Dapit Hapon

“Natutulog ba ang Diyos?”

Ilatag na ‘to

Ika-2 ng Hunyo ng taong 2006 nasa kahimbingan ako ng tulog ng biglang tumunog ang aking ‘cellphone’. Sinagot ko naman agad  pagkaraka. Isang umiiyak na boses ang aking nakinig galing sa kabilang linya. 

“Si papa wala na! Anong gagawin ko?! Di ko na lam gagawin ko..” 

“Ha? anong nangyari?! Asan ka ngayon pupuntahan kita!”

“Nasa bus ako ngayon! Di ko na alam gagawin ko pagnawala si papa!”

Isang iyak ang umalingawngaw sa linya ng telepono ko na bumasag sa buong pagkatao ko. Naging manhid ang buo kong katawan sa sakit ng naramdaman ko sa pag-iyak niya galing sa kabilang linya. Hindi ko siya kayang pakalmahin at patigilin sa pag-iyak kaya wala na rin akong nagawa kundi mapaluha na lang sa mga naririnig ko sa mga sandaling yun..

Makaraan ang limang oras na biyahe nakarating din ako ng kanilang bahay. Nakita ko na bukas ang gate nila at tahimik sa loob. Pumasok ako ng bahay at nakita ko ang ‘kabiyak’ na nakaupo lang at nakatingin sa kawalan. Nung mga oras na yun iniisip ko kung tama ba tlga sabihin ko ang isang namatayan ng ‘condolence’.

“Magandang hapon po..”

Isang nangingilig na mga mata at isang tango ng ulo ang naging sagot sa aking pagbati.. 

Tinangka ko silipin ang katotohanan na pilit nilalabanan ng sarili ko na hindi totoo tong mga nangyayari at isang masamang panaginip lang ng biglang may yumakap sa likod ko at humahagulgol at nagwiwikang..

“Si papa wala na.. Si Papa wala na.. Si Papa wala na”

Kinurot ko ng palihim ang balat ko ng marinig ko yun. At ng malaman ko na hindi panaginip ang lahat. Hindi ko na napigilan at umiyak na ako. Nakatayo kami sa kawalan at natatakot sa magiging hinaharap. Minasdan ko ang buong paligid ko nakita ko ang pamilya niya na sobrang lapit sa akin na sobrang nasasaktan na sa pagkawala at di makapaniwala sa nangyari. Dahil sa sobrang nasasaktan na ako sa nakikita ko at alam ko mas magiging masaya yung mahal ko kung ako ang nakahiga ng tuwid kesa sa papa niya..

“Putang ina!! Ako ang ilagay mo sa kabaong at ibalik mo buhay kinuha mo!” Ang naging hamon ko sa Diyos..  

Galit, Poot at Paghihiganti ang nararamdaman ko na lang. Wala na akong pakialam kung masunog ako sa impiyerno o mapunta sa kawalan. Basta ang mahalaga sa akin tanggapin ng Diyos hamon ko sa kanya kung totoong nasa paligid lang siya, langit at bawat isa sa atin . Pero walang Diyos na sumasagot sa mga hamon ko. Naalala ko na lang yung lagi niyang suot na uniporme sa opisina, yung kung gaano siya kabuting ama at asawa sa asawa at mga anak niya, at yung nakakatawa na seryoso na iiyak siya sa simbahan pag may ikinasal sa isa sa tatlo niyang anak na babae. Napapangiti na lang ako na parang baliw na inaalala lahat ng alaala niya at naiiyak sa di maipaliwanag na dahilan.

“Pagod na siya kaya niya tayo iniwan..” Ang sabi ng Ina sa kanyang apat na anak.

Advertisements

Alintana

“Masarap ba talaga ang bawal?”

Ilatag na ‘to..

Tirik na tirik ang araw ng tanghaling iyon. Umuwi muna ako ng aking tinutuluyan para magpahinga dahil antok na antok ako ng araw na yun ewan ko ba kung ano dumapo sa katawan ko at sinumpong ako ng antok at katamaran ng araw na yun. Bago ako tuluyang umuwi sumilip muna ako sa katabing kompyuteran na pagmamay ari ng aking naging kaibigan sa lugar na yun na pangalanan na lang nating ‘buboy’. Pagsilip ko ng pinto ang nakaupo sa ‘upuan ni buboy’ eh isang paslit na nagpapalevel ng karakter niya sa kanyang kinahuhumalingang online game. Nagtaka ako kasi puno ang kanyang kompyuteran at hinayaan niya lang yung paslit ang magbantay eh halos hindi na kumukurap yung paslit sa kanyang pagkakatitig sa monitor. Hindi pa ako natatagalan ng biglang dumating ang nanay ni buboy na galit na galit. “Putang ina mo Buboy!” ang bungad na pambati ng ina sa kanyang anak na sa mga oras palang iyon eh andun din at di ko lang napansin dahil natutulog sa ilalim ng kurtina. Napansin ko na antok na antok ang kanyang mata at namumula. Parang kahit ilan ng mura ang inabot niya sa nanay niya eh hindi pa napasok sa sistema niya ang nangyayari sa paligid niya dahil sa sobrang pagkaantok niya sa mga oras na yun. At dahil bago pa lang ako sa lugar na yun nabigla ako sa mga narinig ko (sinu ba naman di mabibigla kasi minura ng ina ang sarili niya nakalimutan niya yata na siya ang ina ng minumura niya. Hahaha!!). Yung mga ‘adik’ sa loob ng kompyuteran eh parang sanay na sanay na sa mga ganung eksena at parang sila pa ang naiirita dahil sa ingay ng ina ni buboy hindi sila makapulot ng mga ‘rare items’. (May ganun?!). “Kaya walang kinikita tong kompyuteran gawa mong hayup ka! Putang ina mo talaga!” ang pagpapatuloy pa rin ng ina ni buboy. Dahil ayaw kong magmukhang usisero mas pinili ko na lang na lumabas dahil makikinig ko din naman mga sasabihin pa ng ina ni buboy dahil bukas naman ang pinto.(Hoy! Curious lang ako hindi tsismoso!! Magkaiba un!)

Kinagabihan bibili sana ako ng pang-ulam sa carinderia bigla kong nakasalubong si Buboy. At dahil siguro napahiya siya sa nangyari kanina bigla siyang nagyaya na “Pare inum tayo mamaya sagot ko..” . Nag-alintana pa rin ako sa dahilan ng panlilibre niya naisip ko na baka madamay lang ako sa gulo nilang mag-ina, mahirap na. Tapos narinig ko pa sa tabi-tabi na matagal ng gumagamit si buboy sa lugar na yun. Hindi ako makapaniwala kasi sobrang bait niya na tao, nung bago pa lang ako sa lugar nila pinakilala niya na agad ako sa mga taong pwede kong matakbuhan sa oras ng pangangailangan at kagipitan. Natatandaan ko pa nga na binibiro niya yung mga tambay sa lugar namin na wag akong gagalawin dahil pag ginalaw nila ako malalagot sila at sinabihan niya ako na para di ako galawin sa lugar eh sabihin ko lang ang pangalang ‘Bubuy’ at siguradong irerespeto na daw ako at di gagalawin. Kaya nagging malapit kong kaibigan si Bubuy naging magkasangga kami sa gubat na aming nilalakaran, di ako natakokt maglakad sa lugar ng mga siga dahil alam ko hindi ako papabayaan ni buboy. Pero ang dating tingin ko sa kanya at respeto ay biglang nabalutan ng takot, pangamba at duda dahil sa nalaman ko na madilim na sikreto at nakaraan niya. At siguro dahil sa nakita niya at nabasa sa mga mata ko na ayaw ko ang kanyang inaalok eh hindi niya na ako pinilit at gumawa na lang siya ng dahilan para hindi mapahiya. Naghiwalay kami na hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pag-iwas sa kanya meron ‘guilt’ sa puso ko pero sa tingin ko un ang tamang gawin sa mga panahong yun.

Isang gabi nakausap ko ang tinuturing ni Buboy na ‘Ama-amahan’. Napagalaman ko na silang dalawa pala dati eh magkasabay pa na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot pero matagal na daw nilang itinigil un mga 2 taon na silang dalawa na di gumagamit. Ang dahilan ng ‘Ama’ kaya siya gumagamit ay ‘out of curiosity’ lang at gusto lang subukan hanggang sa mapadalas na daw at hanap hanapin na ng katawan niya ang gamot. Si Buboy naman ay naghahanap ng pamilya na makakaintindi sa kanya at natagpuan niya daw siguro sa mga kasamahan niya sa pag gamit ng ‘bato’. May kapatid si buboy na biniyayayaan ng katalinuhan kaya malayo na ang narating. Kaya naman madalas maikumpara si buboy sa kanyang kuya. Aminado naman daw si buboy na mahina ang ulo niya kaya dinadaan niya sa pagtulong tulong sa mga gawaing bahay at pag tao tao sa carinderia ng magulang niya. Yung kompyuteran pala ay pag mamay-ari ng kuya niya at pinababantayan lang sa kanya. Nasabi daw sa kanya ni buboy na nasasawa na daw siya sa araw-araw pagbabantayin siya ng hindi naman niya pagmamay-ari. Kaya kinausap daw ni buboy ang magulang niya na gusto niya na mag-aral muli. “Ano 25 ka na tska mo pa naisipan mag-aral?! Sasayangin mo lang perang pantuition at yung babaunin mo na pinaghirapan namin dito at ng kuya mo siguradong sa ‘bisyo’ mo lang mapupunta”.

Mga salitang nakapagpabalik sa dating buboy..

Lahat ng gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay kriminal. Basura, salot at pabigat lang sa mundo ang mga ganung klase nang tao dapat sa kanila ay patayin na o bitayin tutal masyado ng masikip sa mundo. Ano pa man ang dahilan nila sa paggamit at pagtikim ng isang bawal eh masama pa rin ito. Walang nakakalusot sa mata ng lipunan at lalo na sa mata ng Diyos.

