili ko dapat eh ano ang nagbago sa akin noon at nagkaganito?? Dahil request to ng ilang kaibigan ko at dahil mga curious(tsismoso at tsismosa) lang daw sila magpangap tayong may book 2 kahit wala naman. hehe!! Eto na ang season finale ng matagal ng closed book na mala TV series na kwentong ‘to.

‘College week’ noon sa school na pinapasukan ko kasali kami sa gaganaping “Battle of the bands”. Busy kami ng mga kabanda ko sa pag-eensayo ng tutugtugin ang di nila alam talagang pinili ko yung kanta na tutugtugin namin dahil (BANDA KO  NAMAN ‘TO!!) wahaha!!. Malapit na magsimula ang “battle of the bands”  at nagkataon na kami ang unang bandang tutugtug( Salamat sa bunutan ng numero!!) at dahil nga kami ang unang tutugtug sa amin nag open curtain ang stage. Pagbukas ng ‘curtain’ nakita ko ang ‘girl of my dreams’ sa may bandang harapan katabi niya yung bestfriend niya, biglang bumilis tibok ng puso ko at kinabahan ako pakiramdam ko magkakamali ako sa pag-gigitara. Pag intro ng “AS LONG AS IT MATTERS – GIN BLOSSOMS” bigla siya napa wow at napangiti at halos magkamali na ako sa aking pag gigitara sa nasaksihan ko na reaksiyon niya. Alam kong favorite song niya yun kasi may tape daw kuya niya nun at lagi niya nakikinig na naging paborito niya na rin. Umuwi kaming talunan nang gabing yun pero panalo ako kasi ang pakay ko lang ay tugtugin sa harap niya ang paborito niyang kanta at makita reaksiyon niya. At umuwi akong may ngiti sa mga labi habang ang mga kabanda ko eh hindi maipinta ang mga mukha!! (Sorry guys!! hehehe!!).

Makaraan ang ilang araw naguusap na kami nagi kaming close dahil nagkataon na lagi kamng seatmates at dahil dun naging mag bestfriend kami di-kinatagalan. Sa isang hapon sa nakakatamad na klase (dahil lang siguro sa nagtuturo.. hehe!!) naka upo ako sa likod niya at nasa harapan ko siya. Tinanong ko siya kung pwede ko hawakan kamay niya. Wala siyang inimik at inabot na lang bigla ang kamay niya sa likuran.. Boom na boom!! Star city at Enchanted Kingdom na pinagsama sama ang aking naramdaman ng magdapo ang aming mga kamay!! Pinagpawisan ako ng matindi at nanginginig pa..  Pagkalabas namin ng hapon niyaya ko siya sa chapel( eto pinaka corny na ginawa ko sabi niya) nagkataon kami lang 2 sa chapel ng school namin noon. Umupo kami na magkatabi bigla ko hinawakan kamay niya at sinabi sa harap niya at ng simbahan na “Mahal na mahal ko po Lord tong babaeng katabi ko ngayon sana siya na ang ibigay niyo para sa akin”. Tapos pagbaba namin ng chapel nakangiti siya sa akin tapos sinabihan akong ang corny mo!! (Akala ko swabe move!).. Wahahaha!

Dumating ang prom night dahil wala akong sasakyan nagpasundo me sa kaibigang si Meyn na may sasakyan ng lolo niya at andun si kaibigang Allan jay at Pol( My name is Paul). Kung gusto niyo ng larawan sabihin niyo lang ng makita niyo si kaibigang Pol( My name is Paul) na bigotilyo. Wahaha!! Pagdating namin sa venue ng prom nakita ko siya na naka “Yellow dress” at talaga namang parang prinsesa ang nakita ko at pakiramdam ko ako ay isang prinsepe na nakakabayo. Dahil parehong kaliwa ang paa ko nahihiya naman akong magsabi ng ‘Shall we dance?’. At dahil sabi nila ang first at last dance ay mahalaga nilakasan ko na loob kong hingin ang kanyang kamay at pumayag naman siya at ang first dance ay nagwakas hanggang last dance…

Isang gabi pagkalabas namin ng practice ng graduation.. Natuto akong mag-inum.. 1st time kong uminom akala nila nag-iinum na ako kasi gawa ng itsura ko mukha kasing adik.. haha!! Kasamo ko ang kaibigan kong si jobel(Repa!) papunta kaming tamabayan sa bahay ng kabarkada naming si jessie para magbasketball. Dahil gusto ko mag-inum at si repa ay ganun din bumili kami ng GIN sa tindahan e dahil high skul pa lang kami nun e patago dapat kasi bawal,  kaya humingi kami ng plastik ng softdrinks at dun namin inilagay, hinati sa dalawa at ininum ang GIN na parang softdrinks lang. Iyon ang unang tikim ko sa alak.

flashback:

