“Sa mga kaibigan ko na kinalimutan ko noong panahon na masaya ako pero nung lugmok lugmok na ako eh hindi nawala sa tabihan ko para hawakan ang kamay ko sa kumunoy na ginawa ko para sa sarili ko..”
Ilatag na ‘to!!!
- Kaklase ko na siya nung grade 5 pa lang ako. Asar na asar ako sa taong to kasi lagi ko siya kaklase tapos lagi siya ang “Most Diligent Student”. Hindi tuloy ako nakatikim ng pagiging “Most DIligent Student”!!!. Noong nasa 2nd year high skul kami hindi ko makakalimutan yung ginawa ko siyang piggy bank nagbibigay ako ng P20/day para makaipon at ng sa ganun e matupad yung pinaplano kong ‘date’ sa crush ko sa mga panahong iyon(Alam mo kung bakit ko naisipan na gawin kang alkansya? Hindi ha!! Mali ang iniisip mo!! Meron lang me alkansya that time na kulay flesh ayun naisip kita!! Joke!!). Naging Escort niya ako sa isang okasyon noong nasa kolehiyo pa siya kasi naman miyembro siya ng ‘No bf since birth’.. hehe.. Nadaya pa kami nung gabing iyon dahil kami dapat ang tatanghalin na ‘Mr. and Ms.’ Nang gabing iyon pero sa hindi maipaliwanag na dahilan at tulad ng nangyayari sa mga awards night e nadadaya ang tunay na nanalo.. hehe!! May special powers siya kasi isang tingin niya lang sa babae na makakasalubong namin alam niya kung type ko o hindi yung babaeng yun, bat ganun?!! Ang daya!! hehe.. Hindi ko matangap na mas madami siya alam sa akin pag dating sa isports kasi babae siya pero pag showbiz ang usapan maghanda ka alam ko lahat ng latest chika at kung sinu ang mga buntis sa mga teen stars ngayon. hehehe!! Pero seryoso salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo, sa mga utang na hiniram ko para makapasok lang sa paaralan, sa mga na delay ko na pagbabayad sa utang, sa mga pakikinig sa mga paulit ulit kong kwento at sa 13 taon na pagkakaibigan. Salamat!!!
- SINU ANG MAY SABI MAKAKATING LABI DI DI DI NAMAN TOTOO!!! Yan ang kanyang linya sa mga nagsasabing babaero siya.. hehehe!! SIya ang ‘Bestman’ ko. Pag sinabi niyang “akin ka” magiging sa kanya ka talaga ganun siya katinik kaya ingat kayo.. hehe!!! Kaya nga nung minsan na maglaro kami ng basketball at sinabi niya na ‘akin ka’ e natakot ako kasi baka nga matuluyan ako na mapa sa kanya.. waaa!! Mala congressman siya kung gumawa at sa huli aaminin niya din ang kanyang ginawa dahil hindi kaya ng kanyang konsensya, ows?! O hindi pa kaya ngayon ng bulsa pag malaki na ang kita na lang .. Joke!! parang congressman lang.. HaHaHa!!! Pinalitan niya na ang Nov.30 na dapat ay kay ANDRES BONIFACIO ginawa niyang ‘GUEVARA DAY’ ganun siya kalakas at pati ang history ng Pilipinas e kaya niyang baguhin. Isa siya sa dahilan kung bakit tumagal ng anim na taon ang una kong relasyon, ewan ko ba sa taong yan at mas malaki pa ang tiwala nung ‘girlfriend’ ko dati sa kanya kesa sa akin. Salamat sa pagtuturo mo sa akin ng kamunduhan noong magkasama pa tayo sa iisang kwarto at hindi pagtulong nung kinakailangan kita para maayos pa ang anim na taon!! Salamat ha!! hahaha!! Pero seryoso salamat sa lahat ng nagawa mo dati sa mga ginawa mong pagtatakip at pagpupuno ng pagkukulang ko dati. Sa mga Kwento na iyong binahagi.. Sa mga debate na pinagtatalunan natin minsan dahil sa ibat-ibang opinion natin at sa walang hanggang pagkakaibigan. Ikaw pa rin ang bestman sa magiging kasal ko kahit sinu pa ang iharap ko sa altar.. Pare pag wala ako naharap pwede bang ikaw na lang?!
)
- Para siyang isang gulay na ‘pechay’ minsan sinasabi niya na magigi siyang mag-isa pag tanda kasi pwede naman kainin ang ‘pechay’ ng basta gulay lang at bigyan na lang ng sustansiya ang kapamilya niyang gulay tapos pag nagawa niya na ang parte niya bilang isang ‘pechay’ bigla na lang siyang maglalaho sa mundo, masaya na daw siya na ganun lang naging silbi niya sa mundo, pero pag isinama mo naman sa nilaga nakakalimutan niya pagiging ‘pechay’ niya at tuwang tuwa makita ang mga sangkap na kasama niya habang nasa isang mainit na kaserola at sabay sabay na pinapakuluan, pinapalambot at hinahalo. Tandaan mo ‘pechay’ na madami ka silbi at huwag mo ikulong ang sarili mo sa alam mo lang na gamit mo kasi pagpunta mo ng korea pwede ka nilang gawin isang ‘kimchi’!! hehehe!! Pero seryoso yan.. Hindi ko makakalimutan yung tuwing ika-siyam ng gabi na nasa isang sulok lang tayo at nagpapakalasing sa buhay tapos ginagawa nating pulutan yung mga wala sa inuman na yun.. HaHaHa!! Namimiss ko yung buong araw lang tayong magkatext kahit non-sense na ang ating pinag-uusapan para lang hindi masayang yung unlimited text natin noon. Pero kelangan nating maging ‘mature’ na kasi hindi na tayo nabata at alam naman natin na magkakanya kanya din tayo at magkakaroon ng sariling pamilya balang araw pero masaya ako nagkaroon ako ng isang ‘pechay’ sa buhay ko. Ang gulay na hindi ko makakalimutan kailanman.