Ako si emoboyblue isa akong ‘ADIK’.. Isa akong mapanghusga sa kapwa ko. Hindi ako naniniwala sa ‘rehabilitation’ at ‘pardon’ na tinatawag. Sinu ba ang dapat hatulan ng hustisya? Ang gumagamit o nanggagamit? Ang Hinuhusgahan o Nanghuhusga?

Tama ang title ng bagong album ng ‘Radioactive Sago Project’ – “Tang ina mo! Ang daming nagugutom sa mundo fashionista ka p rin?!”

Kaya mo bang magbilang ng tatlo?

Isa..

dalawa..

tatlo..

Isang bata ang namamatay ng dilat sa gutom…

Sana tuwing mapapabilang tayo ng tatlo maalala natin na may namamatay na bata sa mundo gawa ng gutom at kawalan ng ‘basic needs’. Kung siguro matibay lang ang pundasyon ng bawat miyembro ng pamilya mababawasan ang tumitikim ng bawal. Konti ang makakaranas ng ‘broken family’. Kukonti ang nagugutom at walang trabaho. Sama sama tayo na baguhin ang mundo sa munti nating makakaya…

Tara na simulan natin sa sarili..

Aurora Borealis

“Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka. Isa lang ang hiling ko: Ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit dapat ako bumawi..” -Bob Ong

Ilatag na ‘to..

Isang taon na ang nakaraan simula nang ako ay madapa at sa pagkakadapang yun halos di ko na alam kung makakaya ko pang tumayo at bumangon pang muli. OO nga at andiyan lagi ang Kaibigan, pamilya at ang Panginoon natin sa itaas para maging kanlungan natin tuwing magiging marupok tayo sa mga pagsubok na darating pero aminin man natin o hindi alam natin sa sarili natin kung ano ang kulang, kung ano ang nawala at kung ano ang hinahanap natin sa tuwing gabi na ipipikit natin ang ating mga mata.

Sinimulan kong hanapin ang sagot sa mga katanungan ko pero mas naging tanong lang ang lahat ng bagay ng maghanap ako ng kasagutan. Dahil sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon nagmahal ulit ako. Alam kong halos 3buwan pa lang ang nakakaraan noon ng maghiwalay kami ng landas ng aking nakaraan at sa tagal ng anim na taon marami sa inyo ang magtataas ng kilay at huhusgahan ako na ‘Rebound’ lang ang lahat ng nararamdaman ko. Iniisip ko yun tuwing gabi ang sasabihin ng mga tao laban sa akin pero tuwing gabi bawat paghiga ko sa matigas kong kama siya pa rin laman ng isipan ko at pag gising ko bukas ipaglalaban ko siya sa lahat ng huhusga sa pagmamahal ko para sa kanya. Pero kinaumagahan pagkagising ko di ako kasing tapang ng gabing iyon, isa akong ‘duwag’ na matatawag sa umaga at sa gabi kasing tapang ng karakter na si ‘balanar’.

Sa Isang karagatan sinabi ko ang nararamdaman ko sa babaeng aking tinutukoy. Tulad ng aking kinatatakutan isang malaking ‘Hindi’ ang aking natanggap galing sa kanya. Hindi ako makapaniwala dahil iyon ang unang ‘BASTED’ na aking tinamo sa buong buhay ko.

Inisip ko kung bakit ako nabasted dahil:

A. Dahil hindi ako kagwapuhan (tulad ni ideal man at perfect 10?)

B. Dahil sa tingin niya hindi ko kaya maibigay sa kanya ang mga gusto niya sa hinaharap?

C. Dahil natatakot siya na maikumpara ng mga tao ang pagmamahal ko sa kanya sa 6 na taon ko?

D. Dahil nag-aaral pa siya?

E. All of the above?

Dahil wala akong lakas ng loob para tanungin ang dahilan ng pagiging ‘basted’ ko. Araw-araw sa ginawa nang diyos naging gameshow ang buhay pag-ibig ko. Pero matatawag ko na ang aking sarili na tunay na lalaki dahil ngayong “23” na ako natikam ko ang batayan ng pagiging tunay na lalaki. Ang ‘mabasted’!!! (Di ka na nag-iisa sir kasama mo na ako.. Kelan kaya mababasted si congressman at perfect 10?)

Tinanggap ko ang pagiging basted ko kahit ano pa mang dahilan niya. Maging A,B,C,D at E pa man ito ang basted ay mananatiling basted pa rin. Kaya nagpatuloy ako sa buhay pinilit kong maging magkaibigan pa rin kami kahit masakit ang katotohanan pinilit kong walang magbago at maging ganon pa rin ang pundasyon namin bilang magkaibigan. Pero dahil nasa iisang samahan kami hindi maiiwasan ang tuksuhan at kahit di ko aminin eh kinikilig ako pag niloloko kami( Ang landi mo sir!). Isang gabi nagpunta kami sa bahay nila kasama ko ang kaibigan kong si Marcpogi para ayusin ang kompyuter nila (siya lang pala kasi di ako marunong mag-ayos ng kompyuter.. hehehe!!). Dahil hihintayin ko si Marcpogi pinaupo muna ako ng mama niya sa katapat niyang upuan para doon ako maghintay, nagpapababalat siya ng mga notebook na gagamitin ng mga kapatid niya pagpasok. Doon nanumbalik yung nararamdaman ko para sa kanya. Dahil sa unang pagkakataon nakita ko kung gaano siya kasimple pala.. Nakapangbahay lang siya habang nagpapabalat ng mga libro, sinu ba namang normal ang hindi mapapatulala sa kanya habang nagkwekwento siya ng mga nangyari sa kanyang buhay kung ang mismong tinuturing mong ‘buhay’ mo na ang nasa harapan mo. Tinanong ko ang sarili ko kung nananaginip lang ba ako nang gising? Siya na kaya yung asawa ko na nagpapabalat ng libro ng anak namin? Napapangiti ako ng walang kadahilanan baliw bang maituturing ang magmahal ng isang tao na kaibigan lang ang turing sayo?

Ilang ‘iwas’ na ang aking iniwasan. Ilang ‘pilit’ na rin ang aking pinilit. Ilang awa na akong nagmakaawa. Dahil sa likod ng isipan ko binubulangan ako ng puso ko na hintayin mo lang siya may mga bagay sa mundo na nakukuha sa sipag, tiyaga at paghihintay. Kaya Sinunod ko ang puso ko naghintay ako ng pagkakataon at swerte na mag-iba ang ihip ng hangin. Kinatagalan ako ang nahipan ng hangin hindi na ako makakakilos nalulunod na ako sa pagmamahal ko para sa kanya. Katangahan na yata matatawag ang maghintay ka ng hindi naman niya sinabi na maghintay ka. Tapos sa huli magagalit ka na naghintay ka eh wala naman siya sinabi na maghintay ka. Minsan talaga ‘physical attraction comes first’ kaya unang tingin pa lang sayo ng gusto mo ligawan alam niya na kung may pag-asa ka o wala. Sabihin na nating pwede ‘madevelop’ ang isang bagay. Ang isang Uod pag nagtagal nagiging isang paru-paru kinatagalan di ba? Un eh kung isa kang Uod. Ang hirap maghintay ng sagot kung umiiwas sa sagot yung babae. Buti na lang ako unang tanong ko pa lang isang malaking ‘HINDI’ na agad ang bumulagta sa harapan ko. (Nagpasalamat pa eh noh!! hahaha!!). Masakit talagang tanggapin ang katotohanan.. Minsan magagalit tayo sa hitsura natin bakit naging ganito lang hitsura natin o kaya sana naging mayaman na lang tayo para bilhin ang pagmamahal ng mahal natin (Binili eh noh!! hahaha!!). Sa lahat ng lalaking nabasted na nakakabasa nito magpasalamat pa rin tayo kung nabasted lang tayo dahil sa hitsura, pera o kurso lang na natapos natin dahil kung nabasted ka gawa ng ugali mo at sinayang mo ang isang bihirang ‘chance’ na binigay sayo ng babaeng iyong minamahal DAMMIT!! Dami dami humihingi ng chance sa mundo na pagbigyan, tapos ikaw tapon ka ng tapon! Hintayin mong magtag-ulan dahil lahat ng basurang tinapon mo ay siguradong babalik sa’yo..

Huwag nang ipilit ang isang piyesa pag hindi ito kasya. Sa halip maghanap ng piyesa nararapat sa sukat na dapat nitong kalagyan.

Sa totoong mundo walang “IDEAL”, “REAL” lang.

Ang isang puting Jacket ang naging simbolo na tinatanggap ko ang ‘inoofer’ niya na pagkakaibigan..

-Straitjacket feeling-

Kanlungan II

Pasensiya na sa lahat ng humiling ng larawan ni “Perfect 10 Ideal Man” ngunit hindi ko mapapahintulatan na sapawan na naman ako ng napakagwapong nilalang na yan dahil buong buhay ko na lang lagi na lang akong sinasapawan ng !@#$^ yan!!! Hahaha!! Pero may blog siya yun lang ang mabibigay ko sa inyo pero kung sinu siya.. respeto na lang!!! 🙂

Ilatag na ‘to!!!

  •  <,> Mukhang nalaki tiyan natin ah?!’

           <,,> oo nga eh sarap magluto kasi ni misis, kaya eto bundat’.

           <,> Kaw rin ah mukhang nalaki tiyan..