Sa classroom inamin ko na mahal ko na siya. Ang tangi niya lang nasabi eh bestfriend kita sa ngayon at ayaw ko masira yun, at the age 25 ko pa balak magkabf dahil madami pa ako plan.. Maiyak-iyak ako sa narinig ko, akala ko talaga kami na or M.U. kami.. Sa madaling sabi nag-assume ang lolo mo!(poor boy).. Pagkalabas namin ng hapon inihatid ko siya sa sakayan ng jeep hindi kami naggagalawan at nag-iimikan. Nakatayo lang kami habang naghihintay ng jeep na kanyang sasakyan pauwi. Makalipas ang 10minuto na paghihintay dumating na ang  jeep na sasakyan sabi niya ‘ sakay na ako..’ Sabi ko naman ‘ sige, ingat ka na lang. At sumakay na siya ng jeep. Nung nakasakay na siya ng jeep bigla siyang bumaba bigla at hinalikan ako sa pisngi then tumakbo siya pasakay ulit ng jeep na parang ‘teary eyes’.. Na shock ako hindi ko alam ang gagawin, kung dapat ko bang habulin ang jeep na kanyang sinasakyan pero dahil iyon ang unang dampi ng labi sa aking pisngi na hindi nagmula sa aking ina hindi ko na nagawang kumilos pa at nagtagal ng ilang minuto na nakatayo lang ako na wala sa aking sarili..

“Hindi kita sasaktan kahit anong mangyari. Kung san ka masaya magiging masaya na din ako para sayo, kaya kahit di mo ako sagutin ok lang basta mag-iingat ka lagi at maging masaya ka. ( Paawa Effect ko nung nanliligaw)”. Pasensya na binuko ko na ang secret weapon nating mga lalaki. Wahaha! Nung umepekto na ung secret weapon at naawa na siya( Wahaha!). Halos araw-araw gumagawa ako ng paraan para makita lang siya at mabigay ang bulaklak at poem na aking ginawa para lamang sa kanya. At sa gayon e makamit ko na sa wakas ang matamis niyang “OO”. Pumupunta ako sa bahay nila dahil sa harap ng magulang niya mapapatunayan ko na seryoso ako sa panliligaw sa kanya. Dahil matalino at sweet ang matsing ang niligawan ko ay yung mama niya nagdadala ako ng bulaklak para sa mama niya at magpapalakas ako sa kuya niya at magpapangap ako na alam ko lahat ng itatanong ng kuya niya kaya naman buong araw kaming mag-uusap ng kuya niya about music na halos di ko na makausap ang talagang sinadya ko dun. paparusahan na naman ako ng mama niya na dito ka na kumain ng hapunan, sa loob-loob ko gusto ko tumangi na kasi nung isang gabi ipinaubos sa akin ung isang buong papaya na hindi ko naman matanggihan kasi nag papa POGI POINTS pa ako sa magulang niya kaya pag uwi ko sa bahay buong gabi akong nasa banyo. Gross!! Wahaha!! As usual hindi na naman makatangi at napilitin me kumain ng talangka, at Isang linggong pangangati gawa ng allergy ang kinahinatnan.

Makaraan ang 5 buwan kong panliligaw nakamit ko rin sa wakas ang matamis niyang OO..

Makalipas ang tatlong taon naming pagsasama hindi na ako ang dating tao sa kwentong ito kinain ako ng sarili ko at ng sistema ng kamaynilaan lumaki ang ulo ko, nakalimutan ko ung hirap na dinaanan ko para mapasagot lang siya dahil dumami ang umaaligid sa aking babae( feeling gwapo!!) at naging kampante ako na hindi naman magsasawa at mapapagod sa akin magmahal yun kasi ako ang first bf niya at gusto niya ako ang makikita niya sa dulo habang ‘she’s walking down the aisle’.  Lahat may hangganan, kahit gaano kahaba ang pasensiya nauubos din. Sa haba ng kwentong ito dalawa lang ang natutunan ko ang lalaki sa tagal ng relasyon “Magsasawa” at ang babae “Mapapagod” maghintay na bumalik ang dating nanligaw sa kanya at sinagot niya..

“Makalipas ang anim na taon napagod na siya maghintay na magbalik ang dating ako.. “

Advertisements

10 Comments

  1. rio said,

    May 6, 2008 at 6:52 am

    naka relate ako sa kwento mo…
    huwag kasing maging kampante ..nauubos din ang aming pasensya at napapagod din kami sa kakaintindi…
    minsan, kahit mahal pa namin ang isang lalaki pero kung hindi naman napapalotan angpagmamahal na binibigay namin..sumusuko din kami..hindi sa ayaw na namin kundi dahil naawa na kami sa sarili namin,…
    awtz…may sense b pinagsasabi ko d2?? hehe

  2. Mix said,

    May 6, 2008 at 12:15 pm

    Ayan… napagsabihan ka tuloy ni Doc Rio! hahaha! Hindi mo kasi naiitanong kaibigang pure eh hindi lang dentista si Doc Rio kundi isa rin siyang doktor ng mga sugatang puso! 🙂 haha!