- Konting di pagkakaintindihan ang muntikan ng mauwi sa isang madugong suntukan. ‘Hawakan mo nga sa tenga kung matapang ka’ ang sabi ng katabi ko na lalong nagpainit sa tensyon ng gabing iyon.. Dahil nasa iisang barkada kami nagkikita pa rin kami pero plastikan lang na kamustahan ang nagaganap. Nang maghilom na ang sugat at pareho na kaming may bayag para kausapin at ayusin ang di pagkakaunawaan hindi namin akalain na mas higit pa sa inaakala namin ang mangyayari sa aming dalawa( naging kami!!!) Wahaha!!!. Pero seryoso pare kahit na hindi naging maganda ang impresyon natin sa isat-isa noon masaya ako at hindi ko aakalain na magkakausap tayo at magiging malapit tulad ng kung ano meron tayo ngayon. Salamat sa lahat ng naitulong mo di lang sa akin kundi sa barkada natin para maging masaya at hindi makakalimutan ang bawat tagpo natin bago ka lumipad sa lupang pinangako. Nawa ay mahanap mo dyan ang kasagutan sa lahat ng tanong na nasa isipan mo ngayon. Hindi ko makakalimutan ang pinanood nating palabas na “TULAD NG DATI” Isa yun sa napakaimportanteng ‘indie film’ na napanood ko na humaplos sa aking pagkatao. Mabuhay ka kaibigan!!!
- Napakaperpektong tao nitong kasunod kong ikwekwento malamang kahit BLOG ko to magiging kanya na to pag inilagay ko pa ang larawan niya dito, kaya pasensiya na sa mga hihiling ng larawan niya konting respeto na lang dahil ‘BlOG’ ko naman to at hayaan niyo na ako naman ang maging bida dito hehehe!! “Perfect 10″, “IDEAL MAN”, “MR. DREAMBOY”, “PANGARAP KONG JACKPOT”, ” WOWOWEE”, “KAPWA KO, MAHAL KO” “PINOY POP SUPERSTAR” ganyan malamang ang masasabi na lang ng mga babae pag nakita niyo sa personal ang taong to, at kung lalaki ka naman mapapatanong ka na lang ng “BAKIT LORD?!” “NATUTULOG BA ANG DIYOS?!” tapos mapapadasal ka pa ng “3′O CLOCK PRAYER” ganun ang naramdaman ko nung maging kaibigan ko ang taong to. Kung medyo alanganin ka naman isa lang malamang ang masasabi mo ” UNITED AMERICAN TIKI TIKI”.. HAHAHA!! Pero mapunta naman sa seryoso salamat pare sa mga mga kwento mo at mga banat na nakakatawa. Nasabi sa akin ni repa minsan gusto mo talaga ako maging malapit na kaibigan kasi may nakikita kang kakaiba sa akin?! (Aba pigilan mo yan pare!! Sayang ka!! haha!!) Nawa ay maging masaya ka sa lahat ng ginagawa mo ngayon, nawa ay matagpuan mo na ang matagal mo ng hinahanap na kaligayahan at katahimikan. Huwag kang matakot sa darating na mga pagsubok, magdasal ka lang sa kanya at itaas mo ang kamay mo dahil pagmulat mo andun ako sa tabi mo para hawakan ang iyong mga kamay..
- Si ‘Sir Yabang’ kung siya ay tawagin. Siya ang pinuno ng aming samahan na kung tawagin ay “Team III” sa hindi namin maipaliwanag na dahilan eh kung bakit siya ang naging lider nang aming ‘underground’ na samahan eh siya ang laging huli sa mga lakad at may sariling diskarte sa mga desisyon kelangan gawin. Makaraan ang isang taon nang pagiging lider nagulat ako ng makita ko ang malaki niyang pagbabago hindi na siya late lagi tulad ng reklamo ng lahat ng miyembro, siya pa ang laging una sa mga tagpuan at handang handa siya sa lahat ng kelangan ng grupo niya at mas sumarap pa lalo ang kanyang niluluto at malamang dahil binubudburan niya nang isang kilong pagmamahal sa nakaputing babae. Hehehe!! Kung may blog lang etong si ‘SIR YABANG’ malamang ang dami nitong kwento na ating susubaybayan kasi mas makulay ang kanyang buhay kesa sa atin sa karamihan dito. Halos pareho kami nang nangyari sa nakaraan na ayaw na naming mangyari sa hinaharap. Kaya inaasahan ko mula sa akin at mula sayo na huwag mong hayaan mangyari sa magiging anak natin ang mga naranasan na natin nung bata kasi alam natin kung gaano kasakit ang mawalan at madagdagan ng hindi natin kagustuhan..
Itutuloy…