Isang maikling usap namin ng iyong butihing asawa na sumampal sa buo kong pagkatao. Mga linyang hindi intensiyon na makasakit pero daig pang sinabihan ako na “Ang sarap pala pare ng may nakahandang pagkain pag-uwi mo tapos excited ka pang umuwi kasi makikita mo yung mukha nang asawa mo. Alam mo un?!” Parang nang-iinggit na ang sarap patayin!! Wahahaha!! Pero Salamat sa ‘wake up call’ na hindi na kelangan sabihin pa sa ipinapakita niyo lang na masaya kayo at nagmamahalan daig niyo pang sinasampal ako sa magkabilang pisngi. hehehe.. Para sa dalawang taong pinagtibay ng panahon at ginawang sentro ang DIYOS sa kanilang pagmamahalan.. Isang bati at isang masigabong palakpakan sa kaibigan ko na to at sa kanyang butihing asawa. Mabuhay ang bagong kasal!!!

 

  • Naglakbay ako pabalik sa ‘narrow street of paris’ at sa pagbabalik kong iyon hindi ko akalain na sa dami dami kong pwedeng makasalubong eh ikaw pa ang makakasalubong ko kasi malapit kang kaibigan ng ‘nakaraan’ ko at hanggang maari eh ayaw ko may magpapaalala sa akin ng nakaraan ko, pero napagtanto ko na hindi dapat idamay ang pagiging magkaibigan niyo sa pakikipagkapwa-tao ko sayo at nang sinubukan kong kausapin ka nagulat ako sa iyong pagkatao. Sa Likod ng napakaamong itsura eh nagtatago ang isang ‘lalim’. Isang lalim na hindi mo mabubuksan hanggat hindi mo bubuksan ang bawat pahina para basahin. Isa kang aklat na sa una nakakatamad basahin pero bawat pihit mo ng pahina hindi ka na mapapabitiw sa pagbabasa. Parang ang iyong puso na malapit ng mag pitong taon na tumitibok pa rin ng tulad ng unang pagtibok nito. Pitong bagsak po para sa pitong taong pagmamahalan. Gusto ko magpasalamat sayo dahil ikaw ang isa sa pumipilit at sumusubaybay sa aking mga isusulat  dito dahil sabi mo nga naniniwala ka sa akin na ‘talentado’ ako (talentado po hindi tarantado!!!.. Wahaha!!). Ikaw ang tunay na artista talaga dahil kaya mong ipahayag ang sarili mo sa entablado man o pagbibigay ng kuro-kuro sa bawat usapin. Sana ay magkatotoo yung panaginip ko na gumawa tayo ng isang ‘indie film’ na ako ang sumulat at isa ka sa mga umarte sa low-budgeted na pelikula ng taong iyon. At sa muli SALAMAT…

 

  • Ituring natin ang dalawang ito na ‘Bato’. Unahin ko nang lunukin ang unang bato.. (DIng ang bato!!) hehehe.. Bato tlga ang kanyang palayaw.. English naman ano tingin niyo sa kanya cheap!!! hehehe.. Isa siyang bato dahil sa dami ng relasyon na kanyang pinagdaanan ewan ko na lang kung hindi pa maging bato ang puso niya.. Wahahaha!! joke!! Bato man siya maituturing eh napakalambot naman nang kanyang puso halos yata lahat ng tao sa aming probinsya eh kilala niya ewan ko nga ba kung bakit parang napakapopular niya at kahit san kami lumingon eh babatiin siya, minsan nga ayaw ko ng makasama siya kasi feeling ko hindi ako popular at high profile tulad niya nadagdagan lalo tuloy ung insecurities ko.. kaw kasi!!! Pero salamat talaga sa pakikinig sa mga kwentong pag-ibig ko dati at mga tulong na iyong ginawa( may ginawa ka ba? bakit basted pa rin ako??!! Wahahaha!!). Salamat sa pagiging bato mo na taga pukpok sa ulo ko tuwing katangahan na ginagawa ko at pakiramdam ko wala na ako silbi. Nawa ay hindi ka magsawang batuhin ako. Hintayin ko ang bawat bato mo.. 🙂

Ang pangalawang bato eh napaka dalang.. Para siyang isang ‘rare’ na bato minsan mo lang siya makikita at makakasama pero pag nakasama mo naman ang daming umaaligid para humirit ng kanya kanyang banat na ‘swabe moves at swabe lines’. DI ba mga ‘TEAM III”? hehehe.. At dahil sa mala ‘DEVON AOKI’ niya na ganda eh isa lang ang masasabi ko sa team III.. Ang lalaki niyong mga ASA!!! Wahaha.. Dahil hindi alam ng karamihan na loyal (ows?!) siya sa kanyang minmahal kahit pa nauna ang ‘M sa R’.. hihi.. Salamat sa pagtataas mo ng aking tiwala sa sarili lagi mo na lang akong sinasabihan ng makakapagpataas sa aking sarili kahit alam ko naman na sinasabi mo lang un dahil kaibigan kita.. hehe.. Dahil curious ka di ba malaman kung ano itsura ko pag may ka ‘HHWW’ sa malls. Mukhang malapit mo na yung makita.. Yun ang good news.. ANg bad news miyembro ako ng ‘Team III’.. Kaya ASA!!! Wahahaha!!! 

  • Isang gabi isang text ang aking natanggap hindi ko akalain na mapapadaan dito at mapapatawa ko ang isang ‘repa’ sa aking pagsusulat lamang. Isang malaking karangalan para sa akin na mapadaan ka dito at magkapanahon na magbasa sa mga madradramang sulating di-pormal na nilikha ng aking malikot na imahinasyon. Natatandaan ko pa nung nasa 3rd year high skul tayo ng magsimula tayong magbanda dahil pareho tayo ng pinapakinggan na mga awitin at nagpasya tayong magbuo ng sarili nating banda. Wala man sa tono ang ating mga gitara at pagkanta e hindi matatawaran ang pinagsamahan nating dalawa sa kalokohan, kabastusan at kadramahan. “The Dull”  ang itinawag sa musika ng apat na tao na pinagsama-sama para makabuo ng hindi kagandahang musika pero kayang paantigin at haplusin ang puso ng bawat makakarinig nito. Ipinagmamalaki kita pare hindi dahil sa pagkanta mo( Dahil alam mong hindi ka kagalingang kumanta!!!) pero yung kagustuhan mo na makatugtug tayong apat sa harap ng madaming tao kahit marami silang masasabi sa ating pagtugtug eh hindi ka natakot at naging masaya ka pa kasi nagawa nating makatugtug sa harap nila wala ka pakialam sa sasabihin nila ang mahalaga sayo ay ang maitugtug natin ang musika ng “The Dull”. Natatandaan mo ba pare yung college days na ang dami mo problema? Hindi mo alam kung ano ang dapat gawin? Tapos hinaluan pa ng kulay pag-ibig? Tapos para kang tanga na bigla na lang iiyak pagkatapos ng inuman at uuwi ng hindi nagpapaalam?.. Hindi mo man sabihin ‘repa’ kilala na rin kita. Ikaw yung madalas na nasa kubeta lagi dahil ‘gross!!!‘. Wahaha!!! Nahati man ang samahan sa dalawang grupo pero tuwing magkakasama sama naman ang mga ito para magplastikan ang bawat isa eh, masayang masaya ka makita at makausap ang mga taong hindi mo madalas makita ng walang halong kaplastikan(6am na ilabas na natin ang tunay na tayo. Wahahaha!!!). Goodluck sa bagong kabanata na nilalakbay mo ngayon alam kong madami kang tanong sa sarili mo at di mo pa alam ang kasagutan sa ngayon. Madami man ang humuhusga sayo sa ginawa mong malaking desisyon sa buhay pag-ibig mo eh hindi rin kita masusuportahan!!! Dahil mismong ako naguluhan sa iyong eksplansyon ang pagkakaintindi ko lang eh ‘ Ang gwapo mo tapos!!!’… Para sa mga gwapo tulad ni Repa!! Itaas mo!!! 🙂 

 

 

  

Kanlungan

“Sa mga kaibigan ko na kinalimutan ko noong panahon na masaya ako pero nung lugmok lugmok na ako eh hindi nawala sa tabihan ko para hawakan ang kamay ko sa kumunoy na ginawa ko para sa sarili ko..”

Ilatag na ‘to!!!

  • Kaklase ko na siya nung grade 5 pa lang ako. Asar na asar ako sa taong to kasi lagi ko siya kaklase tapos lagi siya ang “Most Diligent Student”. Hindi tuloy ako nakatikim ng pagiging “Most DIligent Student”!!!. Noong nasa 2nd year high skul kami hindi ko makakalimutan yung ginawa ko siyang piggy bank nagbibigay ako ng P20/day para makaipon at ng sa ganun e matupad yung pinaplano kong ‘date’ sa crush ko sa mga panahong iyon(Alam mo kung bakit ko naisipan na gawin kang alkansya? Hindi ha!! Mali ang iniisip mo!! Meron lang me alkansya that time na kulay flesh ayun naisip kita!! Joke!!). Naging Escort niya ako sa isang okasyon noong nasa kolehiyo pa siya kasi naman miyembro siya ng ‘No bf since birth’.. hehe.. Nadaya pa kami nung gabing iyon dahil kami dapat ang tatanghalin na ‘Mr. and Ms.’ Nang gabing iyon pero sa hindi maipaliwanag na dahilan at tulad ng nangyayari sa mga awards night e nadadaya ang tunay na nanalo.. hehe!! May special powers siya kasi isang tingin niya lang sa babae na makakasalubong namin alam niya kung type ko o hindi yung babaeng yun, bat ganun?!! Ang daya!! hehe.. Hindi ko matangap na mas madami siya alam sa akin pag dating sa isports kasi babae siya pero pag showbiz ang usapan maghanda ka alam ko lahat ng latest chika at kung sinu ang mga buntis sa mga teen stars ngayon. hehehe!! Pero seryoso salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo, sa mga utang na hiniram ko para makapasok lang sa paaralan, sa mga na delay ko na pagbabayad sa utang, sa mga pakikinig sa mga paulit ulit kong kwento at sa 13 taon na pagkakaibigan. Salamat!!!
  • SINU ANG MAY SABI MAKAKATING LABI DI DI DI NAMAN TOTOO!!! Yan ang kanyang linya sa mga nagsasabing babaero siya.. hehehe!! SIya ang ‘Bestman’ ko. Pag sinabi niyang “akin ka” magiging sa kanya ka talaga ganun siya katinik kaya ingat kayo.. hehe!!! Kaya nga nung minsan na maglaro kami ng basketball at sinabi niya na ‘akin ka’ e natakot ako kasi baka nga matuluyan ako na mapa sa kanya.. waaa!! Mala congressman siya kung gumawa at sa huli aaminin niya din ang kanyang ginawa dahil hindi kaya ng kanyang konsensya, ows?! O hindi pa kaya ngayon ng bulsa pag malaki na ang kita na lang .. Joke!! parang congressman lang.. HaHaHa!!! Pinalitan niya na ang Nov.30 na dapat ay kay ANDRES BONIFACIO ginawa niyang ‘GUEVARA DAY’ ganun siya kalakas at pati ang history ng Pilipinas e kaya niyang baguhin. Isa siya sa dahilan kung bakit tumagal ng anim na taon ang una kong relasyon, ewan ko ba sa taong yan at mas malaki pa ang tiwala nung ‘girlfriend’ ko dati sa kanya kesa sa akin. Salamat sa pagtuturo mo sa akin ng kamunduhan noong magkasama pa tayo sa iisang kwarto at hindi pagtulong nung kinakailangan kita para maayos pa ang anim na taon!! Salamat ha!! hahaha!! Pero seryoso salamat sa lahat ng nagawa mo dati sa mga ginawa mong pagtatakip at pagpupuno ng pagkukulang ko dati. Sa mga Kwento na iyong binahagi.. Sa mga debate na pinagtatalunan natin minsan dahil sa ibat-ibang opinion natin at sa walang hanggang pagkakaibigan. Ikaw pa rin ang bestman sa magiging kasal ko kahit sinu pa ang iharap ko sa altar.. Pare pag wala ako naharap pwede bang ikaw na lang?! :-))
  • Para siyang isang gulay na ‘pechay’ minsan sinasabi niya na magigi siyang mag-isa pag tanda kasi pwede naman kainin ang ‘pechay’ ng basta gulay lang at bigyan na lang ng sustansiya ang kapamilya niyang gulay tapos pag nagawa niya na ang parte niya bilang isang ‘pechay’ bigla na lang siyang maglalaho sa mundo, masaya na daw siya na ganun lang naging silbi niya sa mundo, pero pag isinama mo naman sa nilaga nakakalimutan niya pagiging ‘pechay’ niya at tuwang tuwa makita ang mga sangkap na kasama niya habang nasa isang mainit na kaserola at sabay sabay na pinapakuluan, pinapalambot at hinahalo. Tandaan mo ‘pechay’ na madami ka silbi at huwag mo ikulong ang sarili mo sa alam mo lang na gamit mo kasi pagpunta mo ng korea pwede ka nilang gawin isang ‘kimchi’!! hehehe!! Pero seryoso yan.. Hindi ko makakalimutan yung tuwing ika-siyam ng gabi na nasa isang sulok lang tayo at nagpapakalasing sa buhay tapos ginagawa nating pulutan yung mga wala sa inuman na yun.. HaHaHa!! Namimiss ko yung buong araw lang tayong magkatext kahit non-sense na ang ating pinag-uusapan para lang hindi masayang yung unlimited text natin noon. Pero kelangan nating maging ‘mature’ na kasi hindi na tayo nabata at alam naman natin na magkakanya kanya din tayo at magkakaroon ng sariling pamilya balang araw pero masaya ako nagkaroon ako ng isang ‘pechay’ sa buhay ko. Ang gulay na hindi ko makakalimutan kailanman.
  • Konting di pagkakaintindihan ang muntikan ng mauwi sa isang madugong suntukan. ‘Hawakan mo nga sa tenga kung matapang ka’ ang sabi ng katabi ko na lalong nagpainit sa tensyon ng gabing iyon.. Dahil nasa iisang barkada kami nagkikita pa rin kami pero plastikan lang na kamustahan ang nagaganap. Nang maghilom na ang sugat at pareho na kaming may bayag para kausapin at ayusin ang di pagkakaunawaan hindi namin akalain na mas higit pa sa inaakala namin ang mangyayari sa aming dalawa( naging kami!!!) Wahaha!!!. Pero seryoso pare kahit na hindi naging maganda ang impresyon natin sa isat-isa noon masaya ako at hindi ko aakalain na magkakausap tayo at magiging malapit tulad ng kung ano meron tayo ngayon. Salamat sa lahat ng naitulong mo di lang sa akin kundi sa barkada natin para maging masaya at hindi makakalimutan ang bawat tagpo natin bago ka lumipad sa lupang pinangako. Nawa ay mahanap mo dyan ang kasagutan sa lahat ng tanong na nasa isipan mo ngayon. Hindi ko makakalimutan ang pinanood nating palabas na “TULAD NG DATI” Isa yun sa napakaimportanteng ‘indie film’ na napanood ko na humaplos sa aking pagkatao. Mabuhay ka kaibigan!!!
  • Napakaperpektong tao nitong kasunod kong ikwekwento malamang kahit BLOG ko to magiging kanya na to pag inilagay ko pa ang larawan niya dito, kaya pasensiya na sa mga hihiling ng larawan niya konting respeto na lang dahil ‘BlOG’ ko naman to at hayaan niyo na ako naman ang maging bida dito hehehe!! “Perfect 10”, “IDEAL MAN”, “MR. DREAMBOY”, “PANGARAP KONG JACKPOT”, ” WOWOWEE”, “KAPWA KO, MAHAL KO” “PINOY POP SUPERSTAR” ganyan malamang ang masasabi na lang ng mga babae pag nakita niyo sa personal ang taong to, at kung lalaki ka naman mapapatanong ka na lang ng “BAKIT LORD?!” “NATUTULOG BA ANG DIYOS?!” tapos mapapadasal ka pa ng “3’O CLOCK PRAYER” ganun ang naramdaman ko nung maging kaibigan ko ang taong to. Kung medyo alanganin ka naman isa lang malamang ang masasabi mo ” UNITED AMERICAN TIKI TIKI”.. HAHAHA!! Pero mapunta naman sa seryoso salamat pare sa mga mga kwento mo at mga banat na nakakatawa. Nasabi sa akin ni repa minsan gusto mo talaga ako maging malapit na kaibigan kasi may nakikita kang kakaiba sa akin?! (Aba pigilan mo yan pare!! Sayang ka!! haha!!) Nawa ay maging masaya ka sa lahat ng ginagawa mo ngayon, nawa ay matagpuan mo na ang matagal mo ng hinahanap na kaligayahan at katahimikan. Huwag kang matakot sa darating na mga pagsubok, magdasal ka lang sa kanya at itaas mo ang kamay mo dahil pagmulat mo andun ako sa tabi mo para hawakan ang iyong mga kamay..
  • Si ‘Sir Yabang’ kung siya ay tawagin. Siya ang pinuno ng aming samahan na kung tawagin ay “Team III” sa hindi namin maipaliwanag na dahilan eh kung bakit siya ang naging lider nang aming ‘underground’ na samahan eh siya ang laging huli sa mga lakad at may sariling diskarte sa mga desisyon kelangan gawin. Makaraan ang isang taon nang pagiging lider nagulat ako ng makita ko ang malaki niyang pagbabago hindi na siya late lagi tulad ng reklamo ng lahat ng miyembro, siya pa ang laging una sa mga tagpuan at handang handa siya sa lahat ng kelangan ng grupo niya at mas sumarap pa lalo ang kanyang niluluto at malamang dahil binubudburan niya nang isang kilong pagmamahal sa nakaputing babae. Hehehe!! Kung may blog lang etong si ‘SIR YABANG’ malamang ang dami nitong kwento na ating susubaybayan kasi mas makulay ang kanyang buhay kesa sa atin sa karamihan dito. Halos pareho kami nang nangyari sa nakaraan na ayaw na naming mangyari sa hinaharap. Kaya inaasahan ko mula sa akin at mula sayo na huwag mong hayaan mangyari sa magiging anak natin ang mga naranasan na natin nung bata kasi alam natin kung gaano kasakit ang mawalan at madagdagan ng hindi natin kagustuhan..

Itutuloy…

Tampipi

“Sa lahat ng nagpaantig, nagpasaya at nagbigay kulay sa dalawamput tatlong taon ng buhay ko, para sayo ang bawat titik ng isusulat ko sa pahinang ‘to..”

Taong 1991, nanonood ako ng paborito kong palabas na ‘shaider; nagpalit anyo na si alexis mula tao nagi na siyang pulis pangkalawakan. Masayang masaya na ako at hinihiling ko na sana yung robot naman ang pang ‘finish him’ ni shaider kasi lagi na lang yung baril na gamit lang ng kamay niya ang madalas niyang pang ‘finish him’ at nagkatotoo ang hiniling ko sa itaas naging robot nga yung ‘spaceship’ ni shaider, nang biglang magbukas ang pinto ng malakas at nagsisigawan si mommy at si papa. Hindi ko pinansin kasi mas importante sa akin ang pagiging robot ng spaceship ni shaider kesa sa nangyayari sa paligid ko sa mga oras na iyon. Tinira na ng robot ni shaider ang kalaban at ‘BOOM!’ patay ang kalaban.. Kasabay ng pagtira ng mga laser at baril ni shaider ang pagbato ni mommy ng mga kaserola at gamit ni papa sa pintuan namin habang umiiyak at sumisigaw nang ‘lumayas ka’. Nagbingibingihan na lang ako ng mga gabing iyon. Niyakap ko na lang ang kapatid kong babae na sa mga sandaling iyon ay isang taong gulang pa lamang at wala pang kaalam alam sa naghihintay na dapat niyang tanggaping katotohanan sa paglaki niya.

Nagtrabaho si mommy ginagawa niyang araw ang gabi para lang matustusan ang pangangailangan naming magkapatid. Dahil walang ibang matatakbuhan pinakiusapan ng mommy ko ang “Lola” ko na sa bahay na lang namin tumira at alagaan muna kami kasi hindi niya kami maasikaso gawa ng madami siyang trabaho at may mga seminar na pinupuntahan sa ibat-ibang lugar. Sa madaling sabi ang mommy ko ang parang naging ama at sumusuporta sa amin at ang lola ko na naman ang naging nanay naming magkapatid siya ang nag-aayos ng gamit ko pagpasok, siya nagluluto  at nagsusundo sa akin paglabas ko at habang nasa skwelahan ako e siya ang nag-aalaga sa kapatid ko na musmos pa lamang. 

“Family day na bukas dalhin niyo ang mama at papa niyo ng makita nila ang pinaghirapan at pinaghandaan nating kanta na ‘welcome to the family'” sabi ng aking guro na itago na lang natin sa panglang Ms. Par. Pagkalabas ko sinabi ko sa lola ko ang sinabi ng aking guro tapos pumunta na ako sa kama ko para pilitin at kumbinsihin ang sarili ko na panaginip lang lahat ng nakinig ko sa araw na iyon at hindi pa bukas ko kakantahin ang nakakaiyak na kantang ‘WELCOME TO THE FAMILY” with matching actions pa at straight from the heart. Pagkamulat ng mata ko parang gusto kong ipikit na lang ulit at ayaw ko ng masilayan ang darating na araw pero hindi ko magawa napilitin akong pumasok pa rin at hintayin mag 4pm para magsimula na ang ‘family day’. Sumapit ang 4pm may nagtanong sa akin na kaklase ko sabi niya, dadating ang mama mo? sabi ko oo dadating yun maya-maya lang. Ang papa mo dadating din? sabi ko oo dadating yun kasama ng mommy ko( ‘yun ang unang pagsisinungaling na ginawa ko sa buong buhay ko). At nagsimula na ang program nasa kalagitnaan na kami ng pagkanta ng dumating si mommy at kasama ang ninong ko sa binyag.. Pagkatapos ng family day sabi sa akin nung kaklase kong nagtanong ‘oo nga dumating ang mama at papa mo’, ‘sabi ko naman sayo dadating e!!

Isang gabi may kumatok sa gate namin. Takot na takot kami kasi baka kung sinu e tatlo lang kami ng lola, kapatid kong babae at nagiisa pa naman akong lalaki pero grade 5 pa lang ako at hindi pa tuli sa mga panahong iyon. Anong magiging laban ko sa isang tuli na at matandang may armas pag nagkataon.

Sumigaw ako: ‘Sinu yan?!’

Sumagot din: ‘Papa mo ‘to’!’

Sabi ko kay lola na may halong galak at saya. Lola si papa pala!! Hindi gumalaw at umimik ang lola ko tapos ang kapatid ko nakayapos na nakayapos sa lola ka at takot na takot. Natuto ako ng ‘Read between the lines’..

Sumigaw ulit ang nasa labas: Papa mo to!! Gusto ko lang makita kayo at kakausapin ko mommy mo para mabuo na ulit tayo.

Gustong gusto ko yakapin ang papa ko at naalala ko nung bata pa ako na isinasama ako ng papa ko sa mga basketball games niya kasi basketball player siya dati. Tapos pag sumigaw ako ng dunk tlgang i-dunk niya at masayang masaya kami kakain pagkatapos ng game sa “Whimpy’s” ng burger. Pero nang makita ko ang reaksiyon at takot sa mga mata ng lola ko at ng kapatid kong babae. Sa di maipaliwang na dahilan sumigaw ako ng..

“Umalis ka na!! Wala dito si mommy at wala ka nang babalikan..”

At dahil sa narinig niya mula sa panganay niyang anak at inaasahan na siguro ako makakaintindi sa kanya, tumigil na siya ng pagkatok at pagtawag sa aming magkapatid ng marinig niya mula sa akin ang mga nabitiwan kong salita. Yun ang huling pag-uusap namin bilang mag-ama.

 

“I don’t live in either my past or my future. I’m interested only in the present. If you can concentrate always on the present, you’ll be a happy man. Life will be a party for you, a grand festival, because life is the moment we’re living now..”

                                                              -Paolo coelho, The Alchemist-

Payaso

“Kilala niyo na ba talaga ako?? Tatawanan niyo ba ang isang payaso..??”

Summer ng taong 2003 kakatapos ko lang ng 2nd year college nun. Ok naman ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ko masasabi ko na masaya ako sa itinatakbo ng buhay ko.  Ang mga kaibigan ko ay may kanya-kanyang lakad na gustong gawin  para sulitin ang dalawang buwan na bakasyon nila. Ako naman ay hindi makapag enjoy dahil ginawang ‘quarterm’ ang skul namin ibig sabihin apat na semester sa isang taon, nung freshman naman ako hindi ganun bigla na lang nagbago ang sistema dahil sa binili ang iskwelahan namin ng !@#$% mayayaman na yan at ginawang guinea pig kaming mga estudyante na walang kamalay malay sa magaganap na pagbabago( joke lang!! Baka mamaya masalvage ako.. haha!!). Nakakapag-aral lang ako sa paaralan namin dahil sa may ‘EDUCATIONAL PLAN’ ako. Enrollment na ulit.. Sakto!! Pumutok sa mga TV at diyaryo na nalulugi na daw ang mga Educational Plan companies at kabilang na dun ang kumpanya kung saan ‘beneficiaries’ ako at ang kapatid ko. Pinuntahan ko agad ang kumpanya… Ang daming tao sa labas puro magulang at estudyante na nakapila na hinaharangan ng mga guwardiya at parang ‘broken record’ dahil iisa ang sinasabi “Hindi po totoong nalulugi ang kumpanya nag uupgrade lang kami ng sistema para mapadali at maayos ang serbisyo namin..”. (Ano tingin mo sa amin stupid!!!)..

Nagsimula na ang pasukan puro pangako na lang sa kumpanya ang natangap ng aming pamilya. Hangang sa hindi na ako nakapag enroll dahil umaasa lang naman kami sa letseng ‘educational plan’ na yan. Dahil nasa maynila ako at kasama ko ang mga barkada ko na nakatira sa isang apartment sa maynila. Kelangan ko magkatrabaho para sa pagkain at pangbayad sa apartment na nirerentahan namin. Nagdadalawang-isip ako noon kung uuwi na lang ako sa probinsya para maghintay ng pangako ng ‘educational plan company’ o mag stay ako sa maynila. Dahil kapwa estudyante ko ang mga kasama ko sa bahay at pag nawala ako lalaki renta nila magigipit at mapipilitan silang umalis sa kumportable na naming tinutuluyan. Nag desisyon akong
magtrabaho na lang tutal kikita naman ako at hindi pa sila mahihirapan sa buwanang pagbabayad ng renta.

Nag-apply ako sa itago na lang natin sa pangalang ‘McDonalds’. Walking distance lang sa apartment namin katapat niya ay ang isang catholic school at sa tabi ay isang palengke. Sa awa ng Diyos natangap naman ako at pinagsisimula na agad. Pagkatapos kong maasikaso ang lahat ng ‘requirments’ na kelangan ay pinagsimula na agad ako. Tuwing 5am-1pm ang ibinigay sa akin na sked. Dahil katapat nga siya ng isang pribadong catholic school araw-araw ko nasasaksihan ang paghatid at pagsundo ng mga yaya pero mas masaya ako pag nakakita ng magulang na personal na hinahatid at binibilhan ng almusal( syempre McDo breakfast dapat.. hehe!!) ang kanilang anak bago sila pumasok sa opisina. May naging suki kami na customer, mag-asawa sila mukhang mayaman naka ‘corporate attire’ lagi sila pag naghahatid sa unica hija nila, tapos nakasasakyan sila pag hinahatid anak nila at binibilhan ng breakfast ng Mcdo( parang sponsor e noh?!) bago pumasok. Tuwing pagkahatid nila sa anak nila sabay silang nag-aalmusal at nagkwekwentuhan tapos makaraan ang mga 15minuto aalis na sila at didiretso na sa trabaho. Nakakatuwa kasi kahit mayaman na sila at mukhang busy sa trabaho may time pa rin sila ihatid anak nila at may oras pa rin silang mag-asawa para mag-almusal, ngumiti at magtinginan sa mata. Ang sarap nilang tingnan parang ang daming papasok sa isip mo pag nakita mo sila, sila ang naging dahilan kaya naniwala ako sa ‘happy ending’ sila ang naging dahilan kung bakit ginaganahan akong pumasok sa trabaho kahit pagod na ako at nagsasawa sa paulit-ulit na ginagawa ko sa araw-araw na ginawa ng diyos..

Sabado noon, malapit na mag 1pm at malapit na ako mag-out sabi sa akin ng ‘manager’ ko pwede ka ba mag extend? Kahit hanggang 3pm lang.. May party kasi tayo mamayang 2pm-3pm kulang tayo sa crew.. Bigyan nlng kita ng extra meal mamaya. (At dahil nakakinig ako ng “free meal”). Ok lang Sir wala naman akong gagawin mamaya ang dali-dali kong isinagot.. hehehe!! At pagsapit ng 2pm sabi ng manager ko mag handa ka na sa party.. Bigla iniabot sa akin ang isang ube na mala halimaw ang itsura.. Sabi ko ‘sir ano to?.. Sabi niya ‘Isuot mo mamaya.. tapos sumayaw ka ng otso-otso (kasi un ang uso that time). Napamura ako!! sa loob-loob ko akala ko naman e mag-aabot lang ako ng pagkain sa mga bata tapos papasayawin mo pa ako ng otso-otso!! Dahil natulala ako sa sinabi ng manager ko nagsalita si “Birdie” sabi niya ‘maghubad ka na at isuot mo tong ‘trash liner’ para hindi mabasa yung loob kasi gagamitin pa yan mamaya sa kasunod na party. Wala akong nagawa kundi maghubad ng uniform ko, binutasan ko ng 3 ang trash liner ng maipasok ko ang ulo at 2 kamay ko, ayan parang basurahan na ako. hehe!! Tinaggal ko kasunod ang sapatos ko at pinalitan ng lampas tuhod na Kulay ube na boots(1st time kong mag boots.. hehe). Pinaluhod ako ni birdie at itaas ko daw ang kamay ko.. At whoaaa!!! Ang galing!!! Ang laking Ube!!! at totoo nga ang kasabihang sa isang iglap ang daming pwedeng mangyari kasi naging Ube ako sa isang iglap.. hahaha!!! At naglakad na kaming 2 ni birdie papuntang 2nd floor kasi doon gaganapin ang ‘party’.. Ang daming sumisigaw na Grimace!! Dito naman!! At narealize ko na  ako pala si Grimace, kasi dati hindi ko alam na grimace pala pangalan niya.. haha!! Bawat hakbang ko feeling ko ang gwapo ko na daming nagtitilian at sumisigaw ng grimace d2 naman!! Tapos ang daming nagpapapicture at take note nakayakap pa sila sa akin habang nakangiting nagpapakuha ng larawan kasama ako. Sa bawat ‘say cheese’ ng kumukuha ng camera ngumingiti din ako ng di nga lang halata. Sa Tuwing iindak ako ang dami kong napapangiting matatanda at napapasayaw na mga bata..

Isang taon kong nakalimutan kung sino ako.. Nakalimutan ko lahat ng problema sa buhay ko at mga nangyaring kamalasan sa pag-aaral ko. Hindi ko ikakahiya na ako ay naging isang mascot na kulay ube!! Dahil ang sarap magpasaya ng kapwa..

“Ikaw nakapagpasaya ka na ba?? Masaya ka ba??…”

Bakit part 2??

Salamat nga pala dun sa nagbasa este sa napaclick lang ng link ko kasi kahit ako di ko babasahin ginawa ko sa sobrang haba. hehe!! Salamat nga pala kay ifoundme dahil isa siya sa mga pumipilit sa aking magsulat kahit alam ko ginagamit niya lang kaming mga ka-probinsya ng bf niya at kaya nagpapalakas siya sa amin. haha!! joke!! Nakakatuwa lang magsulat dito dahil ang babait pala ng nasa blog community!! Mabuhay lahat ng nagsusulat at mga ayaw na magkaron ng sugar coated life.

Simulan natin to sa isang pagbati ng isang ‘Happy Anniversary!!’. Isang taon na ang nagdaan may nagbago na ba sa akin? Mali pala tanong ko sa sarili ko dapat eh ano ang nagbago sa akin noon at nagkaganito?? Dahil request to ng ilang kaibigan ko at dahil mga curious(tsismoso at tsismosa) lang daw sila magpangap tayong may book 2 kahit wala naman. hehe!! Eto na ang season finale ng matagal ng closed book na mala TV series na kwentong ‘to.

‘College week’ noon sa school na pinapasukan ko kasali kami sa gaganaping “Battle of the bands”. Busy kami ng mga kabanda ko sa pag-eensayo ng tutugtugin ang di nila alam talagang pinili ko yung kanta na tutugtugin namin dahil (BANDA KO  NAMAN ‘TO!!) wahaha!!. Malapit na magsimula ang “battle of the bands”  at nagkataon na kami ang unang bandang tutugtug( Salamat sa bunutan ng numero!!) at dahil nga kami ang unang tutugtug sa amin nag open curtain ang stage. Pagbukas ng ‘curtain’ nakita ko ang ‘girl of my dreams’ sa may bandang harapan katabi niya yung bestfriend niya, biglang bumilis tibok ng puso ko at kinabahan ako pakiramdam ko magkakamali ako sa pag-gigitara. Pag intro ng “AS LONG AS IT MATTERS – GIN BLOSSOMS” bigla siya napa wow at napangiti at halos magkamali na ako sa aking pag gigitara sa nasaksihan ko na reaksiyon niya. Alam kong favorite song niya yun kasi may tape daw kuya niya nun at lagi niya nakikinig na naging paborito niya na rin. Umuwi kaming talunan nang gabing yun pero panalo ako kasi ang pakay ko lang ay tugtugin sa harap niya ang paborito niyang kanta at makita reaksiyon niya. At umuwi akong may ngiti sa mga labi habang ang mga kabanda ko eh hindi maipinta ang mga mukha!! (Sorry guys!! hehehe!!).

Makaraan ang ilang araw naguusap na kami nagi kaming close dahil nagkataon na lagi kamng seatmates at dahil dun naging mag bestfriend kami di-kinatagalan. Sa isang hapon sa nakakatamad na klase (dahil lang siguro sa nagtuturo.. hehe!!) naka upo ako sa likod niya at nasa harapan ko siya. Tinanong ko siya kung pwede ko hawakan kamay niya. Wala siyang inimik at inabot na lang bigla ang kamay niya sa likuran.. Boom na boom!! Star city at Enchanted Kingdom na pinagsama sama ang aking naramdaman ng magdapo ang aming mga kamay!! Pinagpawisan ako ng matindi at nanginginig pa..  Pagkalabas namin ng hapon niyaya ko siya sa chapel( eto pinaka corny na ginawa ko sabi niya) nagkataon kami lang 2 sa chapel ng school namin noon. Umupo kami na magkatabi bigla ko hinawakan kamay niya at sinabi sa harap niya at ng simbahan na “Mahal na mahal ko po Lord tong babaeng katabi ko ngayon sana siya na ang ibigay niyo para sa akin”. Tapos pagbaba namin ng chapel nakangiti siya sa akin tapos sinabihan akong ang corny mo!! (Akala ko swabe move!).. Wahahaha!

Dumating ang prom night dahil wala akong sasakyan nagpasundo me sa kaibigang si Meyn na may sasakyan ng lolo niya at andun si kaibigang Allan jay at Pol( My name is Paul). Kung gusto niyo ng larawan sabihin niyo lang ng makita niyo si kaibigang Pol( My name is Paul) na bigotilyo. Wahaha!! Pagdating namin sa venue ng prom nakita ko siya na naka “Yellow dress” at talaga namang parang prinsesa ang nakita ko at pakiramdam ko ako ay isang prinsepe na nakakabayo. Dahil parehong kaliwa ang paa ko nahihiya naman akong magsabi ng ‘Shall we dance?’. At dahil sabi nila ang first at last dance ay mahalaga nilakasan ko na loob kong hingin ang kanyang kamay at pumayag naman siya at ang first dance ay nagwakas hanggang last dance…

Isang gabi pagkalabas namin ng practice ng graduation.. Natuto akong mag-inum.. 1st time kong uminom akala nila nag-iinum na ako kasi gawa ng itsura ko mukha kasing adik.. haha!! Kasamo ko ang kaibigan kong si jobel(Repa!) papunta kaming tamabayan sa bahay ng kabarkada naming si jessie para magbasketball. Dahil gusto ko mag-inum at si repa ay ganun din bumili kami ng GIN sa tindahan e dahil high skul pa lang kami nun e patago dapat kasi bawal,  kaya humingi kami ng plastik ng softdrinks at dun namin inilagay, hinati sa dalawa at ininum ang GIN na parang softdrinks lang. Iyon ang unang tikim ko sa alak.

flashback:

Sa classroom inamin ko na mahal ko na siya. Ang tangi niya lang nasabi eh bestfriend kita sa ngayon at ayaw ko masira yun, at the age 25 ko pa balak magkabf dahil madami pa ako plan.. Maiyak-iyak ako sa narinig ko, akala ko talaga kami na or M.U. kami.. Sa madaling sabi nag-assume ang lolo mo!(poor boy).. Pagkalabas namin ng hapon inihatid ko siya sa sakayan ng jeep hindi kami naggagalawan at nag-iimikan. Nakatayo lang kami habang naghihintay ng jeep na kanyang sasakyan pauwi. Makalipas ang 10minuto na paghihintay dumating na ang  jeep na sasakyan sabi niya ‘ sakay na ako..’ Sabi ko naman ‘ sige, ingat ka na lang. At sumakay na siya ng jeep. Nung nakasakay na siya ng jeep bigla siyang bumaba bigla at hinalikan ako sa pisngi then tumakbo siya pasakay ulit ng jeep na parang ‘teary eyes’.. Na shock ako hindi ko alam ang gagawin, kung dapat ko bang habulin ang jeep na kanyang sinasakyan pero dahil iyon ang unang dampi ng labi sa aking pisngi na hindi nagmula sa aking ina hindi ko na nagawang kumilos pa at nagtagal ng ilang minuto na nakatayo lang ako na wala sa aking sarili..

“Hindi kita sasaktan kahit anong mangyari. Kung san ka masaya magiging masaya na din ako para sayo, kaya kahit di mo ako sagutin ok lang basta mag-iingat ka lagi at maging masaya ka. ( Paawa Effect ko nung nanliligaw)”. Pasensya na binuko ko na ang secret weapon nating mga lalaki. Wahaha! Nung umepekto na ung secret weapon at naawa na siya( Wahaha!). Halos araw-araw gumagawa ako ng paraan para makita lang siya at mabigay ang bulaklak at poem na aking ginawa para lamang sa kanya. At sa gayon e makamit ko na sa wakas ang matamis niyang “OO”. Pumupunta ako sa bahay nila dahil sa harap ng magulang niya mapapatunayan ko na seryoso ako sa panliligaw sa kanya. Dahil matalino at sweet ang matsing ang niligawan ko ay yung mama niya nagdadala ako ng bulaklak para sa mama niya at magpapalakas ako sa kuya niya at magpapangap ako na alam ko lahat ng itatanong ng kuya niya kaya naman buong araw kaming mag-uusap ng kuya niya about music na halos di ko na makausap ang talagang sinadya ko dun. paparusahan na naman ako ng mama niya na dito ka na kumain ng hapunan, sa loob-loob ko gusto ko tumangi na kasi nung isang gabi ipinaubos sa akin ung isang buong papaya na hindi ko naman matanggihan kasi nag papa POGI POINTS pa ako sa magulang niya kaya pag uwi ko sa bahay buong gabi akong nasa banyo. Gross!! Wahaha!! As usual hindi na naman makatangi at napilitin me kumain ng talangka, at Isang linggong pangangati gawa ng allergy ang kinahinatnan.

Makaraan ang 5 buwan kong panliligaw nakamit ko rin sa wakas ang matamis niyang OO..

Makalipas ang tatlong taon naming pagsasama hindi na ako ang dating tao sa kwentong ito kinain ako ng sarili ko at ng sistema ng kamaynilaan lumaki ang ulo ko, nakalimutan ko ung hirap na dinaanan ko para mapasagot lang siya dahil dumami ang umaaligid sa aking babae( feeling gwapo!!) at naging kampante ako na hindi naman magsasawa at mapapagod sa akin magmahal yun kasi ako ang first bf niya at gusto niya ako ang makikita niya sa dulo habang ‘she’s walking down the aisle’.  Lahat may hangganan, kahit gaano kahaba ang pasensiya nauubos din. Sa haba ng kwentong ito dalawa lang ang natutunan ko ang lalaki sa tagal ng relasyon “Magsasawa” at ang babae “Mapapagod” maghintay na bumalik ang dating nanligaw sa kanya at sinagot niya..

“Makalipas ang anim na taon napagod na siya maghintay na magbalik ang dating ako.. “

Ika-siyam ng hapon

Mga kwentong pisara na sinulat sa pamamagitan ng chalk pero di kayang burahin ng eraser.

  • Alam mo ba kung bakit “Amber” ang kulay ng bote ng beer?
  • Ano ang 3+1? Bakit kelangan ng 3+1 para makalimot?
  • Bakit diyamante lang ang may kayang lamatan ang kapwa niya diyamante?
  • Bakit halflong ang tawag sa kalahati ng footlong?
  • Bakit may asin pa ang lalagyan ng sorbetes?
  • At bakit pag nagbukas tayo ng ref sinasabi ng mga nanay at lola natin na “Isara mo ang ref at nalabas ang lamig!”
  • Totoo bang may “Happy ending?”
  • Nagmahal ka na ba at nasaktan? Ows?!
  • Tuklasin natin ang buhay ng isang Juan de la cruz sa pagtahak niya sa naiibang mundo ng pag-ibig, buhay at pag-asa. Halika ka sa mundo ng mga totoong tuta ng sistema..

Nagmulat ang mata ko napatingin ako sa orasan ika-siyam na ng umaga. Asan ako? bakit ako nakahiga sa puting kwarto?! Anong nangyari?? dami ko tanong sa sarili ko.. Good Morning!!! Musta tulog mo?! Sa susunod kumain ka wag ka magpalipas ng gutom sabi ng isang babaeng nakaputi. Ha?? bakit??? biglang naintindihan ko na lang kung bakit ako nakaratay sa kamang to at napabuntong hininga na lang at nagwikang “totoo pala, kala ko panaginip lang”. At ipinikit ko na lang ulit ang aking mga mata..

“Naramdaman mo na ba yung tipong may kulang sayo kahit wala naman?? Labo no? O hindi lang natin maamin sa sarili natin na may kulang talaga? Pero wala naman talaga eh ganito lang talaga ako. Ha? labo mo!! Aminin mo na kasi na may kulang! Ano aaminin ko e wla naman talaga, ganito lang talaga nararamdaman ko.. E kaya nga ganyan nararamdaman mo kasi may kulang bat di mo pa aminin!! Eh wala naman talaga eh!! AMP!!! Bahala ka maghanap ka ng kausap mo!!”

Makalipas ang ilang araw yun OK na ako!! Di ko na naiisip yung anim na taon na pinagsamahan namin, bawat detalye niya nakalimutan ko na, yung bilog niyang mata na sobrang lalaki, yung ilong niya na wala ng gaganda pa, yung noo niya na madalas kong hinahalikan, ung kangkong at bagoong na kinakain namin sa chowking everytime manonood kami ng purefoods game, yung pano siya mag cheer sa favorite niyang player everytime na nakakashoot ng ball, yung may sumisigaw sa umaga at nagsasabing ‘Gising na!’ tapos pag nagising ka na makikinig mo na yung napakalambing niyang tinig na ‘kain na tayo ng muffins sa mcdo, please! please! please!’. Putang ina! naka move on na ako!! Sa Wakas.. thank God!

Dahil nakamove on na nga ang bida sa istoryang to lumuwas siya ng kamaynilaan nagbakasakaling manumbalik at maibalik pa ang nakaraan. Lumuwas siya ng alas kuwatro y medyo ng madaling araw dumating siya sa tirahan ng kanyang pinakamamahal ng alas siyeta ng umaga ngunit hindi niya na naabutan ang kanyang minamahal kaya ang ginawa ng bida e kinausap ang mga kasama sa bahay na umiiyak n humihingi ng tulong na baka may magagawa sila para magbalik ang kanyang minamahal. Bumaha na ng luha bawat oras at di niya namalayang alas sais na ng gabi wla pa rin ang kanyang hinihintay o di n talaga dadating. Ang ginawa ng madramang bida e kinausap ang Landlady at nakiusap na pumasok sa kwarto para man lang masilip kahit kama at pumayag naman ang landlady kasi halos dose oras na nakaupo sa labas ng kanyang boarding haws at uhugin na ung bida kakaiyak kawawa naman kung di pa niya pagbibigyan ang pobreng binata.. Kaya pinayagan na siya pumasok ng kwarto. Pag bukas niya ng pinto naamoy niya yung amoy ng kanyang sinisinta na hindi naman nagpapabango pero yung amoy na yun sigurado siyang amoy niya yun hindi siya pwedeng magkamali. Pumunta siya sa kama at niyapos lahat ng gamit makikita niya yung unan, kumot, bag at tsinelas niya na kahit madumi e hindi maalis sa pagkakahawak niya. Hindi niya na kaya pang pigilin yung nararamdaman niya biglang tumulo na lang ang luha sa mata niya kahit wala na yatang tubig sa katawan niya sa dose oras niyang pag iyak at ni hndi pa umiinum at kumakain man lang sa araw na yun. Nawalan pansamantala ng malay ang madramang bida nagising siya na nakahiga sa kama ng mahal niya at yakap yakap pa rin lahat ng gamit pero wla pa rin ang kanyang hinihintay.. Kaya nagpasya ang bida na umuwi na lang pero bago siya umuwi naglatag siya ng mga piraso ng bulaklak sa kama kasama yung mga sulat nila sa loob ng mahabang taon nilang pagmamahalan nakalakip pa ang masaya nilang larawan.

Kinaumagahan naisipan ng Bida na gumising ng maaga Alas singko y medya pa lang gising na siya balak niyang bumili ng muffins sa Mcdo at ibigay sa ‘nag-iisang ikaw’ (hehehe). Nagmamadali siyang bumili ng muffins at para mas maapreciate pa ung breakfast e dinagdagan pa niya ng hash brown!( iba ka talaga sir! siguradong makikipagbalikan na yun akalain mong dagdagan mo pa ng hashbrown, ang sweet!). Dahil sa sobrang sweet(katangahan!) ng bida nakalimutan niya na wala na siyang kakainin sa maghapon dahil lampas na sa budget niya ang ginagastos niya at pati yung pagkain niya para bukas e naubos niya na( pa hashbrown hashbrown k pa ha!). Habang nakasakay siya sa LRT at jeep naisipan niya na huwag na lang magpakita at iabot nlng sa landlady ang binili niya na breakfast( ang galing mo talaga mag-isip! You’re so sweet!) at yun nga ang kanyang ginawa iniwan niya na lang sa landlady na may mga ngiti sa labi dahil sa pag-aakalang ang sweet ng kanyang naisip at ginawa at umalis na siya at naghintay na mag alas sais ng gabi para saktong labas niya at nasa bahay na siya. Pag dating ng alas-sais bumalik siya sa tinutuluyan ng nag-iisang ikaw na hanggang tenga ang ngiti naiisip niya na yung reaksyon ng kanyang mahal yung sasabihin niya na “Na touch ako sa ginawa mo ang sweet nun.. bumalik ka na talaga sa dating ____ minahal ko”. Eto na!! Nasa pintuan na(Yebaa!!!)..

Bida: Magandang hapon po andiyan po kaya si ____?

Landlady: Ay iho hindi pa siya dumadating simula kagabi, sa kaibigan niya yata nakitulog akala ko kasi kaninang maga andyan sa kwarto at tulog e umalis ka na agad kanina kaya di ko na nasabi sayo. Heto nga pala yung dinala mong almusal kanina..

At nagdilim ang kalangitan, bumalot ang kalungkutan sa kaninang masayang kapaligiran.

“Kelan ka dapat sumuko? Kelan mo dapat ipaglaban? Kelan mo matatangap ang katotohanan na wala na? Gusto mo bang bumawi? Pano ka babawi? Sisirain mo buhay mo? O Buhay niya ang sisirain mo? Sa pamamagitan ba ng salita o sa gawa mo siya sisirain? Magiging masaya ka ba? Ngayon masaya ka pa ba?”

Ika-anim ng gabi labas niya na iyon sa opisina inabangan ko siya sa gate ng kumpanyang kanyang pinapasukan gustong gusto ko siya kausapin pero pagkaharap ko na siya wala na ako masabi kasi nauuna yung luha bago ako makapagsalita. Nagdala ako ng gitara at ang paborito niyang kangkong w/bagoong. makalipas ang dalawa at kalahating oras ko na paghihintay sa gate nakita ko na siya na papalabas na ng gate sumikip ang dibdib ko parang maiiyak na naman ako pero pinigil ko kasi madami akong ni-rehearse na sasabihin sa kanya at baka sa pagkakataong ito magiba ang ihip ng hangin para sa akin. Nag-usap kami sabi niya kelangan niyang matulog sa tita niya kasi dadating Mama niya dun. Sumakay kami ng bus sabi ko kainin mo na sa harap ko yung kangkong w/ bagoong. Sabi niya mamaya na lang pagdating niya sa tita niya. Tapos inilabas ko yung gitara at kakantahan ko siya ng “Can’t help falling in love with you” ni Elvis presley kasi sabi niya nung buhay pa Papa niya lagi daw yung kinakanta ng papa niya kaya naisip ko na baka yung kantang yun ang makakapagpalambot sa kanya pero hindi ko na nagawang makapg gitara kasi sumikip ang bus at malapit na siyang bumaba. Pinilit kong sumabay sa kanya kahit ayaw niya bumili kami ng tiket sa MRT North Edsa tapos baba Kami Cubao Station. Naguusap naman kami ng maayos den bigla may tumawag sa kanya bigla siyang bumaba ng MRT kahit hindi pa naman yun ung bababaan namin. Sabi ko bakit? Sabi niya bababa na daw siya sabi ko sige sasamahan na kita.. Sabi niya huwag ka ng sumama, sabi ko hindi ko siya iiwan.. Ang ginawa niya pumunta siya sa pangbabae na area para hindi ako makapunta, hinabol ko pa rin siya at sigaw ako ng sigaw ng pangalan niya pero ayaw niya lumingon. Hinawakan ako ng guwardiya at sinabing “sir female area to”. Naluluha na ako habang sinisigaw yung pangalan niya habang nakahawak pa rin ung guwardiya sa braso ko.. At nakita ko na lang na nakangiti siya na may kausap sa telepono at parang slow motion na nagsara ang pinto ng tren at ang nangyayari sa buong paligid ko.. Hindi ko na napigilan ang luha ko at napahikbi na lang ako sa harapan ng mga tao. Maya-maya biglang may tumapik sa balikat ko dinala ako sa upuan at tinanong na ‘OK ka na ba?’ sabi ko ‘Ok na po ako salamat!’. Hindi ko namalayang last train na ang dumaan.. Pinababa na lang ako ng gwardiya at sinabing bukas niyo nalang papalitan sa counter kasi closed na. Nagbus ako papauwi ng hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Hanggang ngayon nasa akin pa ang tiket na iyon tuwing gabi pinapapaalalahanan ako ng tiket na yun na kahit gaano kasakit nararamdaman ko sa pagkawala niya dapat kong panindigan yung sinabi ko nung nanliligaw pa lang ako na kahit anong mangyari hindi ko siya sasaktan at proprotektahan ko siya sa lahat. Wala akong masasabing masama sa kanya kaya walang karapatan ang kahit isa sa atin na husgahan siya manalamin muna tayo bago tayo magsalita sa kapwa natin. Naniniwala akong matalino siyang tao at alam niya kung san siya liligaya kaya kelangan niyang mag desisyon kahit pa ang pagbatayan natin e yung tagal ng pinagsamahan meron talagang mga bagay na hindi natin mauunawaan kasi masakit at masyadong mataas ‘ego’ natin para tanggapin ang mali at pagkukulang natin. Kung tunay tayong lalaki aminin natin ang pagkakamali natin dahil iyon ang isa sa basehan ng tunay na lalaki.

Ika-siyam na ng gabi eto ang pinakapaboritong oras ko sa buong araw. Makikita mo na naman ako sa tabi ng kalsada kasama ang mga kaibigan nakabilog kami sa isang sulok at nasa gitnang upuan ang 3+1 na alak at pulutan na pinag ambagan. Tatawa na naman kami buong gabi at titirahin sa likod ang kaibigan naming wala sa araw na yon (Buti andun ako lagi wala tuloy ako baho!! hehehe!!). Makaraan ang ilang oras ng tawanan at tirahan sa bawat isa magsisiuwian na rin ang lahat at maiiwan ka pa rin na nagiisa at ang tanging kasama at kaharap mo lang e ang mga bote ng beer na wala ng laman. Totoo pala yung sinasabi na kahit ilang libo pang ligawan mong babae pagkatapos ng gabi alam mo sa sarili mo kung sino talaga ang gusto mo makasama sa buong buhay mo.

Lumilipas ang mga araw ko sa iskwelahan nauubos ang oras ko sa pagpasok wala naman akong nakikinig at natutunan umiikot lang ang isip ko sa mga tanong na wala namang kasagutan. Ano kayang magawa pa para bumalik siya? Baka kulang pa ginawa ko? At biglang nagring ang bell. Sa wakas yun lunchbreak na din sa wakas gutom na ako. Pumunta ako sa may iskinita sa katabi ng paaralan namin umorder ako ng kalahati ng footlong( halflong), spaghetti at isang softdrinks yan lagi ang aking combo meal #23. Pagkatapos kong kumain pumasok na ulit ako. Tulad ng dati nakaupo lang ako di nagsasalita at wala sa sarili ng biglang tinanong ako ng aking professor. Napatayo ako bigla at pinagpawisan sa kaba at napasabing, Bakit po sir?

Prof: Umiinum ka ba ng beer?

AKo: Yes sir! ( sa loob-loob ko di naman sa pagmamayabang pero kaya kitang patumbahin! hehehe..)

Prof: E di alam mo na may Light at Strong beer?

AKo: Oo sir di ba may San Mig Light at Red horse Strong Beer?

Prof: Anong pinagkaiba nung dalawa? Pano mo malalaman kung light o strong beer ang iniinum mo kung walang nakalagay na strong at light?

Ako: Titikman ko tapos pag matapang strong beer un pag hindi light un. Depende yun sa alcohol content ng isang beer.

Prof: OK, sitdown. Malalaman mo agad kung strong or light ang isang beer sa bote nito.. Di niyo ba napapansin yung kulay ng bote ng beer? Ung mga Pale pilsen, Red Horse, Colt45 etc. iisa ang kulay ng bote nila? Di ba kulay “Amber”? Tapos yung mga light beers e transparent ang bote niya? Ang assignment niyo e anong kinalaman nung kulay amber sa pagiging strong ng isang beer.

Ang galing naman nun!! May kinalaman pala yung mga maliliit na bagay at hindi natin napapansin kahit araw-araw na natin tong ginagawa. Madalas akong umiinum pero hindi ko alam yung mga ganung bagay hindi pala ako matatawag na mag-iinum talaga kasi hindi ko alam lahat ng detalye sa ginagawa ko. Isa pa nga akong bubot sa larangan ng pag-iinum halos 7 taon na akong nag-iinum pero ngayon ko lang nalaman ang bagay na iyon. Maikukumpara ko yun sa 6 na taon kong pakikipagrelasyon akala ng lahat ang tagal na nun at alam ko na ang lahat pagdating sa pag-ibig pero ang totoo wala yung pinagkaiba kung sinagot ka ngayon o nung ilang taon na ang nakakalipas ang importante sa bawat tik-tak ng orasan e masaya kayo ngayon at ginagawa niyong memorable bawat segundo na magkasama kayo. Walang sinabi ang anim na taon sa anim na oras niyo na pwedeng gawin ngayon. Ano pang tinatanga tanga mo? Kumuha ka ng papel isulat mo nararamdaman mo sabihin mo kung gaano mo siya kamahal. At dun sa matagal ng magkasintahan pwede kayong pumunta sa isang lugar na makakapag-usap kayo sigurado ako marami na nagbago sayo simula nung sinagot ka niya kesa nung nanliligaw ka pa lang natatakot lang siya sabihin sayo kasi baka magalit ka o masamain mo sasabihin niya. Walang masama maging showy minsan at sabihin yung simpleng mga bagay dati na gusto niya makinig galing sayo dahil iyong mga sobrang liit at di na natin ginagawa at napapansin na mga bagay ang malaking bagay para sa mga babaeng minamahal tayo.

Nasabihan na naman ako ng Lola ko na isara mo nga yung pinto ng refrigerator at nalabas ang lamig. Gusto ko sabihan ang lola ko na mali yun kasi laging Hot-Cold ang proseso ng lahat ng bagay sa siyensya at dapat ang sabihin niya e “Isara mo yung pinto ng ref dahil napasok yung init”. Pero nakasanayan na yun ng Lola ko at lahat ng matatanda kaya gusto ko man itama ang mali para saan pa di ba? Isang simpleng pagkakamali lang naman yun na namana pa nila sa kanununuan nila at namana ko din kung hindi ko lang natutunan sa paaralan. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung maitatama pa ba ang mali kung yun na ang nakaugalian ng sistema? Malaki talaga ang epekto ng ‘environment’ ng isang tao sa kanyang nagiging desisyon sa buhay. Para yang asin sa paligid ng ‘dirty ice cream’ andun yun para hindi agad matunaw ang sorbetes. Minsan magdedesisyon tayo base sa sistema na nakasanayan natin hinggil sa bagay-bagay pagdating sa kultura, kasarian at dahilan. Minsan naman magdedesisyon tayo depende sa payo ng ating mga kaibigan o magulang at minsan naman depende lang sa ating ‘mood’ sa araw na iyon. Hindi natin alam kung tama o mali magiging desisyon natin sa ngayon. Ang pagkakataong magawa at masabi natin sa taong mahal natin kung gaano natin sila kamahal eh hindi kayang bilhin ng pilak huwag mo ng hintayin na ang nasa kamay mo lang e mawawala pa dahil tandaan mong walang Ika-Siyam ng hapon