    Ang haba nanaman ng post mo at nakakabitin pa rin! pero ituloy mo lang pare at sus ko! malay natin! dito mo matagpuan si belle na naka “yellow dress” at ikaw naman si “Beast” hahaha!

    Ikaw nag salamin ng love story ko, tuwing may magtatanong tungkol sa lovelife ko eh ipapadala ko sila sa post mong ito. Sasabhin ko na lang na basahin nila at 99.9% ang pagkakatulad ng ating kwento! hahahaha!

    Redhorse pa! Kampai!

  3. ifoundme said,

    May 7, 2008 at 12:27 am

    huh? naman… dinahilan pa ako para magsulat… kunyari ka pa… gusto mo lang isulat name ko dyan eh. LOL! yan yan… kasi kala sa girl superwoman na okay lang tadtarin ng sama ng loob. nauubos din ang power pero pagmakabawi, wala ng pigil pigil… tataubin ka ng husto. seryusli, 6 years din pala yun no? bakit mo kasi binalewala yunnnnnnnnnnnnnnnn???? alam mo pare ko, masakit din yun sa girl. hindi biro yung magdecide na ilet go na lang yung taong inisip mong pwede mong makasama habang buhay. at 6 years ha… 6 years din yun… wala lang… feel ko lang sabihin yun… naiintindihan ko si girl… ganyan na ganyan din kasi kami ni boypren nun. hindi ko alam kung ano ulit pinakain sakin para bigyan pa ulit ng isa pang pagkakataon eh kulang na lang nun ilibing ko sarili ko ng buhay no.. ako pa maghuhukay ng sarili kong libingan. hay… o well… past is past…. kwento ulit ha? dali!!!

  4. geisha said,

    May 7, 2008 at 2:56 am

    na add na po kita 😀
    haba ng post ah! mamaya ko na ito basahin 😀

    you add my other blog na rin 😀

  5. peach07 said,

    May 7, 2008 at 12:38 pm

    tapos na ba yun? alam ko may kasusnod pa 🙂 ! siguro naman natuto ka na sa experinece mong eto. masakit yung nangyari, at dahil 6 na taon yun, sus ko mas mahirap mag let go. pero gaya nga ng sabi mo ‘ur happy right now’. at finally tanggap mo na kung anu nangyari sa inyo. (tanggap mo na talaga? d nga? – kidding)
    oxa, i hope things will turn out well for u lalo na sa lovelife. keep those posts comin’ kasi nag aabang kame (yung mga chismoso’t chismosa mong kaibigan!!!) 🙂

  6. pol0106 said,

    May 7, 2008 at 7:21 pm

    di naman sa tamad ako magbasa. . . mahaba lang talaga!! hehehe. . at please lang ser carlo wag mo ipost ang pic naten nung highschool prom!! tapos ang career ko dun!!hahaha. . muka kong balik eh tanda ng itsura ko dun. . kahit di ko na basahin umpisa palang alam ko na storya. . isa kang direktor ng mundo mo!! galing idol ka talaga minsan sisiraan kita para bumagsak ka naman. .di ka mapabagsak eh. . hehehehe!!

  7. karmi said,

    May 8, 2008 at 4:40 pm

    ay, akala ko lab istory na. kinilig pa naman ako, un pala, hmmm…

    oo, napapagod ang mga babae. nakakapagod magpasensya ha! lagi na lang umiintindi.. 😛 hehehe. bitter eh noh?

    inuman na lang.. lol.

    nga pala, cge add kita sa links. 🙂

  8. ifoundme said,

    May 11, 2008 at 8:10 am

    hapi mama’s day sa mama mo. 🙂

  9. jeniffer said,

    May 12, 2008 at 6:54 am

    grabe.. sobrang haba.. pero ganyan din me gumawa, haha.. sa totoo lang, there is no such thing as napagod maghintay.. ang pinaka word jan.. “natuto nang wag maghintay”.. kasi wala na naman aasahan pa.. mapapagod ka lang.. 🙂

  10. nanaybelen said,

    May 12, 2008 at 11:48 pm

    anak ko rin na. 17 years old, may banda rin siya. guapo siya matangkad. at ang dami ang may crush sa kanya pero wala pa siyang girlfreind. sabi nya sa akin ayaw pa niyang magkagirlfreind. {Tuwang tuwa naman ako bilang nanay para makapagconcentrate sa pag aaral niya} Kasi mama, pag nagkagirlfreind ako… “Kailangan kong i date na kahit pakainen sa labas after ng sine pag nanuod kami at pasahe pa. kaya hwag na lang mama sayang lang ang pera ko. ang hirap kaya ang mag-ipon. ” Ngek… kuripot ang anak ko ha.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: